35: Fork

235 7 0
                                    

CANYON

Umalis lang ako saglit, pero pagbalik ko magkatabi at magkausap na sina Cooker at Jack. Umigting ang panga ko. Bakit bigla akong nainis?

Lumapit ako at tumayo sa likod ni Cooker.

“Oy Bayug andiyan ka pala.” Pansin niya sa 'kin.

Nasa dining hall kami, ‘yung mga relatives ko busy sa kanikanilang businesses. While mom and dad simply observing.

“Maupo kana dito.” Dugtong niya, tinap niya ang katabing upuan. Nope. Hindi ako uupo doon. Ano papayag akong katabi niya si Jack in whole dinner? “Lumipat ka.”

“Hah?”

“Lumipat ka.” Ulit ko.

"Bakit?"

"Basta lumipat ka." Inis kong saad. Kumunot ang noo niya, nagtataka.

"Sige." Turan niya at lumapit sa kabilang upuan. Gusto ko lang maghiwalay sila ni Jack.

“Selos?”

Nagtiim ang bagang ko sa bulong ni Jack. Kung hindi ko lang siya pinsan.

Damn it.

Kinalma ko ang sarili. Narito kami para malaman ang daga sa pamilya ko at kung sino man ang hayop na ‘yon. Putangina. Forgive my sin God.

Nanlamig ang katawan ko ng bumulong si Cooker sa tenga ko. Damn. Ang lakas ng epekto. Hindi ko alam kung anong ginawa sa 'kin ng babaeng 'to.

“J-just do your plan.” Damn it. Why I ‘am stammering? Inayos ko ang sarili. Baka mahalata pa niyang naiilang ako. Assuming pa naman.

Nang maihanda lahat ng pagkain sa mesa balak na sanang kumain ni Cooker ngunit nagsalita si lolo. “So, how’s Grand Hotel?”

Ang Grand Hotel ay pagmamay-ari ng pamilya namin.

“The company running well, Dad.” Sagot ni dad.

“Well, except you?” Singit ni Auntie Rachel na kinakunot noo ko. Nilingon ko siya, busy siya sa cellphone pero nakikinig. 

“What do you mean, Rachel?” Nagtatakang tanong ni dad.

Inangat ni Auntie Rachel ang ulo at tumingin kay dad. “Well, I just heard you got shot.”

Hindi nakaimik si dad. Kunot ang noo niya at binabasa ang itsura ni auntie.

“For what I knew, walang may nakakaalam non except I, Michael, my wife and my son, so how do you knew, Rachel?”

Nabalot ng katahimikan ang dining hall. Dad was correct, how Auntie Rachel knew? Siya ba ang mapanirang daga sa pamilya ko?

Tahimik lang na nakamasid si Auntie Jamie at Uncle Michael. Ang tahimik ng dining, lahat nagpapakiramdaman.

Nagising lang ang lahat ng ibagsak ni lolo ang kamay sa table.

“Something I didn’t know? Wala bang magsasabi sa ‘kin, what’s happening on this family?” Tumalas ang tingin ni lolo sa bawat isa. Tumaas din ang boses niya ng sabihin ang salitang 'yon. 'Yung kulubot niyang noo lalong naging kulubot.

“Tell him.” Bulong ni mom kay dad. Nagtatalo ang tingin nila, siguradong nag-aalangan si daddy.

Bumuntong hininga si dad. “May gustong pumatay sa ‘kin.”

That’s it.

Biglang dumilim ang aura ni lolo ng sabihin ‘yon ni dad. I know lolo has favouritism and that was dad.

“WHAT? AND WHO’S THE BASTARD?” Sigaw niya.

Napatingin ako kay Cooker ng kalabitin niya ako. “Tumalsik ‘yung laway ng lolo mo sa adobong baboy.”

The Maldita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon