COOKER
“Patayin mona.” Utos ko. Alas-tres na nang hapon, nakadalawang movie kami. “Baka lumaki ang bayarin nila Ate Leaves sa kuryente.”
Humalakhak siya sa turan ko, wala namang nakakatawa? Binalik niya sa home ang laptop, bunsong kapatid niya ang may ari ng laptop at hiniram niya para may panooran kami.
“Puro ba movies ang laman ng USB?” Tanong ko.
“May bold din.”
Nanlaki ang mata ko. What the hell? Tumingin siya sa ‘kin, ang seryoso ng itsura niya. Tipong walang joke sa sinabi niya.
“Gusto mo panoodin natin?” Seryoso parin siya. Umawang tuloy ang labi ko na parang may gustong sabihin. Napakurap ako. Muli niyang binalik ang tingin sa laptop, kinalkal niya ang files. Hinahanap ba niya ang bold don, o porn, o sex, o kung ano man tawag don?
“Game ka?” Muli siyang tumingin sa ‘kin, hinanap ko ang ngiti o tawa sa labi niya baka kasi joke lang.
Pero lintek.
Seryoso ba siya?
Hindi ako kumibo, masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya. Hindi ako natutuwa. Hindi maganda ang lumabas sa bibig niya. Akala kopa naman iba siya. 'Yung tipong hindi siya katulad ng ibang lalaki.
Nakatingin siya sa 'kin ng seryoso, parang hinihintay kung sasang-ayon ako. Hindi siya kumurap. Parang binabasa niya ang expression ko.
Maya-maya bigla siyang humagalpak ng tawa. Hinawakan pa niya ang tiyan. Magkatabi kami at masama ang tingin ko sa kaniya. Gusto ko siyang sapakin. Swear. Naiirita ako at hindi ako natutuwa. Ibalibag ko kaya ang lumang tv nila Ate Leaves sa kaniya? Ngayon mismo.
Nakaside view siya, kitang-kita tuloy ang pagtaas-baba ng adams apple niya. Patuloy parin siya sa pagtawa, parang wala ako dito, a? Sumakit sana ang tiyan mo.
Tumingin siya sa ‘kin at nilapit ang mukha, halos five inches ang lapit niya. Napatitig ako sa mata niya, bakit ang ganda?
Nakangiti siya at hindi na tumatawa. Ang tangos ng ilong niya, bagay sa nakangiti niyang mata.
“Joke lang, ang sarap mong biruin.” Bulong niya, bumaba ang tingin niya sa labi ko.
Shit. Napalayo ako.
Lumayo din siya. Ano 'yon? Nagulat siya kaya lumayo din?
Umayos ako ng upo. Tinakasan yata ako ng ulirat ng one second. Gwapo kasi si Warren. Hindi malabong maraming magkagusto sa kaniya.
Wait, what?
Sinabi ko ‘yon?
As in, sinabi ng utak ko 'yon?
Napakurap ako.
“Tara lumabas?” Biglang niyang suhestiyon. Tumingin ako sa kaniya. Hindi siya nakangiti pero masaya parin ang mata.
“Saan tayo pupunta?”
Napaisip siya.
Hindi ako sasama sa kaniya kapag malayo, ayokong iwan ang bahay. Isa pa, baka bumalik si Ate Leaves o si Canyon.
“Alam kona.” Tumingin siya sa ‘kin at ngumiti.
“Ano?”
“Makulimlim naman, maglakad-lakad tayo sa dalampasigan?”
Tumingin ako sa labas ng bintana, makulimlim nga. “Diyan lang tayo sa likod ng bahay, ayokong lumayo.” Sagot ko.
Tumango siya. Niligpit niya ang laptop at nilagay sa divider, kinuha ko naman ang cellphone ko at cellphone ni Canyon, baka dito siya tumawag gamit number ni Ate Leaves.
BINABASA MO ANG
The Maldita
Misteri / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...