CANYON
Napatingin ang dalawa sa ‘kin. Nanlaki ang mata ni Cooker, nagtataka kung bakit ako narito. Wala siyang alam kanina kopa siya sinusundan.
“Sino kaba?” Turan ng lalaki, nanlilisik ang mata at umigting ang panga.
Lumapit ako sa tabi ni Cooker at hinila siya palayo sa adik. “Ikaw sino kaba, totoy?” Sumilay ang ngisi sa labi ko.
Kumunot ang noo ko ng mapansin nagpipigil ng tawa si Cooker. Sinamaan ko siya ng tingin. Tsk.
“Pinagsasabi mong totoy!” Sigaw ng binatilyong kaharap ko. Gumuhit ang inis sa mukha at bigla akong kinuwelyuhan ng ganun kabilis. Problema talaga sa kabataan ngayon is anger issue, e.
Napailing ako at napangisi. Hindi ko rin mapigilan matawa na lalong kinagalit niya.
“Huwag kang makialam dito!” Dugtong niya, hinigpitan ang kapit sa kuwelyo ko. Matalim ang tingin niya sa 'kin.
Umigting ang panga ko sa baho ng hininga niya. Lintik. 'Diba marunong mag toothbrush ang lalaking 'to?
Gamit ang kanan kong kamay hinawakan ko ang braso niyang nasa kuwelyo ko at walang awang pinalipit. Napadaing siya sa sakit at napasigaw.
"Matuto kang gumalang sa mas matanda sayo." pinanlakihan ko siya ng mata. "Ang mga katulad mo ang dapat tinuturan ng leksyon, e." Diniinan kopa lalo ang braso niya.
“T-TAMA NA, ARAY! TAMA NA TAMA NA PLEASE!” Sigaw niya, hindi na maipinta ang mukha. Talaga namang babaliin ko ang braso niya, e.
Dumako ang tingin ko sa naglabasan sa cr, tatlong lalaki. Mga mukha silang adik sa kanto, dahil sa hikaw sa mukha at tattoos sa katawan. Tsk. Mga kabataan nga naman.
“Sino ka? Bitawan mo ang kaibigan namin!” Sigaw ng isa. Sorry, hindi ako sumusunod sa utos ng nakababata sa ‘kin.
Patuloy parin ang palahaw ng lalaking pinapalipit ko ang braso, maluha-luha na nga, e.
“Lalapit kayo? Sige, nang mabali ng tuluyan ang braso ng kaibigan nyo.” Banta ko at diniin pa lalo ang pagpalipit sa kaniya.
“’WAG! ‘WAG! HUWAG KAYONG LALAPIT! DIYAN LANG KAYO!” Lumawak ang ngiti ko sa turan ng lalaki. Magkasalubong ang kilay niya at ilang beses napapikit. Takot rin palang mabali ang braso niya. Napangisi ako ng makitang may lumandas na luha sa mata niya.
“Ora mismo, lumayas ka sa harap ko, isama mo ‘yang bugok mong barkada.” Sunod-sunod ang pagtango niya sa ‘kin. Very good, matutong sumunod sa mas matanda.
“B-bitawan mona ako aalis na kami.” Mahinahon niyang turan. Natawa nalang ako at inalis ang kamay sa braso niya.
“Takbo.” Pananakot ko. Tumakbo sila palayo ng walang lingon-lingon. Mga kabataan nga naman, kailan talagang turuan ng leksyon.
Sinundan ko si Cooker na pumasok sa loob ng cr. Damn this place. Inikot ko ang tingin, nanlilimahid ang loob madumi at mabaho. Puro sulat ang dingding at maraming dura ang sahig. Ang bawat cubicle ay sira ang pinto, nakikita ko tuloy ang hindi maipintang inidoro.
Pigil ang paghinga ko. Puta. Ang baho.
“Okay lang kayo?” Tanong ni Cooker sa isang babaeng balingkinitan, dumako ang tingin ko sa lalaking kasama nito. Halatang kagagaling sa pag-iyak at puno ng paso ang braso.
“S-salamat, Miss Cooker.” Humihikbing sagot ng babae.
“Dalhin mona sa clinic ‘yang kapatid mo.” Turan ni Cooker na kinatango ng babae, inalalayan nitong tumayo ang kapatid niyang nakasalampak sa marunong tiles.
“S-salamat sa inyong dalawa.” Turan ng babae bago alalayan palabas ang kapatid daw niya.
Nilingon ko si Cooker. “Huwag mong uulitin ang ginawa mong paglaban sa mga lalaking ‘yon, paano kung hindi ako dumating? Kahit may abilidad kang makabasa nang nakaraan walang magagawa ang kakayahan mong ‘yan para protektahan ka.”
Kumunot ang noo niya at lumakad palabas sa cr. “Halika na, ang baho diyan.”
Napailing ako. Ang hirap pagsabihan ng babaeng ‘to. Pero may part sa ‘king natutuwa dahil hindi siya totoong bully, dahil nakita kong pinagtanggol niya ang babae kanina. Siguro nga binubully lang niya ang mga karapat-dapat bulihin. Kahit papaano may mabuting puso ang babaeng ‘to.
“Narinig moba ang sinabi ko, Cooker?” Saad ko. Nasa labas na kami nang mabahong cr.
“Opo, tatay.”
Kumunot ang noo ko. “May nakakatawa ba?” Inis kong saad.
“Wala po, tatay.”
“Pinagsasabihan lang kita kaya itigil mo ‘yang pagtawa mo.”
“Sige po, tatay.”
Madiin kong pinikit ang mata. Ang hirap kumausap ng bata.
_____
“Uuwi na ba tayo?” Tanong ni Cooker. Patungo kami sa parking ng grocery matapos bumili ng kailangan sa bahay. Alas-singko na, katatapos lang ng klase niya.
“Ako na magdadala ng isang plastic.” Dugtong niya at akmang kukuhanin ang dala ko, mabuti at nailayo ko kaagad. “Ikaw na nga tinutulungan, ganyan kapa.”
Napailing ako. Nag-aalburoto na naman. “Ang payat-payat mo gusto mo pang magbitbit?” Ismid ko.
“Hoy, hindi ako payat, sexy ang tawag dito. Sexy.”
Tss.
Nilagay ko sa compartment ang pinamili namin. “Bayug, hindi moba napapansin.”
“Na ano?” Tanong ko.
“Na parang mag-asawa tayo?”
Muntik na ‘kong matalisod sa turan niya. Damn it. Ano bang nasa isip ng babaeng 'to at bigla-bigla nalang humihirit?
“May lagnat kaba? O hindi ka kumain ng —“
“Nakikita moba ang nakikita ko, Bayug?” Pagputol niya sa ‘kin. Sinundan ko ang tingin niya sa kabilang side ng kalsada. “Kanina pa sila nasunod sa ‘tin.”
May mga nakaitim na lalaki ang mabilis nagsakayan sa kanilang mga motor at humarurot paalis. Sino bang nag-uutos sa mga 'yon? Pilit kong iniisip kung sino ang maaaring gumawa ng ganung bagay kay Cooker? Wala naman siyang kaibigan? Walang kamag-anak? Pero maraming kaaway?
“Sumakay kana.” Utos ko.
Lumalala na ang nangyayari at tama si Inspector Pions, hindi na sila titigil hangga’t hindi nila nakukuha si Cooker. Sumakay na ‘ko sa driver seat. Wala akong imik habang nabiyahe kami patungo sa police station.
“Galit kaba?” Tanong ni Cooker, nakatingin lang sa labas ng bintana.
“Hindi ako galit, ‘wag mong isipin galit ako dahil hindi naman.” Nakita kong tumango siya at hindi na umimik. Alam kong maraming bagay ang tumatakbo sa isipan niya, kaya hangga’t maaari ayoko ng dagdagan.
Makalipas ang mahabang katahimikan nagsalita ako. “Kapag sinabi ni Inspector Pions na kailangan mong lumayo, ilalayo kita.”
“Hah?”
“'Wag kang mag-alala gagawin ko ang lahat para protektahan ka.”
“Okay, galingan mo.”
Napailing ako. Hindi ko alam kung lutang ang kasama ko o ano? Ang hilig manghikayat.
***
To be continued.
BINABASA MO ANG
The Maldita
Mystery / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...