COOKER
Hindi ako makatingin ng diretso sa lalaking kaharap namin. Nahihiya ako. Shit.
Teka, may hiya ba ako?
“Ikaw anak, iba talaga ang tinik mo sa babae.” Napapailing na saad nito, na father pala ni Canyon. Pero inferness, gwapo, ganda ng katawan tapos matangkad. May pinagmanahan pala.
“Naman, Dad, mana sayo.”
Tsk. Babaero tandem. Pagbuhulin ko kayong dalawa, e. Hindi na 'ko magtataka kung may kapatid sa labas si Canyon.
“And who’s the beautiful lady?” Nakangising turan ng dad niya. Ang ganda ko talaga. Hihihi. Beautiful daw, e.
“Siya ‘yung sinasabi ko, sa loob nalang tayo mag-usap, Dad.”
Tumango ang dad niya, binukas nito ang pinto sa dulo. Pagpasok namin namangha ako, puro libro ang nasa loob, parang public library. Maaliwalas din dahil sa laki ng bintana. Inikot ko ang tingin, literature at mga business books ang narito. Wala manlang novel?
Hinila ako ni Canyon paupo sa sofa, naroon narin pala ang mommy niya. Nakita ko ang isang pinto malapit sa sofa siguro iyon ang office ng dad niya.
“So, you’re Cooker? I’m right?” Tanong ng dad ni Canyon. Kaharap namin sila sa kabilang sofa dahil may coffee table sa gitna.
“Yes po.”
“Nakwento kana samin ni Canyon, and we knew your secret.”
“Ah actually, my father in law.” Bigla nalang siyang natawa sa turan ko. Pati ‘yung mommy ni Canyon hindi rin mapigilan mangiti. “Hindi po talaga secret ang kakayahan ko, marami na pong nakakaalam.” Dugtong ko.
“I like you, Cooker, para sa Bayug ko.” Biglang hirit ni mother in law. Nakangiti siya sa ‘kin dahilan ng paglawak ng labi ko. Si Canyon naman hindi mapigilan mapa facepalm.
“Thank you po mother in law. I like your son din po. I like him to pukpok-pukpok.” Umarte pa kong may hawak na martilyo at nagbabaon ng pako.
“Anong pukpok-pukpok?” Naguguluhan tanong ni mother in law.
“Ah, ‘wag nyo nalang pong intindihin ang sinabi ko. Pero ‘yung Bayug nyo po, kasing labo ng kanal na magkagusto ako diyan, babaero po, e.”
“Hah? E, diba girlfriend ka ng anak ko?”
Oops.
Mali yata ang nasabi ko?
Akala ko alam nila ‘yung tungkol samin, diba kasi alam nila ‘yung about sa kakayahan ko?
“Hindi kaba totoong girlfriend ng anak ko?” Dugtong pa ng mommy ni Canyon. Kunot noo na parang sinusuri ang pagkatao ko. Napatingin ako kay Canyon, nagtitim bagang siya na masama ang tingin sa ‘kin. Oh, no. Mukhang walang alam ang parents niya.
“Ahm, kasi, ano po, ahh — “ Inapakan ko ang paa ni Bayug. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Aamin ba ako? Sinamaan niya ako ng tingin tapos sumandal sa sofa. Putik na ‘to. Snob? E, kung sapakin ko kaya siya ngayon mismo.
Binalik ko ang tingin sa parents niya. Aamin nalang ako. “Nagpapanggap lang po kami.”
Ayun, nasabi kona. Nagkatinginan ang mag-asawa, hindi yata nila matanggap. Chariz.
“’Di bale, alam kong gusto ka ng Bayug ko.” Nakangiting turan ni mother in law. “Ikaw Bayug, sana naman tigilan mona ang pambababae, matuta kang mag stick to one, katulad ng daddy mo, ako lang.”
Muntik na ‘kong masuka. Kinikilig kasi ang mommy ni Canyon. “’Wag po kayong pakasigurado mother in law.” Sita ko.
Kumunot ang noo niya, sabay pa silang mag-asawa tumingin sa ‘kin. “Joke lang po, hehe.” Bawi ko. Baka mag-away pa, e. Tapos ako sisihin.
“Maiba po tayo, narito po ako para tulungan kayo sa problema ninyo. Pwede kona bang makita ang profile ng mga kamag-anak ninyo?”
“Ay, oo nga pala. Sige, wait lang.” Saad ng mommy ni Canyon at pumasok sa pintong tinuro ko kanina.
“Ngayon pa lang nagpapasalamat na ‘ko sa magiging tulong mo.”
“Wala po ‘yon, maliit na bagay lang.” Sagot ko sa daddy ni Canyon. Wala pa nga akong nagagawa nagpasalamat na.
Bumalik ang mother in law ko may dalang folder. Binaba niya ito sa coffee table. Binuklat ito ni father in law at tumingin sa 'kin bago nagsalita.
“Ito si Rachel, ang panganay kong kapatid. Kasama niya ngayon ang asawa't anak niya, nakilala mona siguro si Jack?” Hinarap niya sa 'kin ang folder, may picture don si Rachel pati ang asawa't anak nito. Tinitigan ko ito, putik. Si espasol 'to, a? ‘Yung duck ang nguso? Eww! Siya pala ang mother ni Jack? Bigla akong naturn off, baka kapag ito ang naging mother in law ko — hayss, nevermind.
“Apat kaming magkakapatid, ako ang pangalawa pero sa ‘kin pinasa ang pamamalakad sa kompanya, sapagkat may talento ako sa pagpapatakbo ng negosyo. Ngunit, may naiinggit. . . “ Huminto panandalian ang pagkukwento ni father in law, tumingin siya kay Canyon at sa asawa niya.
“At sa hinula namin, isa sa kapatid ko ang gumagawa ng paraan para mapababa ako sa pwesto.” Dugtong niya. Binalik ko ang tingin sa profile ng babae, unang tingin ko palang dito sophisticated na, mukhang maarte at mayabang.
Muling binuklat ni father in law ang folder.
“Ito ang sumunod sa ‘kin, si Jamie. Walang asawa't anak, kumbaga matandang dalaga, may pera at sariling business, hindi ko sigurado kung wala siyang inggit sa katawan. Dahil lagi niyang pinagyayabang na successful siya at dapat sakaniya nauwi ang kumpanya.” Medyo chubby ang nasa picture, hanggang balikat ang buhok at mukhang si Dora. Hindi ko lang siguro napansin ito kanina.
“At ito ang bunso samin, si Michael.” Saad niya matapos ilipat ang page. Isang payat na lalaki, nakasalamin at army cut ang buhok. Sa laki ng noo niya para siyang si Squidward sa SpongeBob.
“Siya lang sa mga kapatid ko ang napagsasabihan ko ng mga nangyayari sa ‘kin. Mabait at iniintindi ako. Hindi siya gamahan, he appreciates anything even smallest things came on him.”
Nice. Sana all lahat ng tao ganun. Tumingin sa ‘kin si father in law. “Sigurado kabang matutulungan mo kami?”
Nagthumbs up ako. “Naman, ako pa ba? Malakas yata kayo sa ‘kin mga biyenan ko.”
***
Note:
Hindi po ako perpekto kung may nakikita kayong mali-mali sa grammar ko, pasenya na po. Huhu.
Love lots ෆ╹ .̮ ╹ෆ
BINABASA MO ANG
The Maldita
Mystère / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...