COOKER
Nasa biyahe na kami pauwi. Kinukulit ko si Bayug about sa nangyari kagabi, ‘yung nakita ko.
“Bakit kaya ganun, mas malaki pa ‘yang pwet mo sa pwet ng babae?” Nasabi ko bigla habang nakatitig sa bintana ng sasakyan, umuulan kaya ang sarap titigan ang pag-agos ng butil ng ulan.
“Bayug pahiram nga ng katinko mo.” May sipon ako at nahihirapan huminga. Siguro dahil naexposed ako sa malamig na klima tapos ‘yung suot kopa kahapon takaw lamig.
“Here.” Kinuha ko ang inaabot niya. Ayoko pa naman nagkakasakit dahil walang nag-aalaga sa ‘kin, pero minsan pinupuntahan ako ni Mrs. Florie para tingnan. “Sorry, sinipon ka tuloy dahil sa damit mo kahapon.”
Napatingin ako sa kaniya. “Ah kasalanan ko rin nagbabad kasi ako sa bathtub nyo kagabi. Bakit? Concerned ka sa ‘kin?”
“Oo.”
Nawala ang ngisi ko sa labi. Nahinto pa ‘ko sa pagsinghot ng katinko dahil sa sagot niya. Concerned siya sa ‘kin? For real? Uminit ang pisngi ko at napangiti.
“Ikaw, ah — “
“Wala akong gusto sayo.” Pagputol niya sa sasabihin ko. Iniwas niya ang tingin at binalik sa kalsada. “Inunahan lang kita.”
“Tsk! E, bakit namumula ‘yang tenga mo?” Kantyaw ko, hindi maalis ang ngiti sa labi. Bakit ba ako natutuwa tuwing inaasar ko si Bayug.
“Assuming ka, e.”
“Ouch. Grabe ang harsh mo naman.” Turan ko.
“Isuot mo.” Inabot niya sa ‘kin ang black jacket. “Baka lumala pa ‘yang sipon mo.”
Sinuot ko ang binigay niya, naging comfortable ako dahil doon. Suot ko lang kasi ‘yung pares na pantulog na pinahiram sa ‘kin ni mother in law. Wala ng bihis-bihis pauwi naman na.
“Thank you. Ganito kaba sa lahat ng babae mo?” Nilingon ko siya mula sa driver seat. Hindi siya kumibo pero tumagilid ang ulo niya. “Kaya pala maraming babae ang nagiging tanga sayo, e.”
“Ha?”
“Hotdog!” Saad ko sabay tawa. Ang hina makapic up ni Bayug. Niliko ko ang tingin sa rear mirror, iilan lang ang sasakyan dahil sa lakas ng ulan.
Kanina kopa napapansin ang dalawang rider sa likod namin. Mabagal lang naman ang andar ni Canyon bakit hindi sila mag overtake? Sabagay madulas ang kalsada, mahirap sumugal sa disgrasya.
“Bakit?”
Nilingon ko siya. “Hah?”
“Itlog.”
“Anong itlog?” Naguguluhan kong tanong.
“Nasabi mona ‘yung hotdog, e.”
Tsk. Ano ba naman ‘tong si Canyon puro kalokohan. Pero naisip ko, ako din pasimuno.
“Bakit kaba tulala?” Tanong niya at sumulyap sa ‘kin.
“Wala naman tinitingnan ko kasi ‘yung dalawang rider sa likod natin.”
Tumingin siya sa salamin at sumulyap doon. “Kanina paba sila?”
“Hindi mo alam?” Balik tanong ko.
“Magtatanong ba ako kung alam ko?”
“Duh? Ikaw driver dapat alam mo ‘yan.”
“Ikaw nalang driver gusto mo?” Inis niyang saad. Tsk. Sarap itulak palabas.
“Okay fine, kanina pa sila diyan mula papasok sa arko ng Olongapo.” Bwisit kong sagot. Kulang nalang humaba ‘yung nguso ko, e.
“Bakit ngayon mo lang sinabi?”
“Bakit kasi ‘dika nagtatanong?” Irap ko.
“Kailangan ba lahat itanong ko?”
“Oo, kasi hindi ako kikibo kapag ‘dika nagtanong.” Matapos kong sabihin 'yon hindi na siya kumibo. Napa-tsk nalang siya habang iiling-iling, hindi naman siya mananalo sa ‘kin, e.
“Nakaseatbelt kaba?”
“Oo, bakit?” Tanong ko. Tumingin siya sa ‘kin at sa dalawang rider sa likod.
“Kumapit ka.”
“Putik ka Canyon, anong nasa isip mo? Madulas ang kalsada kapag tayo naaksidente.” Banta ko habang naiinis, kumapit ako sa pwedeng kapitan. Bata pa ‘ko para mamatay.
Inapakan niya ang gas kaya bumilis kami. Karera na kung karera, pero lintik lang. Hindi na yata sumasayad ang gulong sa simento.
Napapikit ako ng mag-overtake si Canyon sa mga sasakyang nasa unahan, ramdam ko ang pagbalibag sa ‘kin gawa ng mabilis na pagliko niya. Shete. ‘Yung puso ko baka mahulog. Dinilat ko ang mata at tumingin sa likod. Nakasunod parin ang dalawang rider.
Narinig ko ang malutong na mura ni Canyon habang nakasilip sa rear mirror.
“Bend down, Cooker.” Utos niya at kinuha sa glovebox ang baril. Kinabahan ako, bakit kailangan ng baril?
Tumingin ako sa likod, ‘di ko akalain ganun kabilis ang mangyayari. Nasira ang salamin ng sasakyan at humaging sa ‘kin ang bala ng baril, mabuti nalang mabilis akong hinila ni Canyon payuko kundi matatamaan ako sa ulo.
“Damn it!” Inis niyang saad habang pilit inaayos ang pagmamaneho niya. “Just lay down do you understand?”
Napatango ako. Halata sa boses niya ang pagkabwisit. Kahit nakayuko ako sinilip ko parin siya. Binaba niya ang salamin sa gawi niya at binaril ang nasa likod. Ramdam ko ang paggewang ng sasakyan at ilan beses narin akong nauntog. Magkakabrain damage ako. Shete.
Nakarinig ako ng pagsemplang at pagsilip ko buhal na ang isang rider, sana hindi siya nabalian ng buto.
Inis na niyuko ni Canyon ang ulo ko, tumalim ang tingin sa 'kin. Nagbabanta. Yumuko muli ako. Katakot naman si tatay.
Muling gumewang ang sasakyan. Rinig ang paggasgas ng gulong sa simentadong daan. Parang anytime puputok ang gulong, at feeling ko mababangga kami.
Inangat ko ang tingin, nasa tagiliran ni Canyon ang isang rider, para silang nagkakarera. Inapakan ni Canyon ang gas at tinutok ang baril sa lalaking nasa gilid ng bintana niya, ngunit daplis ang tira niya. Hindi tumama sa lalaki.
Ngunit, ako ang nagulat ng biglang bumagal ang takbo namin at nakarinig ako ng putok ng baril. Pagtingin ko kay Canyon hindi na maipinta ang mukha niya. Nataman ba siya?
“Fuck!” Bulong niya, at muling inapakan ang gas. Dinikit niya ang sasakyan sa rider, balak yata niyang danggisin ito. Napansin ko ang pagdaing niya, kaya pilit kong sinilip ang braso niya sa kabila.
Shit. Bakit dumudugo?
Napakapit ako ng gumewang ang sasakyan at nakarinig din ako ng kalabog. Shete. Nadanggis na yata namin ang lalaki. Pag-angat ko ng tingin, wala na ang rider sa gilid niya nakasemplang na ito sa damuhan.
“O-okay ka lang ba?” Kinakabahan kong tanong. Nagawa niyang patumbahin ang dalawang rider. Walang emosyon ang mukha niya, ako pa yata ang nakakaramdam ng kirot sa tama niya.
“Don’t mind me I can handle it.”
“Pero dumudugo — “
“I said I can!” Inis niyang putol sa ‘kin.
"Dumudugo nga kasi!"
"I don't care!"
"Dumaan muna tayo sa hospital baka maubusan ka ng dugo. May alam akong malapit na pagamutan dito, iliko mo diyan sa kanto sa kanan tapos — "
"I said I can handle! And please shut up!"
Natahimik ako. Bakit niya ako sinisigawan? Concerned lang naman ako?
Tumango ako ng sunod-sunod. You can handle, edi fine! Bakit koba siya kailangan alalahanin tapos magagalit lang. Bwisit.
***
To be continued.
BINABASA MO ANG
The Maldita
Mystery / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...