63: Conversation

196 7 1
                                    

CANYON

Damn it, Leaves. Bakit mo ‘to ginawa? Bakit? Anong maling ginawa sayo ni Cooker para gawin ito?

Nagtitiim ang bagang ko sa galit. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone na kulang nalang masira ito. Tangina.

Tumingin ako sa kusina bago binasa ang mga convo nila.

Unknown:
Money already sent on your account.

Leaves:
Exact ba ‘yon sa pinag-uusapan natin?

Unknown:
Of course. Full payment para sa cooperation mo.

Leaves:
Thank you, malaking tulong ‘to para sa operasyon ng ama ko.

Unknown:
No need to thank me, malaking isda ang hinuli mo para sa ‘kin. Good job!

Leaves:
Matanong ko lang anong gagawin mo sa kaniya?

Unknown:
It’s non of your business tapos na ang trabaho mo, naibagay kona ang pera.

Leaves:
Okay, ‘yung pangako mo ‘wag mo siyang sasakyan. Napalapit na ‘ko sa batang ‘yon.

Unknown:
Hahaha of course, natupad ako sa usapan. Pero kapag nanlaban deadball.

Leaves:
Sinasabi ko sayo ‘wag mo siyang sasaktan!

Unknown:
Okay, okay, otw na ‘yung kukuha sa kaniya, sigurado kabang wala siyang kasama doon?

Leaves:
Oo, mag-isa lang siya doon. Dalian nyo ang kilos baka may makapansin sa inyo.

Unknown:
No worries, walang makakakita ng mga mukha nila.

“Anong binabasa mo?” Biglang dating ni Leaves. Binaba ang dalang juice at inagaw sa ‘kin ang cellphone niya. Namutla siya ng makita ang nabasa ko.

“Ah ano — ahm, m-mali ang iniisip mo. H-hindi ganun, Canyon.” Utal-utal niyang saad. Malikot ang mata, hindi makatingin sa ‘kin. Umandar ang mannerism niya halatang kabado.

Madiin kong pinikit ang mata. Nagdidilim ang paningin ko. Tangina. Wala kanang lusot. Dinilat ko ang mata at tinuon sa kaniya. Ramdam ko ang galit na namumuo sa 'kin.

“Tangina, Leaves! Hindi ko akalaing magagawa mong ipagpalit si Cooker! Nasaan ang kilala kong Leaves? Hah? Damn it! Kung alam mo lang kung gaano ako nagpipigil ng galit!” Mahigpit ang kuyom ng kamao ko, nagtatangis ang bagang sa nabasa.

“H-hindi ko sinasadya.”

“Putangina Leaves! Hindi mo sinasadya? Saan banda mo hindi sinadya?” Pinikit ko ang mata para pakalmahin ang sarili. Tumataas ang anger issue ko. Kapag hindi ko 'to napigilan baka masaktan ko siya.

“H-hayaan mo ‘kong magpaliwanag, please.”

“At ano para sa tatay mo? Tangina Leaves — “

“O-oo! Para kay tatay! Para mapagamot ko siya! Para gumaling siya! Hindi ko kayang tumunganga nalang habang nakikita kong naghihirap ang tatay ko, hindi ko kayang panoorin siyang mamatay nang wala manlang akong nagawa! K-kaya kung nagawa ko ‘yon kay Cooker hindi ko sinasadya.” Pagputol niya sa 'kin. Nagulo ko ang buhok. Inis na inis ako. Gusto kong manuntok.

The Maldita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon