46: Plaza

208 6 0
                                    

COOKER

“Okay kana ba?”

Tumango ako at ngumiti. “Opo, salamat ‘nay.”

“Walang anuman anak, maghugas kana ng kamay at ako na diyan, libangin mo sarili mo, pumunta ka sa tabing dagat at manood ka ng sunset.”

Tumango ako at naghugas ng kamay. Lumabas na ‘ko ng bahay nila, saktong pababa na ang araw. Halong pula't dilaw ang kulay ng langit.

Malapit na ‘ko sa seashore ng mapahinto ako. Nakita kong magkasama sina Canyon at Leaves, nakaupo sila sa buhanginan habang nanonood sa paglubog ng araw. Hindi ko alam pero nalungkot ako ng makita silang magkasama. Nakasandal si Ate Leaves sa balikat ni Canyon.

Ang sweet nilang tingnan.

Bagay sila.

Ba't parang ang bitter ko? Hayst. Nakakainis. Hindi ko maintindihan ang sarili. Bakit ba ako nagkakaganito?

Hindi na 'ko lumapit doon dahil mapapansin nila ako. Ayokong masira ang maganda nilang usapan habang nakatingin sa sunset. Napayuko ako mula sa kinatatayuan. May buhangin narin sa inaapakan ko.

Napabuntong hininga ako. Saka nalang ako manonood.

Tiningnan ko sila sa huling beses bago ako humakbang pabalik sa bahay. Bagay kayo ni Canyon Ate Leaves. Peks man.

Nasa punong mangga na ‘ko ng makita ko si Warren, ang aga niyang bumalik samantalang mamaya pa ang kainan.

Nakangiti itong kumaway sa ‘kin at sinigaw ang pangalan ko.

Nakasuot siya ngayon ng panjama at itim na sando. Malaki din ang katawan niya dahil nabakat ito sa sando, siguro dahil banat siya sa trabaho.

Nakalapit na siya sa 'kin at nakatitig parin ako.

“Gwapo koba?” Nakangiti nitong turan, lumabas tuloy ang maputi at pantay niyang ngipin. Napangiti nalang ako at iniwas ang tingin.

“Ang lakas ng hangin.” Turan ko. Natawa siya. Ngayon ko lang napansin, gwapo siya kahit moreno. Bagay sa kaniya ang mapungay na mata at medyo makapal na kilay.

“Bakit nga pala narito ka sa labas? O pupunta ka dapat doon sa seashore?”

Ah, ano nga ba ang dapat kong isagot? Napatingin ako kala Canyon, nahuli kong nakatingin siya sa gawi namin. Siguradong ang talim ng tingin niya. Ako nalang ang umiwas.

“Ah, hindi. Gusto ko lang maglakad-lakad.” Sagot ko.

“Yun. Gusto mo sumama ka sa ‘kin? Libot tayo sa plaza. Ano? Maaga pa naman, e?” Pangumbinsi niya. Nagdalawang isip ko. Hapon na at baka malayo ‘yon.

“Babalik din tayo agad, ano?” Dugtong niya. Nakangiti na parang walang problema.

Sabagay, sabi ni nanay maglibang daw ako kaya tumango ako. Napa yes! pa siya sa tuwa.

Sabay kaming naglakad palabas, lumingon pa ako sa seashore, nakita kong nakatingin samin si Canyon at Ate Leaves. Siguradong kunot noo si Canyon ngayon, kung wala siyang girlfriend baka asarin kopa siyang nagseselos. Kaya lang, wala, e. Impossible.

Nang makalabas kami ng bahayan diretso tindahan kami, sa mismong highway maraming nagtitinda, mga seafood at iba pa. Siguradong punterya nila mga dayo.

“Manong tigbenteng fish ball dalawa, tapos dalawang palamig.” Saad ni Warren sa nagtitinda.

Kinalabit ko siya. Tumingin naman siya sa ‘kin habang nakangiti. “Wala akong dalang pera.”

“Libre ko.” Sagot niya at nagwiggle nang kilay. Natawa ako dahil ang kulit niya. Siguradong matutuwa si Tandang Pions dahil hindi ako nagmamaldita, ang bait ko dito. Ikukwento ko ito pagbalik.

The Maldita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon