COOKER
Kauuwi lang namin galing school.
Nakatayo ako sa pinto habang lahat sila nag-aalala kay Ate Leaves, nagsusuka siya at nanlalambot. Mula ng makauwi kami sa bahay nagsusuka na siya, hindi naman siya ganun kanina.
Gumilid ako ng pumasok si nanay sa loob, kumuha siya ng maligamgam na tubig. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa anak. Habang ‘yung tatay ni Ate Leaves hinahagod ang likod niya, ganun din si Canyon na nasa kaliwang side naman.
“Oh, inumin mo para mainitan ang sikmura mo.” Utos ng nanay niya. Kinuha ito ni Ate Leaves at uminom.
“Okay kana ba anak? May masakit ba sayo?” Tanong ng tatay niya, pinupunasan ang pawis sa noo ni Ate Leaves. Sana may ama din akong gumagawa ng ganon tuwing may sakit ako.
“N-nanlalambot ako.” Sagot ni Ate Leaves. Inalalayan siyang tumayo ni Canyon at dinala sa sala ng bahay. Gumilid naman ko dahil baka harang ako sa daan.
Umupo si Ate Leaves sa kawayang sofa, nasa gilid niya ang nanay at tatay niya. Nag-iisang anak lang siya at sobra siyang inaalagaan ng magulang niya. Nakakainggit. Sana meron din ako.
“Nausog ka yata dahil ang lamig at malambot ang tenga mo.” Turan ng tatay niya. Si ate Leaves naman lantang gulay na nakasandal sa upuan.
“Tawagin mo ang nagtatawas diyan sa kabilang bahay.” Utos ni nanay sa asawa niya. Tumayo naman si tatay at lumabas ng bahay. Mahal na mahal nila si Ate Leaves, nakikita ko ‘yon sa kanila. Sana may magulang din ako.
Ano kaba naman, Cooker. Inggitera ka.
“Cooker, ano bang nangyari at bakit nausog ang Ate Leaves mo?” Tanong ni nanay. Pero nabaling ang tingin ko ng pumalit si Canyon sa pwesto ni tatay. Nakatingin lang si Canyon kay Ate Leaves at kinakausap ito habang hawak ang kanang kamay. Mahal talaga niya si Ate Leaves, makikita naman sa kilos niya. Nakangiti ang utak ko sa kanila, pero hindi ang labi. May kirot akong nararamdaman tuwing magkadikit sila. Tapos hawak pa niya ang kamay ni Ate Leaves.
“Cooker?”
Bumuka ang bibig ko at napatingin kay nanay. Nagtataka siya sa itsura ko dahil tumagilid pa ang ulo niya. “Ah, may kinausap po siyang matandang lalaki sa daan.” Turan ko.
“Sinasabi na nga ba. Kaya ka nauusog lahat kasi kinakausap mo.” Sermon ni nanay kay Ate Leaves. Sana may mama akong buhay.
____
Kinagabihan maagang nagpahinga si Ate Leaves, may pasok siya bukas. Nakakain na kami at nakahinga na ‘ko sa kama.
Nagpapaantok kahit eight palang.
Kinapa ko ang cellphone sa ulunan ng mag-ring ito.
Unregister number?
Inaccept ko ang call at tinapat sa tenga. Hindi ako nagsalita. Kumunot ang noo ko dahil puro buntong hininga ang naririnig ko. Sino ba ‘to?
“Hello?”
Huh? Sino ‘to? Ibababa kona nang magsalita itong muli.
“Ako ‘to, si Hook.”
Nagsalubong ang kilay ko, paano niya nakuha ang number ko? Walang nakakaalam nito bukod kay Inspector Pions, Ra-iol, Canyon at Mrs. Florie.
“Hindi kaba nagsasalita? Hellow? Yoohoh! This is Hook, hotter than the Sun.”
Hinayaan ko lang siyang magsalita, siguradong magsasawa din siya at papatayin ang tawag.
Dinaluhan ako ng antok. Pinikit ko ang mata at hinayaan kainin ng kadiliman. Hanggang sa tuluyan na 'kong makatulog.
BINABASA MO ANG
The Maldita
Mystery / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...