20: Transferee

302 8 0
                                    

COOKER

Pagpasok sa classroom natahimik ang maiingay. Daig kopa ang supervisor sa depEd, makita lang ako nag-iiba ang ihip ng hangin.

Simple lang ang itsura ng classroom, pure white na may divider sa gilid. Nagtungo ako sa pwesto ko. Taas noo. Kailangan kontrabida para ‘di kawawa.

Napairap ako. Parang bubuyog ang mga classmates ko. Kanina parang nasa palengke ngayon bulungan na.

Tsk. Hindi halatang ako ang usapan nila, noh? Umupo ako sa chair ko at nagcrossleg. May sariling upuan din ang bag ko.

Inabala ko ang sarili sa pagkalikot ng phone, ang mahal kong cellphone ang survivor ko para makaraos sa araw-araw.

“GUYSSS MY CHICKA AKO! HUHU!”

“Shsssh!”

Napatingin ako sa harapan ng sabay-sabay magshsssh ang classmates ko. Nakatayo sa harap ang vice president namin, napatingin siya sa gawi ko at umarko ang salitang sorry sa bibig.

Tsk!

Napakaspecial treatment naman. Kaya pala nagshsssh kasi narito ako. Naalala ko tuloy ang nangyari dati, ang ingay nila lalong sumasakit ang ulo ko. Ayun natikman nila ang galit ko. Kaya ngayon maamong tupa sila kapag narito ako.

Binalik ko ang tingin sa cellphone at nag online, nang makitang walang pagbabago sa newsfeed ko. Nadismaya ako.

Itinabi ko ang cellphone ng dumating ang guro namin. Sumandal ako at humalukipkip.

“Good morning class.” Bati nito. First period namin, adviser.

“Good morning, Ma’am.” Bati ng mga sipsip kong classmates. Binaba ng guro namin ang handbag niya sa table.

“Okay class meron kayong new classmate.” Nakangiti niyang anunsyo.

Bagong classmates?

Graduating na kami bakit nagpapasok pa sila ng transferee.

“Galing siya sa private university sa ibang probinsya, maging palakaibigan kayo sa kaniya. Okay?”

“Opo, Ma’am.”

Tsk. Mga sipsip. Napailing ako at kinuyakoy ang paa.

‘Yung mga classmates kong babae bulungan ng bulungan yung tipong gwapo ba? Babae ba o lalaki?

Tsk! Sarap isubsob sa inidoro.

Hinintay ko kung sino ang papasok, baka panibagong kaaway na naman ‘yan. Nung nakaraan meron transferee, babae, nainsecure sa ‘kin at pinagmalditahan ako. E, anong akala niya ganun nalang? Pwes hindi. Inilabas ko ang baho niya at pinahiya siya sa maraming studyante, ayun lumipat ng panibagong school.

“Class, meet Mr. Hook Remington.” Pakilala ng adviser namin na kinaluwa ng  mata ko. Hook Remington? ‘Yung instalked ko nung isang araw?

Bumukas ang pinto, pumasok ang lalaking nakaslack at polo, nakabulsa ang kanan kamay at hawak ang strap ng bag sa kaliwang balikat.

“Hello classmates nice meeting you, I’m Hook Remington.” Pakilala nito habang nakangiti. Anong ginagawa ng lalaking ‘to dito? Ang layo ng Bulacan sa Olongapo?

“You may seat, bahala kana kung saan mo gustong maupo. Maraming bakante.” Saad ng adviser namin.

Umikot ang tingin niya sa bawat bakanteng pwesto, naghahanap ng magandang spot.

“Dito kana Hook sa tabi ko.” Pabebeng kumento ni Rochelle. Tsk. Gwapong-gwapo ‘te? Parang walang boyfriend, a?

“You may seat Hook maraming bakante.” Utos ng guro namin. Napairap ako at niliko ang tingin sa labas. Hindi pa nagsisimula ang klase pero gusto ko ng matapos. Ganun ako kabored.

The Maldita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon