29: Fault

234 7 0
                                    

COOKER

Humarap sa ‘kin ang pangalawang lalaki. Medyo mahaba ang buhok nito at mataba ang pisngi.

“Sinasabi ko sayo ang makikita mo lang sa ‘kin ang nanay ko.”

“Mukha nga.” Saad ko habang tatango-tango. Kumunot ang noo niya.

“Alam mo kung bakit?” Tanong ko.

“Hindi.”

“Itsura mo palang maka nanay na.” Sagot ko. Hindi siya umimik pero sinamaan ako ng tingin.

Inabot ko ang balikat niya at hinawakan. Wala ng paligoy-ligoy.


____

“ANO BA NAMAN ‘YAN! 100 PESOS? SAAN AABOT ‘YAN!” Sigaw ng lalaki sa matandang babae.

“E, magtrabaho ka kaya? Banatin mo naman ‘yang katawan mo! Hindi sa ‘kin mo inaasa ang lahat!”

“BAKIT? NAGREREKLAMO KA? BAKIT KASI BINUHAY MO PA AKO SA MUNDO?” Sigaw ng lalaki sa nanay niya.

Tandaan mo, anak. Kapag ako namatay kawawa ka.” Saad ng matanda at tumalikod. Sinara ang pinto ng bahay, inikot ko ang tingin, nasa squatter kami at maraming marites ang nakasilip sa bintana.

____




“Ano nakita mo ‘yung nanay ko?” Nakangising tanong niya sa 'kin. Inalis ko ang kamay sa balikat niya.

“Isa kang batugan ka." Nanggagalaiti kong saad.

“Anong sabi mo! Sinong batugan?” Gigil niyang kumento. Ang sama ng tingin sa 'kin.

"Ialis mona 'yan dito.” Naiinis kong saad. Nilapitan naman siya ng police at tinayo. Sumigaw pa siya sa 'kin habang kinaladkad palabas sa interrogation.

"Gagantihan kita!"

“Go ahead, ulol!” Sigaw ko. Napahilot ako sa sintido. Sumasakit ang ulo. Bwisit.

Makalipas ang ilang minuto pinasok ang isa pang lalaki. Umupo ito sa harap ko habang seryoso ang itsura.

“Gawin mona.” Utos niya. Sa kanilang tatlo siya ang lamang sa laki ng katawan. Kayumanggi din ang kulay niya. Hinawakan ko siya sa balikat, dahil 'yun naman ang gusto niya, e.


___

“Okay ma'am, copy.”

Kumunot ang noo ko. May kausap siya sa cellphone, babae ang boses.

Siguraduhin nyo lang na makukuha nyo na siya!” Saad ng babae sa kabilang linya.

“Yes ma'am, pangako.”

"Then, ano nga ulit ang pangalan niya?" Saad ng babae sa kabilang linya.

"Rice cooker po."

Kumunot ang noo ko? Rice cooker?

"BOBO!" Sigaw ng babae.

"E, ma'am, mali ba?"

"MALI! BOBO! COOKER! COOKER ANG PANGALAN NIYA!"

"Hala! Sorry ma'am."

“Sige, granted your sorry. Now, gawin ninyo ng maayos ang trabaho, after saka ko ipapadala ang bayad sa inyong tatlo.” Saad ng babae sa kabilang linya bago ibaba ang telepono.

----




Bumukas ang mata ko. Inalis ko ang kamay at umayos ng upo. 

“Sino ang kausap mo sa cellphone? ‘Yung tinawag mong ma'am?” Tanong ko. Sigurado na 'kong may koneksyon siya.

“Ah, si ma'am?” Nakangisi niyang turan. “Hindi ko siya kilala.”

“What the! Hindi kilala, e kausap mo nga!” Inis kong saad.

“Sa cellphone lang siya nag-uutos, hindi pa namin nakita ang itsura niya, boses lang.”

“Nagsasabi kaba ng totoo?” Singit ni Canyon.

“Walang dahilan para magsinungaling, malalaman din niya ‘yon kapag hinawakan niya uli ako?” Sagot nito.

Hindi na ‘ko nakipagtalo at bumuntong hininga nalang. Mukhang nagsasabi siya ng totoo, e.

Pangako, mahahanap ko din kung sino ang pumatay sayo papa.


____



CANYON

Nasa office ako ni inspector, pinapunta niya ako dito para kausapin.

“Ano ba talagang nangyayari, inspector?” Kunot ang noo ko. Sabi niya higpitan ko daw ang pagbabantay kay Cooker, dahil kahit sa eskwelahan sumusugod na daw ang mga ito.

“Nasa panganib ang buhay niya.”

“Alam ko, inspector.”

“E, bakit ka nagtatanong? Alam mo pala?” Nakataas ang kilay niya ng sabihin ito. Napakamot nalang ako sa ulo. Ang hirap din kasausapin ng matandang ‘to.

“Pwede pong magseryoso?” Saad ko. Sarap manapak ng matanda, e.

“Hindi ba ako seryoso?”

Napakamot ako sa batok. Lintek naman. “Kilala mo ba kung sino ang pumatay sa ama ni Cooker?”

Umiwas siya ng tingin at nagpakawala ng malalim na hininga. “Basta bantayan mo siya.”

“Ano bang tinatago mo, inspector?”

“Wala akong tinatago, Canyon.” Binalik niya ang tingin sa ‘kin, seryoso ang itsura. “Gusto ko lang protektahan si Cooker.”

“Hindi kaya ginagamit mo lang ang bata, inspector?” Dahil sa sinabi ko naging laser ang tingin niya sa ‘kin. “I mean, para sa trabaho mo? Alam mo ‘yon tuta siya ng police.” Dugtong ko.

“Hindi ganun. Kinuha ko siya at dinikit sa ‘kin para protektahan siya, dahil kapag nasa puder ko siya hindi siya agad mapapahamak.”

“Anong ibig mong sabihin? Kamag anak mo ba si Cooker para bigyan siya ng ganitong proteksyon?” Kunot noo kong tanong.

“Hindi.”

“Hindi? E, bakit? Naguguluhan ako, inspector?”

Bumuntong hininga siya at hinilot ang sintido. “Dahil kasalanan ko kung bakit namatay ang ama ni Cooker.”

“Ano?” Lumaki ang mata ko. Tama ba ang rinig ko? “Ikaw ang may kasalanan?”

“Siguro dapat mo narin malaman ang katotohanan, para maintindihan mo.”

“Anong ibig mong sabihin, inspector?” 

“Makakaasa ba akong ililihim mo ito?”

Tumango ako. “Makakaasa ka inspector.” Sagot ko.





***

Note:

Alam kong pangit. 'Wag na magreklamo HAHA. (⁠=⁠`⁠ェ⁠´⁠=⁠)

The Maldita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon