COOKER
Nasa university na ‘ko at naglalakad sa field patungo sa building namin. Ako unang nakipagbati kay Canyon kahapon dahil nabubwisit na ‘kong kasama siya sa loob. Biruin mo fifteen minutes kaming hindi nagkibuan, halos mabaliw ako sa tahimik na opisina. Ang ginawa lang ni Canyon humiga sa sofa, nakatulog pa yata, e. Tapos ako tulala sa pader? The hell. Na boring ako to the max, kaya nakipag-ayos na 'ko para makalabas na.
Napatingin ako sa kaliwa ko, maraming tao sa lilim ng pine tree, anong meron don? Nakapalibot sila na parang may tinitingnan. Sinilip ko ang relo, maaga pa naman makikimarites muna ako. 7am palang pero matindi na sikat ng araw.
Lumapit ako sa kumpol ng mga studyante at nakisilip.
Oww.
Narito pala si Betchay Lapepe at Sue-ngot. Napailing ako ng may binubully na naman silang kawawang babae, nakasalampak ang babae sa damuhan at umiiyak. Tss.
Bakit may mga taong kulang sa aruga? Tapos dinadala sa eskuwelahan ang immaturity?
Inikot ko ang tingin, hindi pa ganun karami ang mga studyante, meron ilang naglalakad patungo sa mga building at classrooms nila pero wala silang pakialam sa nangyayari dito. 'Yung building na malapit sa field madalang pa ang tao, bilang lang ang nakikita ko sa taas. Maaga pa, e.
Umikot ako at lumilim sa pine tree. Ang init, baka mangitim ako.
“You’re such a waste you don’t belong here, poor girl. This university ay para sa mayayaman.” Nagtengang daga ako ng marinig ang himutok ni Sue-ngot. Bigla yatang uminit ang ulo ko. Mula sa pwesto ko kitang-kita ko silang dalawa ni Betchay. At ano ‘yon, purkit mahirap kami hindi na kami bagay sa pang mayamang paaralan?
“Yeah right, Sue is right. Hindi ka nababagay sa university namin. Poor girl can only enroll in poor university.” Dugtong ni Betchay Lapepe.
Hinintay kong mag comment ang mga manonood, wala bang sasalungat? Tss. Lahat ba ng marites na ‘to mayayaman?
“Ano? Mag transfer kana, girl.” Turan ni Sue-ngot at humagikgik silang dalawa ni Betchay.
“H-hindi pwede, hindi ako magtatransfer kailan ko ito para makapagtapos.” Humihikbing sagot ng babae.
“Sumasagot ka? Sa ayaw at sa gusto mo magtatransfer ka dahil you're not belong here.“ Turan ni Sue-ngot, nakataas ang kilay.
"K-kaya kong tiisin ang ginagawa ninyo sa 'kin, pero hindi ako magtatransfer."
"Really? Kahit pahirapan ka namin?"
Sunod-sunod ang pagtango ng babae kay Betchay."I have a good proposal for you, transfer or paghihirap? Kung ako sayo magtransfer ka — "
“E, kung ikaw kaya ang magtransfer Sue-ngot?” Pag-eksena ko. Naiinis ako kapag may inaapi.
Napalingon sa ‘kin ang mga studyante sa harap ko. Nagulat pa sila at agaran gumilid. Tss. Nakakahawang virus ba?
Kaharap kona ngayon si Sue-ngot at Betchay Lapepe, habang ang kawawang babae'y nakasalampak parin sa damuhan.
“Nangangamoy away.”
"Yeah, true."
“Lagot kayo ngayon, bully pa.”
“Shssh ‘wag ka maingay baka marinig tayo.”
“Mabuti nalang dumating si Cooker dahil kawawa naman ‘yung babae.”
“Kaya nga.”
“Manok ko si Cooker.”
“Manok ko naman si Betchay ang sexy kasi niya yummy.”
“Tumigil kanga, Cooker tayo.”
“Tingnan mo ‘yung inaapi nila Sue mukhang mahirap at kawawa, ang pangit pa ng damit.”
BINABASA MO ANG
The Maldita
Mystery / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...