COOKER
“Blackmail ba ‘yan?” Tanong niya.
Blackmail talaga. Tanga.
“Is because sa nakita mo magagawa mo 'kong iblackmail?” Nakataas ang kilay na kumento niya. Tinap niya ang balikat ko at ngumiti ng kay lapad-lapad.
“Hindi kita lalayuan kahit anong sabihin mo, dahil gusto kitang makilala.” Nagsalubong ang kilay ko, bakit ang tigas ng ulo niya? “Hindi mo ako mapipigilan sa gusto ko, Cooker. Hintayin mo at mapapalapit ka din sa ‘kin.”
Gumuhit ang pagkainis sa mukha ko. Mukhang hindi ito madadaan sa mabuting usapan.
Tumikhim ako at ngumisi. Nagsalubong ang kilay niya habang nakatitig sa ‘kin. Konting push para maasar siya.
“Kahit ba, hindi ka kinampihan ng sarili mong ina?” Pang-uyam ko.
“Tinapon na parang basura?” Dagdag ko habang hindi inaalis ang ngisi.
Kumunot ang noo niya.
“Mas mahal ang tinayong paaralan kesa sayo?” Nagcrossarm ako. Pang-uuyam lang ang katapat ng lalaking ‘to.
“Alam mo ‘yun, parang kinder na iiyak.” Dugtong ko. Gumilid ako sa kabilang side ng hagdan ng may grupo ng studyante ang paakyat.
“I don’t care wala na ‘kong pakialam sa kaniya.” Napangibit ako sa sinagot niya.
Ramdam ko ang titig sa ‘kin ng mga studyanteng paakyat. First time bang makitang tambay ako sa hagdan?
Sinamaan ko sila ng tingin, ‘yung tipong kakain ng tao. Umiwas sila ng tingin at yumuko. Isa-isa silang nagdaanan sa gitna namin ni Hook, nagmamadaling umakyat.
Tsk!
Para namang pag-aaksayahan ko sila ng oras. Duh?
Nang makalampas ang mga studyante, binalik ko ang tingin kay Hook.
“Talaga? Pero ina mo parin siya, and beside halos maiyak ka nga sa pagmamakaawa sa kaniya, e.” Tumalim ang tingin niya sa ‘kin. Napipikon na siguro. Konting push pa.
“May ganun pala talagang ina, noh? Kawawa ang anak. Tsk, tsk.” Umiling ako na animoy nang-aasar. I mean, nang-aasar talaga ako. Gusto ko siyang mabwisit para tigilan niya ako.
Tumawa siya ng mahina at umiling. “Kahit anong sabihin mo, Cooker. Kahit ipagkalat mo pa, nonsense nalang ‘yon.”
Nawala ang ngisi ko at napalitan ng inis. Bwisit talaga.
Umiling ako at nagmadaling bumaba sa hagdan, mukhang walang sense kausapin pa siya.
“Saan ka pupunta? May klase pa tayo.” Sinundan niya ako palabas ng building. Wala na ‘kong paki, hindi na ‘ko papasok.
“Hindi ba running to summa cum laude ka?” Inis kong kumento habang naglalakad. Patuloy parin siyang sumusunod sa ‘kin.
“Oo.”
“Then, bumalik ka sa classroom at mag-aral ng mabuti.” Saad ko.
“Ikaw?”
Huminto ako at hinirap siya. “Ako? Sanay akong magskip. Kaya pwede ba umalis ka sa harap ko! Alam mo bang nakakaimbyerna ka!” Sigaw ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Sana naman makaramdam siyang ayoko sa kaniya. Ayoko sa makulit! Naiinis ako!
“Then, magskip narin ako, hindi na importante sa ‘kin ang highest grade. Tutal wala ng dahilan para sundin si mom.”
Napaawang talaga ang labi ko sa sinabi niya. Ano bang trip talaga ng lalaking 'to?
BINABASA MO ANG
The Maldita
Misterio / SuspensoIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...