CANYON
Matapos ihatid si Cooker at Ra-iol, kami ni Inspector Pions dumiretso sa bahay niya. Nakapark ‘yung sasakyan ko dito.
“Tara muna sa loob.” Pag-aya niya. Tumango ako at sumunod.
Sumalubong samin ang tahol ng aso niya. Alas-kuwatro palang ng hapon. Mukhang mabait naman ang aso dahil inamoy lang ako tapos hindi na tumahol. Samantalang si Cooker gustong lapain, mukha kasing buto.
Umupo ako sa kahoy na sofa habang siya nagtimpla ng kape. Wala si Mrs. Florie, sabi niya namalengke ito at baka napakwento narin sa kumare niya.
Lahat ng gamit nila antique, mula upuan hanggang sa kagamitan. Ang weird lang, hindi na uso 'yung ganito, e. Sa wall may mga nakasabit na lumang litrato, kupas pa ‘yung iba.
“Magkape ka muna.” Inangat ko ang tingin kay inspector, inabot niya sa ‘kin ang tasa ng kape at umupo sa single chair.
“Salamat po.” Magalang kong sagot.
“May gusto sanang akong ipakiusap sayo.”
Humigop ako ng kape at tumango. “Ano po ‘yon?”
Bumuntong hininga siya, binaba ang kape sa lamesita. Wala akong ideya kung anong sasabihin niya, siguro tungkol sa kanina?
“Kumikilos na sila.”
Kumunot ang noo ko. Tinitigan ko siya, parang kay lalim ng iniisip niya. Ang hirap niyang basahin.
“Ano pong ibig ninyong sabihin?” Tanong ko, naguguluhan.
“Matapos nilang patayin ang ama ni Cooker, ngayon gusto nilang isunod ang bata.”
Nagulahan ako sa sinabi niya. Gustong isunod si Cooker? Anong ibig niyang sabihin? Kilala ba niya ang pumatay sa ama ni Cooker?
“Ano pong ibig ninyong sabihin?” Ito kasing si tanda pabitin. "Kilala nyo ba ang pumatay sa ama niya?"
Hindi siya nagsalita. Napatulala siya na parang kay lalim ng iniisip. Anong tinatago mo Inspector Pions?
“Pwede ka bang lumipat muna ng tirahan kay Cooker?”
Tumingin siya sa 'kin, wala akong mabasa sa mga mata niya. Masasabi kong magaling siyang magtago.
“Baka nasa pintuan palang ako binabato na ‘ko ng sandok, inspector.” Sagot ko at tumawa. Malabong gustuhin ng babaeng 'yon magpatira ng ibang tao, lalo pa't lalaki.
“Payag ka?”
“Inspector, bakit sa ‘kin mo tinatanong? Nakaassigned ako para bantayan siya, trabaho ko ‘yon bilang PSPG, kahit doon ako tumira walang problema sa ‘kin.” Saad ko. Humigop ako ng kape bago tumingin sa kaniya.
“Siya po ang tanungin ninyo.” Dugtong ko. Walang problema sa ‘king may kasamang babae, baka siya may problema kapag may kasamang lalaki.
“Gagawan ko ng paraan para pumayag siya. Basta igayak mo ‘yang gamit mo para kapag tinawagan kita, makakalipat kana sa kaniya.”
-------
“Puta. Babae kaba?” Lintanya ko pag-apak palang sa loob ng apartment niya.
Wala siyang nagawa kundi pumayag dahil kinausap siya ni Inspector Pions. Kahit labag sa kalooban niyang tumira ako dito.
“Bobo ka Canyon? Nakikita mong may dalawa akong bundok diba?” Sagot niya at umirap sa ‘kin. Kanina pa highblood magmula dumating ako.
Tiningnan ko siya, nakaupo siya sa sofa. Bumaba ang tingin ko sa dalawa niyang hinaharap at napangisi. “Ah ganun ba? Akala ko siomai, e.”
“Aba’t gago ka, a!” Tumayo siya sa upuan at gigil na lumapit sa ‘kin.
“Ipapahawak mo ba?” Pang-asar ko. Kulang nalang mangamatis ang mukha niya sa inis.
“Fuck you!” Himutok niya at nagmartsa palayo.
“Let’s fuck!” Bulong ko habang natatawa. Minsan masarap asarin ang babaeng ‘to. Pikon. Nagtungo siya sa kuwarto niya at binagsak ang pinto.
Isa lang ang kuwarto sa apartment, maliit na living room at kitchen. Mapapatanong ka talaga kung babae siya, dahil putik. Ang kalat.
Sa kitchen ang daming hugasin, sa sofa halos naroon ang gamit niya, suklay, bag, lotion, pati ‘yung bra nakakalat sa sofa, kung ‘di pa ako dumating hindi pa niya aalisin.
Kinahapunan sabay kaming kumakain. Nang makahanap ng tiyempo nagsalita ako.
“Gumawa ako ng scheduled para sa cleaning at pagluluto.” Inangat ko ang tingin sa kaniya. Pero ang lintik, ang talim ng tingin sa ‘kin.
“Pumayag ba ako?”
“Sa ayaw at sa gusto mo.” Tinaas-baba ko ang kilay.
“Sayong apartment ‘to?”
“Hindi.”
“E, ba’t kung mag-decide ka kala mo ikaw may ari.”
“Ikaw nagbabayad?” Pambara ko.
“Hindi.”
“So quits.”
“Hala! Line ko ‘yan, ah? Bumigay kana ba?” Gumuhit ang ngisi sa kaniyang labi.
“Sinasabi mo bang bakla ako? Gusto mo kiss?” Ngumisi ako, nilapit ko ang mukha kahit may pagitan kaming lamesa.
“Mga dahilan mo Canyon, pa-obvious ka rin, noh? Umamin kana kasing may gusto ka sa ‘kin.”
Kumunot ang noo ko. Lakas din mangarap ng babaeng ‘to. Napailing ako. Ngumiti siya ng kay lapad at kukurap-kurap na akala mo napuwing.
“Basta ang toka mo sa gawain bahay ay sabado, linggo, lunes. At ako naman miyerkules, webes at biyernes.” Bago pa siya makapagsalita sinalpakan ko ng karne ang bibig niya.
“Hindi ka pwedeng kumontra. ‘Yun ang usapan.” Dugtong ko. Niligpit ko ang kinainan ko at nilagay sa sink.
“Sabado ngayon, start mona.” Nginitian ko siya at nagtungo sa sofa.
Natawa ako ng marinig ang malutong niyang mura.
Tsk.
Kahit anong gawin mo wala kang magagawa.
***
Note:
Feedback naman kayo diyan kung anong say nyo about dito. (✯ᴗ✯)
Kinakamote nako. Huhu.
BINABASA MO ANG
The Maldita
Misteri / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...