CANYON
Napailing ako sa ginagawa ng baliw. Nakaunat ang dalawa niyang kamay na parang sinusukat ang luwang ng bathroom.
Dumikit sa ‘kin si Rommel, salubong ang kilay na nakatingin sa babaeng may sayad. “Anong ginagawa niya?”
“Tanungin mo.” Utos ko.
“Ngi, 'yoko nga, malditahan pa 'ko niyan.”
Binalik ko ang tingin kay Cooker, kumuha ng silya para tungtungan. Sinilip niya ang itaas ng pinto at ngumiti.
Tss. Baliw ang puta.
“Anong nangyayari dito? Ginawa na ba niya?” Dumating si inspector, may hawak na notepad.
“May nakikita ka ba?”
“Aba’t pilosopo ka.” Bigla niya akong piningot sa tenga. Napangiwi ako. Shete ‘tong matandang ‘to. Sarap ibaon ng buhay.
“Gumagaya kana kay Cooker na palasagot, hah?” Alboroto niya.
“Sorry ho, tanda.”
“Sinong tanda?”
“Ibig ko pong sabihin inspector.” Pagtatama ko. Ang daling mapikon tangina.
“Hindi na kailangan ng ability ko."
Binitawan ako ni inspector, napatingin kami sa mataray na babae.
“Bakit?” Tanong ni inspector, nakataas ang kilay.
“Let me explain, mga kokoteng kabute.” Napakamot ako sa ulo, bakit ang yabang ng babaeng ‘to?
“Atensyon to all policeman.” Tawag niya sa atensyon ng ibang police. Nang makuha niya ang atensyon ng lahat humalukipkip siya.
Tsk. Feeling detective.
“The woman case was suicide.” Panimula niya. Hindi lang ang noo ko ang kumunot. “Kung nagtataka kayo? Kasalanan ninyo 'yan."
Napailing ako. Kahit kailan talaga.
"By the way, kailangan ko ng tatlong tao na sasama sa ‘kin sa loob, to explain more.” Nakangisi niyang saad. Kami ni Inspector Pions at ‘yung isang police ang sumama sa kaniya. Nagtungo kami sa gilid ng toilet.
“’Yung bangkay ng babae dito nakuha, right?” Lumapit siya sa bathtub at tumayo doon. 'Yung bathtub ay harapan lang ng pinto.
“Kung titingnan nyo kung saan ako nakatayo makikita nyo si Alexandra sa ‘kin. But bago ‘yon may gusto muna akong ipakita.” Lumapit siya sa lagayan ng basura. Pinakita niya ang taling nakarolled, kulay itim.
“Ito ang ginamit niya. ‘Yung iba sa inyo hindi pamilyar dito, of course gurang na kayo, e. Pang Gen Z lang ‘to.”
“Ouch naman ang harsh.” Reklamo ni Gery boy, nakasilip sila sa pinto ng cr. Nakikinig sa sinasabi ni Cooker.
“Hindi ba’t trenta pataas na ang edad ninyo?”
“Malayo pa ‘ko sa trenta, uy!” Nakangiwi kong kumento. Minsan ang sarap bigwasan ng babaeng ‘to, e.
“Tumigil ka, two years nalang trenta kana.” Umirap siya.
“So, back on my explanation. Ang tawag dito ng mga Gen Z, like me, ay magic rope, you see, kapag hinila ko ito kusa itong babalik as rolled.”
“So, ano nga?”
“Shut up. Tapos na ba ako mag-explain?” Sermon niya sa matabang police sa labas. ‘Yung kilay niya parang aabot hanggang kisame.
“So, ito nga, may nakapaloob ditong slim na string na siyang magtutalak pabalik as rolled. Nabibili ito depende sa gusto mong yard.”
Binalingan niya ng tingin lahat ng police at nginisian. “The finale that will reveal the true case. ‘Yung bathtub nakasentro sa pinto, at ito.”
BINABASA MO ANG
The Maldita
Misteri / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...