5: Call me bata

450 15 0
                                    

COOKER

After first missed called ni Canyon, pinatay ko ang cellphone. Mainam ng i-off para walang tawag ng tawag. Kaimbyerna.

Nang mayari akong magkape umalis kaagad ako sa coffee shop. Ngayon naglalakad na ‘ko palabas sa exit ng mall, nawalan na ‘ko ng ganang magshopping.

Babalik nalang ako sa university para mag-aral dahil baka hindi na ‘ko makagraduate this year. Last year kona sa college at sa wakas matatapos narin ang paghihirap ko sa unibersidad na 'yon.

Pagkalabas ko sa mall pumara kaagad ako ng taxi at sinabi ang address ng university. May taxi naman dito sa Olongapo, first urbanized city kaya 'to ng Zambales.

Binalingan ko ng tingin ang mall habang umaandar ang taxi, siguradong stress na si Canyon kakahanap sa ‘kin.

Mabuti nga sa kanya. Evil green.

“Miss parang namumukhaan kita.” Napatingin ako sa driver ng magsalita siya. Nakatingin siya mula sa rear mirror.

“Po? Ako?” Turo ko sa sarili.

“Hindi ‘yung katabi mo.”

Nagsalubong ang kilay ko dahil wala naman akong katabi. Mag-isa lang ako sa taxi niya.

“Joke lang hija, ikaw naman. Syempre ikaw ang tinatanong ko, at hindi yung katabi mo.” Dahil sa sinabi niya napatingin na naman ako sa bakanteng upuan sa gilid ko.

“Joke nga lang hija, e. Ikaw talaga.” Natatawa niyang kumento. Gusto ko siyang kaltusan dahil sa panloloko niya sa ‘kin. Hindi ba niya alam takot ako sa multo? Kapag ako nahimatay.

“Your so funny talaga kuya, haha.” Tumawa ako ng fake, bwisit na driver na ‘to. Sarap kaltusan.

“Pero hija may kamukha ka nga?” Muli niyang saad habang nakatingin sa daan.

“Maganda po ba?” Natutuwa kong saad, nagbeautiful eyes pa 'ko.

“Hindi, e.” Napanguso ako sa sagot niya. Bwisit 'tong driver na ‘to, oo. “Kamukha ka ng kumpare kong namatay.”

Tsk. Ihahalintulad na nga lang sa kumpare pang patay. Malay koba kung pangit 'yon o gwapo.

“Si, si Pareng Recardo, sa pagkakaalala ko.” Natuon ang pansin ko sa sinabi niya. Recardo?

”Mabait ang taong ‘yon kaya lang nagtulak ng droga, ayun nahuli ng parak. Tapos pinapatay ng drug lord kahit nasa kamay ng police, takot sigurong ilaglag sila ni Pareng Recardo kaya pinapatay nala — ”

“Recardo? Recardo ang pangalan ng kumpare nyo?” Putol ko sa sinasabi niya.

“Oo, bakit?”

“Ano pong apelyido?” Kinakabahan kong tanong. Salubong ang kilay ko habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin.

“Ahm, teka lang iisipin ko. Matagal na kasing nangyari ‘yon, e.” Kumento niya, habang maingat na nagdadrive.

Recardo?

Recardo ang pangalan ng ama kong namayapa na, at katulad ng sinabi niya nagtulak si papa ng droga noon, pero pinatay siya. Ang sabi ni mama, pinapatay daw si papa dahil baka ilaglag ni papa ang mga kasamahan niya sa mga police.

“Ah oo naalala kona, Dionne ang apelyido. Bakit mo naman natanong hija?”





____






Alas-singko ng hapon dumiretso ako sa office ni Tandang Pions, sa mismong station nila. Nagtaxi ako papunta.

“Nariyan ba si Inspector Pions?” Tanong ko sa pulis na nasa bungad.

“Nariyan, may kailangan ka?” Nagsalubong ang kilay ko. Nahihimigan ko ng kayabangan sa tono ng pananalita niya. “Ayan logbook, ilista mo ‘yang pangalan mo at kung anong kailangan mo kay inspector.” Sinamaan niya ko ng tingin, sa tingin ko nasa mids 30 palang siya.

“Hindi moba ako kilala dito? Hindi ko gusto 'yang pananalita mo.” Halos umekes ang labi ko sa inis. Pagganyan may importante akong sasabihin kay Inspector Pions tapos haharangan ako ng isang bwisit na pulis? Baka gusto niyang makita ang kamalditahan ni Cooker Dionne?

“Hoy bata, baka ako ang hindi mo kilala.” Turan niya at tinuro ang sarili.

“Bata? Sinabihan mo ‘ko ng bata?” Pinanlakihan ko siya ng mata, sabay bagsak ng sling bag kong may laman na notebooks. Napapitlag siya sa gulat dahil sa ginawa ko, nag cause ba naman ito ng kalabog.

“Anong nangyayari diyan?” Napatingin kami sa kalalabas na lalaki, maliit at hindi kagwapuhan. Si Ra-iol.

“Cooker nariyan ka pala, kanina kapa tinatawagan ni Inspector Pions at Canyon hindi mo daw sinasagot?” Bungad ni Ra-iol. Tumingin siya sa desk ng lalaking kaharap ko, nagsalubong ang kilay niya sabay hingi ng paumanhin dito. 

“Sorry, Sir. Medyo bastos kasi itong batang ‘to — “

“BATA?” Salubong ang kilay na sigaw ko, lalong umiinit ang ulo ko kay Ra-iol. Tiningnan ko siya ng matalim.

“Sinong bata ang — “ Hindi kopa natatapos ang sasabihin ng takpan ni Ra-iol ang bibig ko. Bwisit ka talagang unano ka. Titirisin kita, e.

“Sorry Sir sa asal ng batang 'to, pero mabait din ‘yan. Inaanak ni Inspector Pions.” Paumanhin ni Ra-iol. Masama akong tinitigan ng lalaking nakaupo sa pwesto niya. Inirapan ko nga.

Hinila ako ni Ra-iol papasok bago binitawan ang bibig ko.

“Ang baho ng kamay mo.” Angal ko habang pinupunasan ang mukha, kung saan dumapo ang kamay niya.

“Sorry ikaw kasi, e. Bakit kasi kung sagot sagutin mo 'yung lalaki sa labas.” Naglalakad na kami sa pasilyo patungo sa opisina ni tanda. 

“E, sino ba kasi ‘yon? Saka ang daming eke-ekeng pinagagawa sa ‘kin, e. Gusto pang isulat ang pangalan ko? Ang dahilan ng pagbisita ko? Tsk.”

“Isa ‘yong inspector sa ibang station ng police.” Sagot niya.

“E, bakit nandito siya? Ngayon ko lang nakita ‘yon dito, a.”

“Hindi ko alam, may binisita lang yata.” 

Huminto kami sa pintong may plate name na Inspector Pions Almonte. Binukas ito ni Ra-iol at pinauna akong pumasok.

“Magbubunganga ‘yan dahil tinakasan mo si Canyon.” Bulong ni Ra-iol bago tuluyang sinara ang pinto.

Humarap ako sa desk ni Inspector Pions, nakita ko siyang binaba ang hawak na ballpen at binaling ang tingin sa ‘kin. Sanay na 'ko sa aura niyang madilim pa sa kili-kili niya. 

Siguro 'yung iba matatakot kung hindi nila kilala si Tandang Pions. Sa tagal kong kilala siya hindi na ‘ko takot sa madilim niyang aura, dahil alam kong pagsasabihan lang niya ko bilang isang ama sa ‘kin.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa bakanteng upuan sa harap ng desk niya.

“Cooker, binalita sa ‘kin ni Canyon na tinakasan mo daw siya?”

Umangat ang gilid ng labi ko. Bilis naman magsumbong non. “Hindi po, sa katunayan tinaguan ko lang siya at iniwan roon.” 

“Cooker!” Sigaw ni tanda habang hinihimas ang kanyang sintido. “Hindi kona alam ang gagawin sayong bata ka.”

“Bata? Inspector adult na ‘ko, adult! Isip bata lang.” Giit ko.

“Jusmeyo marimar. Masisiraan ako ng ulo.” Bulong niya sa sarili, pero narinig ko naman.






***

Note:

Pars ewarn kayow *irap* lepert lapert ng sters, e. Depa me cleck. (⁠ ⁠ꈨຶ⁠ ⁠˙̫̮⁠ ⁠ꈨຶ⁠ ⁠)
Makagets may gcash saken HAHA. ლ⁠(⁠´⁠ ⁠❥⁠ ⁠'⁠ლ⁠)

#abnormalmode

The Maldita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon