7: Dinner

429 18 4
                                    

CANYON

Nahampas ko ang manibela. Dapat hindi ko sinabi ang ganun bagay sa kaniya.

Damn it.

Inangat ko ang tingin, naglalakad siya palayo sa parking lot. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ng sales lady kanina, at kasalanan ko 'yon. Tapos ngayon napagsalitaan ko siya ng masakit. Ginulo ko ang buhok sa inis.

Damn this life.

Pinulot ko ang nahulog na card at itinabi. Napatingin ako sa bintana ng kumatok si Inspector Pions.

Lumabas ako sa sasakyan. Bumungad ang mukha niyang nagtataka. Inaya niya ako sa ilalim ng puno. Walang lilim ang parking space ng restaurant, direct sa sikat ng araw.

"Anong nangyari, Canyon?" Diretso niyang tanong. Hindi kaya nagsumbong kaagad si Cooker?

"Pasok na kami, Hon. Pareserved na kami ng table at pupuntahan ko si Cooker." Singit ni Mrs. Florie na kalalabas lang sa sasakyan.

"Sige susunod kami." Sagot ng asawa niya. Naglakad na palayo si Mrs. Florie kasama si Ra-iol.

"Mabalik tayo Canyon, anong nangyari?" Seryoso niyang tanong. Bakit parang concern na concern sila kay Cooker?

"Nagkasagutan lang po." Sagot ko. Seryoso niya akong tinitigan 'yung tipong hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago muling nagsalita. "Napagsalitaan ko siya ng medyo masakit na salita."

"Anong salita?" 

Kumunot ang noo ko, pati ba 'yon kailangan pang alamin? Tsk. Tinaasan niya ako ng kilay. Napabuga ako ng hangin. Mukhang 'di siya titigil hangga't hindi ko nasasabi.

"Can you please shut up? Ang ingay mo, isip bata ka noh? Learn to act to your age?" Medyo hindi ko siguradong sagot. Napakamot pa 'ko sa batok dahil sa kahihiyan.

"Bakit mo siya sinabihan ng ganun bagay?" Nanggigigil niyang kumento, sabay palipit sa tenga ko. Napangibit ako, putik ang sakit kaya. Kung 'di lang masamang pumatol sa matanda.

Binitawan niya ang tenga ko at humalukipkip. Napatingin ako sa paligid, mabuti nalang walang mga tao. Nakakahiya, ang gwapo ko tapos ginaganito ako? Hindi makatarungan.

"Sinabi ko lang 'yon kasi ang ingay niya, daldal ng daldal. Para siyang bata, pabago-bago ng ugali." Depensa ko. Totoo naman napakamoody ng babaeng 'yon. Bipolar. Minsan mabait, minsan tahimik, minsan masungit, minsan abnormal, minsan maldita. Saan ba ako lulugar sa babaeng 'yon?

"She just showing her true self." Sagot niya at ngumisi, bakit parang double meaning 'yon?

"Alam mo Canyon intindihin mo nalang si Cooker, marami siyang masakit na pinagdaanan in her past, and beside bilang sa daliri ang pinakikitaan niya ng totoong siya, just be proud na kabilang ka doon kahit weeks palang kayong magkakilala. Ibig sabihin lang non may tiwala siya sayo."

"I don't get you, Inspector Pions." Sagot ko. Huminga siya ng malalim at ngumiti.

"It takes time para maintindihan mo ang sinasabi ko. Ang pakiusap ko lang sayo na intindihin mo siya, pakisamahan mo, at 'wag masyadong mainit ang ulo. Makakasanayan mo rin siya and so on baka hanap-hanapin mo kapag nawala siya." Inakbayan niya ko na may ngisi sa labi. Para siyang nang-aasar.



-------


"Katagal nyo sa labas, Hon." Salubong ni Mrs. Florie ng makaupo si inspector sa tabi niya.

Pagpasok namin nakaupo na silang tatlo sa pabilog na table. Katabi ni Mrs. Florie si Cooker, then Ra-iol, tapos ako. Wala pang pagkain sa table kaya nagcellphone muna ako. Wala rin naman gagawin. Si inspector at asawa niya busy sa pag-uusap.

"Ows? Edi walang lumaban sayo?" Rinig kong kumento ni Ra-iol.

"Oo, hindi ko alam kung bakit ayaw nila akong patulan hindi naman ako nangangagat." Natatawang sagot ni Cooker. Nakikinig ako sa usapan nila kahit sa cellphone nakatingin.

"Syempre takot sila sayo, ikaw ba naman hawakan mo lang ang dulo ng buhok nila mababasa mo ang nakaraan nila. Tapos malay mo may tinatago sila edi nalaman mona."

"Ra-iol, kaya ko namang kontrolin ang abilidad ko. O, tingnan mo kahit hawak-hawakan kita wala akong nababasang kahit ano?"

Sinilip ko ang ginagawa nila, muntik pa 'kong matawa ng makitang nilagay ni Cooker ang dalawang kamay sa mukha ni Ra-iol.

"Ano ba 'yan Cooker. Pwede naman sa braso mo lang ako hawakan bakit diyan pa sa glass skin ko." 

"Ay, sorry. Kala ko kasi braso mo."

Napangisi ako sa narinig. Lakas mambwisit ng babaeng 'to.

"Kaya wala kang kaibigan sa school, e. ginagawa mo kasing kalokohan ang lahat."

Hinintay ko ang sunod nilang pag-uusap, kung anong isasagot ni Cooker pero bigla silang tumahimik. Nang muli ko silang silipin nakanguso si Cooker habang nakahalukipkip. Napaisip tuloy ako kung may kaibigan nga ba siya sa school? Pero sa tingin ko wala dahil walang makakatagal sa ugali niya.

"Kaibigan naman kita, a? Ayaw mo ba?" Iretableng sagot ni Cooker. Mukhang tama si Inspector Pions, pinapakita lang niya sa mga taong close niya ang totoong siya.

"Gusto syempre para may maldita akong kaibigan."

"Good. Ipagtatanggol kita sa nambubully sayo kahit kamatayan man." Biro niya.

"Hindi ba't ikaw ang bully?" Dahil sa sinabi ni Ra-iol, muli silang natahimik. Siguradong umuusok na ang ilong ni Cooker.

"Ako bully? Gusto mong masampulan, Ra-iol, hah?"

Napailing ako habang nagtatype sa cellphone. Katulad na katulad ng sinabi niya sa sales lady kanina. Tsk.

"Tama na ang kulitan ninyo kakain na tayo." Pagsingit ni Mrs. Florie. Dumating ang dalawang waiter na may dalang pagkain.

"Okay po." Magalang na sagot ni Ra-iol.

"Okiee po, Mrs. Florie." Sagot ni Cooker.

Napailing nalang ako dahil para silang mga bata. 




***

To be continued.

The Maldita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon