CANYON
Nakatitig ako sa selfie namin ni Cooker. Nasa Gordon Heights kami nito dahil fiesta, nakuha sa picture ang matàas na ferris wheel.
Tangina.
Kasalanan ko 'to. Kung hindi ko siya pinabayaan hindi darating sa ganitong sitwasyon. Kung hindi ako inutil at tatanga-tanga hindi mawawala si Cooker.
Tinungga ko ang hawak na beer, nakaanim na can na ‘ko pero wala parin akong tama. Hindi na yata ako tataman dahil may tama na ‘ko kay Cooker. Tinamaan na yata ako. Lasing na ba ako at bakit ang gulo ng utak ko.
Tumayo ako at binukas ang bintana. Pumasok ang malamig na hangin. Dumukot ako ng sigarilyo sa bulsa at nagsindi, hininto kona ang paninigarilyo pero ngayon parang gusto ko uli. Ang binuga kong usok pumasok din sa loob dahil sa hangin. Tangina. Kung nandito si Cooker siguradong sumisigaw na 'yon, ayaw niya sa amoy ng sigarilyo.
"Putakteng sigarilyo 'yan."
Sa gulat ko nang may magsalita sa likod ko naitapon ko ang sigarilyo sa bintana. Takte. Sino bang — pagharap ko nakita ko si Inspector Pions at Ra-iol, paanong nakapasok sila?
“Naninigarilyo ka pala?” Sita ni Ra-iol, inikot ang tingin at nandidiring kunumpas ang kamay sa ere para lumabas ang usok.
“Nag-iinom din.” Dugtong ni inspector. Nakatingin sa mga can beer sa ibabaw ng coffee table. Napalunok ako. Hindi ba siya galit? Kahapon lang kami nagkasagutan at ngayon narito siya sa apartment.
“Pasensyana. Ganito ako kapag frustrated.” Mabilis akong kumilos at niligpit ang kalat sa sala. “Maupo muna kayo, anong gusto ninyong inumin?”
Lahat ng kalat nilagay ko sa garbage bag. Pinunasan ko din ng malinis na basahan ang coffee table.
“Timplahan mo kami ng kape konting asukal lang ang sa 'kin.”
“Okay, inspector.” Sagot ko. Patungo na 'ko sa kusina ng magsalita siyang muli. Huminto ako at lumingon.
“Matapos mo kaming gawan ng kape maligo ka, ang baho mo, ayusin mo ang sarili mo. Para kang namatayan." Napangiwi ako sa turan ni inspector.
“Opo.” Sagot ko. Tumalikod na ‘ko at nagtimpla ng kape. Tahimik lang si Ra-iol, busy sa cellphone.
______
“Maupo ka.” Utos ni Inspector Pions. Katatapos ko lang maligo. Mabuti naman at lumamig na ang ulo ni tanda at handa na 'kong pakinggan. Umupo ako sa single sofa.
“Ipaliwanag mo ang side mo.” Mahinahon niyang saad. Darating talaga sa puntong kailangan kong magpaliwanag.
Huminga ako ng malalim. “Maayos naman ang pagtrato ng pamilya ni Leaves kay Cooker." Pauna kong salita, tumingin ako sa kanila bago nagpatuloy.
"Dumating nga lang sa puntong nagkasakit ang ama ni Leaves, kinailangan operahan sa sakit na blood clot sa utak malaking halaga ang kailangan na aabot mahigit sa milyon. Ready akong tumulong sa abot ng makakaya ko pero. . . “ Bumuntong hininga ako. Iniwas ko ang tingin at pinagsalikop ang daliri. Alam kong nakikinig sila.
“Pero ayaw ni Leaves na ako lang ang gagastos. Kaya five hundred thousands lang ang kukuhanin niya sa ‘kin at siya na daw ang bahala sa iba pa. Sabi niya may uutangan siyang pera. Naniwala ako, kilala ko si Leaves kapag sinabi niyang may uutangan siya meron talaga. Ang hindi ko lang alam pinaikot niya ako.”
“Paanong pinaikot? Turumpo kaba?” Biglang hirit ni Ra-iol. Masamang tingin ang pinukol sa kaniya ni Inspector Pions. “Kayo naman, ‘wag kasi kayong seryoso. Okay, sorry na agad.” Dugtong niya at kunwaring ziniplocked ang bibig.
“Ipagpatuloy mo.” Utos ni tanda.
Bumuwelo ako. Kung ano man ang nararamdaman ngayon ni Leaves, wala na ‘kong pakialam. Bahala na siya sa buhay niya.
“Nilinlang niya ako. Sinabi niyang doon muna ako sa hospital ng isang gabi at siya ang uuwi sa bahay para makapagpahinga siya. Pumayag ako, alam kong hindi niya papabayaan si Cooker. . . pero nagkamali ako, hindi siya mapagkakatiwalaan.” Huminga ako ng malalim. Sinandal ko ang katawan sa sofa. Sumasakit ang ulo ko.
“Ginamit niya ang gabing wala ako sa bahay para ipadakip si Cooker. Sa pagbalik ko sa bahay nagpanggap siyang walang alam, nabasa ko nalang sa cellphone niya ang conversation nila ng dumukot kay Cooker, doon ko nakitang nagpabayad siya ng milyones kapalit ni Cooker. Hindi ko siya mapapatawad dahil don.” Kumuyom ang kamao ko.
“Edi break na kayo?”
“Ra-iol!” Sita ni inspector. Napangiwi si Ra-iol at humingi ng sorry. Isa rin siyang another Cooker, tuloy-tuloy ang bibig.
“Tinapos kona ang relasyon namin.” Sagot ko. Napayuko ako. Damn. Sana masaya ka sa ginawa mo Leaves. Napatingin kami sa pinto ng may kumatok.
“Ako na magbubukas.” Suhestiyon ni Ra-iol. Tumayo na siya at iniwan kami.
“Canyon.” Tawag ni tanda na kinalingon ko.
Huminga siya ng malalim. “Sorry kung nasaktan kita, kung napagsalitan kita ng hindi maganda.”
“Okay lang inspector, naiintindihan ko. Alam kong anak ang turing mo kay Cooker kaya ganun ang reaction mo. Patawarin nyo rin ako kung hindi ko nagampanan ang aking tungkulin, pangako ililigtas ko siya.”
“Natin. Ililigtas natin.” Pagtatama niya. Tumango ako at ngumiti.
“Inspector narito ang PNP chief.” Kumento ni Ra-iol na kinatayo namin. Mula sa pintuan pumasok ang matangkad at matabang lalaking nasa edad forty-plus. Sumaludo kami sabay bigkas ng 'Sir'.
“Sige maupo na kayo. Ako lang ‘to, don't be formal.” Bigkas niya sabay tawa. Mukhang light ang ugali ng PNP chief, kumbaga madaling pakisamahan. Lumabas sa likod niya ang lalaking kinakunot ng noo ko. Anong ginagawa niya dito?
“Matanong ko lang ano pong ginagawa ninyo dito?” Tanong ko. Napatingin ako kay Inspector Pions, matipid siyang ngumiti sa ‘kin.
“Narito ako para kay Cooker na inaanak ni Pions na kumpare ko.” Ngumiti ito ng kay tamis. Inakbayan niya ang lalaking kasama niya. Kumunot ang noo ko, kilala ko siya pero nakalimutan ko ang pangalan. Pero sigurado akong ilang beses na kaming nagkita. “Dahil ang anak kong ito ang mapapangasawa ni Cooker in the future.” Dugtong niya na kinasalubong ng kilay ko.
"Ang nag-iisa kong spoiled son, Hook Remington."
“Anak ng puta!” Napatingin sila sa ‘kin sa biglaan kong outburst. Tangina. Bakit hindi ako inform?
***
To be continued.
BINABASA MO ANG
The Maldita
Mystery / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...