38: Complaint

233 6 0
                                    

COOKER

Hinatid ako ni Canyon sa apartment pero umalis din siya. Bahala siya sa buhay niya. Magpagamot siya mag-isa. Ang sama ng ugali.

Concerned lang naman ‘yung tao tapos maninigaw pa. Akala mo naman kung sino. Pwe. Bwisit. Fuck you ka sa ‘kin.

Nilabas ko ang phone sa bulsa, magsusumbong ako kay tanda. Akala niya, hah.

'You don't have enough load to —'

Naihagis ko ang phone sa sofa. Walang kwenta. Nakakabwisit. Wala akong load.

Ginulo ko ang buhok, naiinis ako. Three o’clock palang ng hapon, alas-nuwebe kami umalis kanina.

Dala ang wallet lumabas ako ng apartment. Diretso sa pila ng mga tricycle.

“Manong sa police station nga po.” Turan ko at sumakay sa loob ng tricycle niya.

“Anong gagawin mo don, hija?”

“Magpapakulong nakapatay ako.“ Minsan ‘yung bibig ko ‘diko mapigilan, lalo na kapag nabubwisit ako.

“Jusko maryosep. ‘Wag naman sana akong sumunod.”

“Talagang susunod kana kung ‘di mopa buhayin ‘yang makina at makaalis na tayo.” Inis kong saad.

“O-okay, eto na nga.” Tuliro niyang turan. Napailing ako. Ang daming uto-uto sa mundo. Swear.

Sumandal ako at pinikit ang mata. Ang sarap ng sariwang hangin tumatama sa balat ko. Walang polusyon. Just fresh air. Napadilat ako ng magflash sa utak ko ang mukha ni Canyon. Bakit ba nakikita ko ang mukha niya? Nakakainis hindi ko naman siya iniisip, e.

Umiling-iling ako at niliko nalang ang tingin sa labas. Nasa bayan na kami, naaamoy kona ang chooks to go. Ang bango.

Makalipas ang ilang minuto huminto na kami sa harap ng police station. Nagbayad ako sa driver bago pumasok sa loob.

Nakasalubong ko si Ra-iol, may hawak na papel. “Oy Cooker kaagang tulugan, a?” Sinuyod niya ako ng tingin, ulo hanggang paa saka tumawa. Anong nakakatawa sa suot ko? Normal naman magsuot ng pantulog na may design na unicorn? 

“E, kung ibaon kita ng buhay.” Inis kong saad. Feeling ko lumalangitngit ang bagang ko sa inis.

“Joke lang, hehe.” 

“Narito ba si Inspector Pions?” Tanong ko. Sasagot palang siya ng umirap ako at naglakad palayo.

Kakatok sana ako sa pinto ng office ni Tandang Pions ng makarinig ako ng usapan sa loob. 

“Talagang hindi sila tumitigil hangga't hindi nila makuha ang bata." Boses ni inspector. Ako ba ang pinag-uusapan nila? "Pag-igihan mo ang pagbabantay sa kaniya, Canyon. Malaki ang tiwala ko sayo dahil isa ka pinakamagaling sa PSPG."

Kumunot ang noo ko.

“Hindi ba mas maganda kung lumayo muna siya dito?” Sagot ng isa.

“Nasa isip kona ‘yan. Sa tingin ko nararapat nga iyon para hindi lumala ang sitwasyon.” 

Alam kong nasa panganib ako, pero hindi ko gustong lumayo.

Walang alinlangan binukas ko ang pinto at pumasok sa loob. Napatingin sila sa ‘kin. Ako naman ay nakataas ang kilay. So, dito pala dumiretso si Canyon? May benda na ‘yung braso niya. Tss. Nice.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Canyon na kinakunot noo ko.

“E, ikaw anong ginagawa mo dito?” Angil ko at umirap. Sino ba siya, duh?

“Ikaw ang tinatanong ko.”

“At sinasagot kita.”

“Tss. Hinatid na nga kita sa apartment tapos pupunta kapa dito? Alam mo bang mapanganib?”

“Wafakels, hindi naman ikaw ang pinunta ko.” Irap ko. Naiinis talaga ako sa kaniya. Gusto ko siyang ibaon sa lupa.

“Tsk, nasaan ang utak mo?”

“Nasa talampakan siguro.”

“Ang hirap mong kausap.” Turan niya. Nakaupo siya sa silya sa harap ng desk ni tanda.

“Dapat lang na mahirapan ka.”

“Bakit ba ang init ng ulo mo?”

“Sinong unang uminit ang ulo satin?” Tanong ko pabalik. ‘Yung mata ko nanlilisik na.

“Tss. Sorry okay?” Napairap ako. Sorry-sorry kapang Canyon ka. “Napagsalitan lang kita dahil nasa panganib na nga ang buhay mo ang ingay-ingay mo pa.”

“So kasalanan ko? Ganun?” Humalukipkip ako habang nakatayo. “For what I knew I’m just concerned pero anong ginawa mo, galit-galitan?”

Napansin ko si Inspector Pions na sumandal sa swivel chair niya. Chismoso din ang matandang 'to, e.

“I already said sorry. Ayoko lang mapahamak ka.”

“Mapahamak? Tanga mo, ikaw nga ang nasugatan tapos ako pa iniisip mo.” Naiinis parin ako.

“Cause you’re more important than my life.”

Napatigil ako. Hindi yata mag sink-in sa utak ko ang sinabi niya. Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya matapos niyang sabihin ‘yon. Parang 'di expected lalabas sa bibig niya.

“I mean, it’s my duty to protect you no matter what.” Dugtong niya at umiwas ng tingin.

“I don’t care. Nandito ako para magsumbong.”

“Kung about ‘yan sa dalawang rider nasabi kona.”

“Sorry ka dahil ikaw ang isusumbong ko?” Maarte kong saad, nilingon ko si Tandang Pions na ngayon ay kunot ang noo.

“Bakit ako?”

“Alangan ako?” Lumapit ako sa desk ni tanda at umupo sa bakanteng silya sa harap ni Canyon.

Inirapan ko muna siya bago tumingin kay tanda. “Isusumbong ko ‘yang si Bayug, inspector.”

“Bayug?"

“Si Canyon sino paba, duh?” Maarte kong saad.

“Ano bang sasabihin mo?”

“Kasi inspector naiinis ako diyan, e.” Sinamaan ko ng tingin si Canyon bago magpatuloy magsalita. Nakatitig lang siya sa ‘kin na parang ewan.

“Bigla-bigla nalang akong sinisigawan wala naman akong maling ginawa? Isa pa concerned lang ako dahil nabaril siya tapos sisigawan ako? Hindi naman tama ‘yon, diba? Sinong hindi maiinis sa ganun asal? Lagi nalang ganun, e. Tuwing nasa bingit kami ng kamatayan lagi nalang akong sinisigawan, laging galit. Akala mo naman tatay ko. Pagsabihin mo ‘yan inspector kundi ibabaon ko ‘yan sa lupa. Naiinis ako diyan.”

“Okay hija, huminga ka.” Kumunot ang noo ko, hindi naman tumatawa si inspector pero bakit parang nakakatawa ang sinabi niya?

“Pagsasabihan ko, okay?” Tumingin siya kay Canyon. Parang gusto kong manapak bigla, bakit nakangisi ang Canyon na ‘to? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

“Hangga’t hindi kayo nagkakaayos hindi kayo lalabas sa opisina ko. Naiintindihan ninyo?” Turan niya at kinuha ang susi sa desk niya.

“Nakalock ang pinto, nasa ‘kin ang susi.” Niwagayway niya ito at sinara ang pinto. Narinig namin ang pagclick ng lock.

“Kasalanan mo.” Inis kong saad. Ngumisa lang siya sa ‘kin at sumandal sa silya.

Tsk.






***

Note:

Thank u for reading. ♡⁠(⁠>⁠ ⁠ਊ⁠ ⁠<⁠)⁠♡ Love lots. Wala na ‘kong masabi kaya ‘yan nalang. HAHA. (⁠人⁠ ⁠•͈⁠ᴗ⁠•͈⁠)

The Maldita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon