COOKER
Nasa living room kami ngayon, nakatingin sa ‘kin ang parents ni Bayug hinihintay kung anong sasabihin ko. Kaaalis lang ng kamag-anak nila.
Huminga ako ng malalim. Katabi ko si Bayug sa sofa. “Nahuli kona po kung sino ang taong gusto kayong ipahamak.” Pauna kong salita.
Nagtengang daga ang parents ni Bayug na ngayo'y hindi mapakali sa inuupuan.
“Sino Cooker?” Tanong ni mother in law. Nilingon ko si Bayug, tumango lang siya, alam niya kung sino ito sapagkat sa kaniya ko unang sinabi.
“Hindi si Jamie at hindi si Rachel.” Kumunot ang noo nilang mag-asawa sa turan ko. Halata sa mga mata nila ang pagtataka.
“Si Michael ba?” May pag-aalangan kumento ni father in law. Palipat-lipat ang tingin sa ‘kin at kay Bayug.
Bumalik sa alaala ko nung mag shake hands kami nung Michael.
___
“Nagawa mo ba?” Turan ni Michael sa armadong lalaki. Nasa likod sila ng malaking bahay at doon nag-uusap ng palihim. Nakatayo lang ako sa gilid nila.
“Yes, boss. Tulad ng utos nyo daplis lang sa balikat.”
Napailing ako. Ito palang Squidward na ‘to ang may pakana sa lahat? Ginigigil mo ‘ko, e.
“Good. E, yung mga death threat ayos ba?” Nakangisi nitong kumento. Sarap sibakan ng kahoy ang noo mo, ang laki.
“Yes, Boss. Siguradong magsusumbong sayo 'yon, pati 'yung balang tinamo niya.” Sagot ng lalaking inutusan niya.
“Good. Umalis kana at baka meron pang makakita sayo.” Saad ni Michael. Nakangising demonyo.
___
Walangya talaga si Squidward, pakitang aso. “Wala ng iba father in law, siya ang nagtatangka sa buhay nyo at nagpapadala ng death threat.”
“Nakakasigurado kaba, Cooker?”
“Wala po ba kayong tiwala sa ‘kin, Daddy?” Taas kilay kong tanong. At konti nalang kakaltusan kona si Bayug dahil kanina pa siya palihim tumatawa. Naiinis ako. Pero napangiti ako sa kalokohang pumasok sa utak ko.
“Paimbestigahan nyo po at kapag po mali ako ng hinala edi mali ako, pero kapag tama po ang hinala ko ipapakasal nyo po kami ni Bayug ora mismo.” Napatigil sila sa turan ko. Dinadigest pa yata nila. Napatingin ako kay Canyon at ngumisi. Siya nama'y nakatitig lang sa 'kin, kukurap-kurap ang mata habang nakaawang ang labi.
Tsk. Laway mo Bayug.
“A-ano papakasal? Tama ba ang rinig ko, hija?” Napatingin ako sa mommy niya, salubong ang kilay nito at hindi yata nagustuhan ang sinabi ko.
“Ay wala po akong sinabing ganyan.” Tanggi ko sabay iling.
“Pero sabi mo — “
“Joke lang po ‘yon inaasar ko lang po ‘yang pangit nyong anak.” Nakangiti kong saad sabay beautiful eyes.
“Pero, paimbestigahan nyo po ng palihim ‘yang kapatid nyo, sigurado po akong siya ang may pakana sa lahat dahil may inggit siya sa inyo."
“Sige gagawin namin, hija. Saka dito narin kayo magpalipas ng gabi bukas nalang kayo umuwi.” Turan ni father in law. Napatango naman ako at ngumiti.
Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto bago ako dalhin ni Canyon sa guest room nila. Ilang beses narin siyang nagpasalamat, tuliro na ‘ko sa ingay niya.
“Okay ka lang ba dito?” Tanong niya. Inikot ko ang tingin, may kama sa gitna at lampshade sa gilid meron din tv at sofa.
“Yap.” Tumingin ako sa kaniya at nag thumbs up. “Ge labas kana.”
“Okay, sleepwell. Thank you again.”
“Hays, paulit-ulit? Oo na nga lumabas kana.” Turan ko at pinagtabuyan siya palabas. “Ay wait, saan pala ‘yung kuwarto mo?”
Kumunot ang noo niya, nagtataka. Pero kalauna'y napangisi. Tsk. Ano na naman kayang nasa isip nito? “Gagapangin mo ‘ko?”
What the hell.
“No way! Tinatanong ko lang naman!”
“E, bakit defensive ka?” Makahulugan niyang turan hindi parin naaalis ang abot tengang ngisi.
“Sarap mong kaltusan, umalis kana nga!” Sinarahan ko siya ng pinto. Bwisit.
Pinahiram ako ng mommy niya ng damit, kinuha ko ‘yon sa kama at nagtungo sa cr. Pares ng pantulog at underwear. Hindi pa naman mapanghi 'yung suot kong panty pero sige papalitan kona rin, maghapon ko narin itong suot, e.
Makalipas ang trenta minutong nakababad sa bathtub umahon narin ako. Fresh na fresh ang tita nyo. Tumalon ako sa kama at kinuha ang cellphone, pero putik lowbat. Manonood pa naman sana ako ng bold, free wifi pa naman dito.
Tumayo ako sa kama at tinungo ang kuwarto ni Bayug, manghihiram ako ng charger, siguro naman meron siya dito, diba? Ako kasi wala.
Walang katok-katok diretso akong pumasok sa loob ng kuwarto niya. Pero agad akong napasigaw ng makita siyang nakahubad sa gilid ng kama, nagbibihis yata siya. Pero putik. Bakit kasi doon siya nagbibihis?
“WHAT THE FUCK GET OUT!” Sigaw niya ng mapatingin sa 'kin. Ang pula ng mukha niya sa galit. Mabilis akong napatalikod. Shit. Shit. Shit. Nakita ‘yong pwet niya ang tambok.
“B-bakit kasi diyan ka nagbibihis!” Inis kong saad, nakatalikod parin.
“THIS IS MY ROOM I CAN DO WHATEVER I WANTED!”
“Oo nga. E, bakit kasi hindi ka naglalocked ng kuwarto mo!”
“BAKIT KASI HINDI KA MARUNONG KUMATOK!” Himutok niya.
“Sa cr ka kasi dapat nagbibihis! Tuloy nakita ‘yang pwet mo!”
“AT SINABI MOPA TALAGA!”
“E kasi nakita ko!”
“TSK! ITAPE KO 'YANG BIBIG MO, E!”
“Huwag kana kasi magalit maganda naman ang katawan mo. May abs kaba? Patingin?” Nakatalikod parin ako, pero nakangiti. Gwapo ni Bayug sa part na nakita ko siyang ganun, ang tangkad kasi niya tapos macho pa. Hihihi.
“WHAT THE FUCK!”
“Joke lang! Pahiram ng charger dali!” Inunat ko ang kamay at hindi parin siya tinitingnan. ‘Yung birhen kong mata makakakita ng hubad na katawan. Nasan ang justice? Nakakita na pala ako non sa pinapanood ko. Evil green.
Nang makuha ko ang charger kumaripas na ‘ko ng takbo palabas. Narinig kopa ang sinabi niyang nakadamit na daw siya.
Wafakels. Duh?
***
Note:
Thank u for reading. ‘Yung mga birhen pa diyan may tanong ako, kapag kayo ang nakakita ng ganun anong gagawin nyo? (=^・ェ・^=) Birhen pa ang nagsusulat kaya ‘wag mag isip ng kung ano-ano. Hihihi. (≧(エ)≦ )
BINABASA MO ANG
The Maldita
Mystery / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...