COOKER
Naglalakad kami ni Ate Leaves sa field, dito ginaganap ang flag ceremony. Elementary teacher pala siya.
“Dito kaba pinanganak Ate Leaves?” Tanong ko habang iniikot ang tingin. May isang building lang sa school, second floor ito at doon kami patungo.
“Oo, pero sa Quezon City ako nagcollege kabatch ko si Canyon.”
Napatango ako. “Doon kayo nagkakilala?”
Umakyat kami sa second floor, iilan lang ang tao sa school dahil linggo.
“Kilala ko siya noon pero ako ‘di niya kilala, alam mo bang heartthrob si Canyon dati? Maraming babaeng naghahabol diyan, hindi ko nga akalain na magiging kami at aabot ng almost two years, e.” Nakangiti niyang kumento. Kita ko ang kinang sa mata niya, halatang mahal na mahal niya si Canyon.
“Jerk pala siya.” Turan ko. Natawa siya kaya napahinto kami sa hagdan.
“Totally true! Hindi ko akalain na manliligaw siya sa ‘kin, e.”
“Dito kana ba niya niligawan o sa university pa noon?” Tanong ko, nagpatuloy kami sa pag-akyat.
“Actually dito na, naassigned siya ditong bantayan ang isang testigo sa pagpatay sa governor namin. Ilang months din siya dito at doon kami totally naging close.”
“Ganun ba, akala ko rookie officer lang siya nung inassigned siya sa ‘kin ni Inspector Pions.” Nanlaki ang mata niya at napatingin sa ‘kin. Napahinto tuloy kami, pero nasa second floor na kami.
“Hindi moba alam siya ang pinakamagaling na members ng PSPG? Saka hindi siya rookie officer, ilang years na siya sa serbisyo.”
Tumango ako. Nakakahiya naman, judgmental din pala ako. Dumiretso kami sa bukas na room, hinintay ko nalang si Ate Leaves sa labas ng room. May files lang naman siyang kukuhanin. Lumapit ako sa railings at sumilip sa ibaba. Ang tahimik kapag walang mga bata.
Alas-tres na ng hapon, medyo makulimlim ang langit. May nagbabadyang ulan. Makalipas ang ilang minuto lumabas na si Ate Leaves, may dala siyang black folder sabi niya profile daw iyon ng mga studyante niya.
“Tara libre kita ihaw-ihaw.”
Hinila niya ako pababa. Hindi ba siya natatakot na mabasa ko ang nakaraan niya? Lagi niya akong hinahawakan, e.
Pagkalabas sa gate ng school nagtungo kami sa ihawan malapit dito.
“Pumili ka, libre ko.” Nakangiti niyang saad. Tatanggi sana ako kaya lang tinaasan niya ako ng kamay at umiling.
Kumuha ako ng isang isaw, dalawang dugo, day old at ulo. Habang iniihaw pa ang binili namin naupo muna kami sa gilid. May lamesa at upuan kasi doon.
“Ikaw kamusta ka naman?” Tanong niya ng makaupo kami. Kamusta nga ba ako? “Nasan ang magulang mo?”
May bumara sa lalamunan ko dahil sa tanong na ‘yon. Kaya ayokong nauuwi sa ‘kin ang topic.
“Huy, tulala?” Untag niya, natawa pa siya sa reaction ko. Tumawa rin ako ng mahinhin.
“Ah patay na ang magulang ko Ate Leaves.”
Nagulat siya. Napatingin siya sa ‘kin, hindi alam kung anong sasabihin dahil bubuka at sasara ang bibig niya.
“A-ah, ano. Sorry, condolence Cooker.”
“Okay lang Ate Leaves, matagal na ‘yon.” Ngumiti ako sa kaniya.
“Kung hindi mo mamasamain pwede ba akong magtanong kung anong kinamatay ng magulang mo?”
Iniwas ko ang tingin. Ang bango ng usok ng ihaw-ihaw. “Nabaril ang papa ko dahil nagtulak ng droga.” Pabulong kong saad.
Hangga’t maaari ayokong magkwento tungkol sa nakaraan ko. Pero kasi, iba ngayon, ayokong madismaya si Ate Leaves dahil sa kanila ako nakatira.
“Oh, sorry.”
“Okay lang sanay na.” Ngumiti ako.
“Bakit pala kailangan mo ng proteksyon?” Usisa niya, curious siya sa buhay ko.
“Dahil sa abilidad ko.”
“Kilala moba kung sino ang gustong pumatay sa ‘yo?”
Doon ako napahinto. Hindi ko din kilala kung sino ang taong ‘yon.
“Hindi ko kilala ang alam ko lang si Inspector Pions ang nag-assigned kay Canyon para bantayan ako.” ‘Yun naman ang totoo, e.
“Ganun ba. E, ‘yung mama mo? Anong kinamatay niya?”
Ayoko sanang sumagot sa tanong na ‘yon. Sariwa pa sa ‘kin ang lahat.
“Eto na ‘yung inyo mga dalaga.” Inabot samin ng tindera ang binili namin, nakalagay ito sa mangkok na may suka.
“Dito nalang natin kainin.”
Tumango ako. Naglalaway narin akong matikman ‘to, mukhang masarap, e.
Habang kumakain pasulyap-sulyap siya sa ‘kin. Siguradong may gusto pa siyang itanong.
“Hindi mopa sinasagot ang tanong ko.” Paalala niya.
Pilit akong ngumiti. Wala talagang takas.
“Depressed siya kaya namatay.” Umiwas ako ng tingin. Ayokong inaalala ang nakaraan, hangga’t maaari gusto kong ibaon sa limot 'yon.
“Huh? You mean dahil lang doon?”
Kumunot ang noo ko. Dahil lang doon? Ang sarap niyang barahin. Pagsabihan na teacher siya pero wala siyang alam sa nakapaloob sa depression. Kung anong hiwaga ang taglay ng depression para magpakamatay ang isang tao.
“Hindi moba alam kung anong nangyayari sa isang taong depressed?” Tanong ko, kunot ang noo. Ayokong maging bastos kaya mahinahon ang salita ko.
“Oo naman, para namang sinasabihan mo ‘kong tanga, e.” Natatawa niyang sagot. Hindi ko alam kung nainsulto siya o parang nagjojoke lang.
“Hindi naman sa ganun Ate Leaves, namatay kasi ang mama ko dahil doon.”
***
Note:
Salamat sa pagbabasa. ᕙ(@°▽°@)ᕗ Parating na tayo sa climax, oy isip nyo iba. HAHA. \(◎o◎)/ Sorna. Ako yata ang nag-iisip ng ganon.
#greenMd
BINABASA MO ANG
The Maldita
Misterio / SuspensoIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...