COOKER
Wow.
Putik ang laki ng bahay nila. Kararating lang namin, sa labas lang niya pinarada ang sasakyan dahil puno sa garahe nila tapos dito sa labas may mga sasakyan pa. Lahat yata ng kamag-anak nila narito.
“Ano tara na?”
Umangat ang tingin ko kay Canyon. Nakatitig siya sa ‘kin na kinakunot noo ko. “Ganda ko noh? Go lang! Titig ka lang, feel free.” Tinaas-baba ko ang kilay.
Napa-tsk siya. “Ang yabang mo.”
“Ang ganda mo, that’s the correct term, Canyon.” Pagtatama ko. Kumindat pa ‘ko dahilan ng pagsirko ng kilay niya.
Six o'clock na ng gabi, pero maliwanag dito sa labas dahil sa mga streetlights. Nasa isang village kami na puro mayayaman ang nakatira. Ngayon, nasagot na ang katanungan ko kung bakit ang ganda ng kutis ni Canyon, dahil anak mayaman siya.
“Hey cuz, what’s up?”
Napatingin kami sa lalaking bumati kay Canyon. Nakasuot ito ng faded pants at black jacket na may hood. Simple lang ang ayos niya pero may dating, matangkad at malaki ang katawan. May itsura din.
“Hey, kailan kapa nakauwi?” Tanong ni Canyon at nakipag-apir dito.
“Last night lang, by the way how are you? And who is she?“ Nginuso ako ng lalaki, nasa likod ako ni Canyon at nakatingin lang sa kanila. Tumingin sa ‘kin si Canyon at hinapit ako sa bewang, muntik pa akong masubsob sa matigas niyang dibdib. Bwisit.
“She’s my girl.”
“Really? Hindi ba ‘yan isa sa mga kabit mo?” Makahulugan nitong sagot na kinakunot noo ko.
Kabit?
Si Canyon maraming kabit?
“Excuse me? Sabi mo maraming kabit?” Tanong ko.
Tumango sa ‘kin ‘yung lalaki. “Yes miss, hindi na mabilang kung sino ang tunay niyang girlfriend.”
What the.
Ibig sabihin, babaero si Canyon? Takteng ‘yan. Kung ako man ang tunay niyang girlfriend malamang sa alamang nakipaghiwalay na ‘ko sa kaniya.
“Tumigil ka nga. Paduduguin ko ‘yang ilong mo.” Sita ni Canyon na lumalangitngit ang leeg.
“Sorry cuz, nagsasabi lang ng totoo.” Taas kamay na sagot nito. Tumingin siya sa ‘kin at ngumiti. “By the way I’m Jack, and you are?”
“Cooker.”
“Nice meeting you, Cooker, and by the way you’re so gorgeous.” Kumindat pa siya bago umalis. Nang mawala na ‘yung Jack sa paningin ko, inalis ko ang kamay ni Canyon sa bewang ko. Tyansing, e. Aba. Swerte niya kung lagi niyang hahawakan ang maganda kong katawan.
“Tsk, tsk. Babaero ka pala, ha?” Napapailing kong saad.
“Selos ka?” Nangisi niyang kumento.
“Hindi, ah, ang pangit mo kaya, mas gwapo pa ‘yung pinsan mong si Jack.”
“So, type mo ang pinsan ko?”
“Very light.” Minustra kopa ang daliri kung gaano ka light ang pagkagusto ko.
“Alam mo, ‘wag ka ng umasa. Dahil hindi ka mapupunta sa kaniya, hangga’t narito ‘ko, akin ka.”
“Anong sayo. Nagpapanggap lang — ” Tinakpan niya ang bibig ko ng may lumapit samin magandang babae.
“Why are you two still outside?”
Putik! Bakit ang ganda ng boses niya? Hindi makabasag pinggan. Nang lingunin ko ang babae, napatulala ako. Ang ganda niya. Nakasuot siya ng floral dress na hanggang talampakan tapos kulot ang dulo ng kaniyang buhok. Ang kinis ng kaniyang mukha, ang tangos din ng ilong niya na bumagay sa maganda niyang mga mata. Nainsecure yata ako.
“Papasok narin, Mom.”
Mom?
Inangat ko ang tingin kay Canyon “Mama mo?”
Parang ‘di yata ako makapaniwala?
“Yes, I’m his mother.” Nakangiting turan ng babae sa ‘kin.
“Anak niyo po ito?” Turo ko kay Canyon. Tumango muli sa ‘kin ‘yung magandang babae at ngumiti. “Hindi po ako naniniwala ang ganda nyo po kasi, para kayong dalaga. I mean, parang magkasing edad lang kayo.”
“Thank you for your compliment, but anak ko talaga siya. And you’re so gorgeous hija.”
“Ay, thank you po.” Turan ko naman. Hihihi! Ang ganda ko daw.
“So, ikaw ba ang girlfriend ng anak ko?”
“Ah, opo.” Nagpapanggap lang kami.
“Mabuti naman Bayug at nagseryoso kana sa babae?” Muntik na ‘kong matawa sa sinabi ng mommy niya. Bayug? Muntik nang maging bayag?
“Mom!” Pinanlakihan ng mata ni Bayug ang mommy niya.
“Halina kayo at pumasok na tayo sa loob, maya-maya lang din nariyan na ang grandparents mo.” Utos ng mommy niya at hinila kami sa loob.
“Bayug pala, a.” Bulong ko.
“Tsk. Shut up. And don’t smile, hindi ako natutuwa.”
“Okay Bayag este Bayug, tatahimik na.” Pero hindi ko mapigilan matawa.
Pumasok na kami sa loob, sa living room nila bumungad ang mga tita at tito niya. Natahimik ang maingay sa kwentuhan ng mga ito ng mapansin kami.
“Sino ‘yang kasama mo? Canyon? Hindi ba’t family dinner ‘to?” Mataray na saad ng isang babae, nakasuot ito ng above the knee dress at kasing kapal ng espasol ang makeup. Isama pa ang labi niyang hugis duck.
“I know.” Sagot ni Canyon. ‘Yung babae namang espasol kung tingnan ako ulo hanggang paa para akong hinuhubaran.
“Then, who is she? She's not are family members.”
“She’s my girlfriend and soon to be my wife, she’s belong with me, my family also her family.”
Wow, taray ni Bayug. Sumasagot.
“Tsk.” Bulong ng tita niya at naglakad na palayo. Kita ko ang inis sa mga mata nito.
Hinila na ‘ko ni Bayug palayo sa sala. Nagtungo kami sa second floor ng bahay.
“Anong gagawin natin dito, Bayug?” Tanong ko. Diretso kami sa dulong pasilyo.
“Don’t call me, Bayug.” May pagkairita niyang saad.
“Bakit? E, Bayug nga tinawag ng mommy mo sayo.” Ngumisi ako.
“Stop that.” Huminto kami. Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin.
“Bayug.” Pinigilan kong humalakhak. Biglang tumalim ang tingin niya sa ‘kin.
“Bayug.”
“Isa pa.” Banta niya.
“Bayug.”
Pinalagitik niya ang dila. Konti nalang mananapak na siya. “Isa pa, Cooker?” Banta niya.
“Bayug! Bayug! Bayug! Ba — “
Nahinto ang sasabihin ko ng bigla niya akong isandal sa pader, kinulong niya ako sa pagitan ng kaniyang bisig. Nakaramdam ako ng pagkislot sa puso ng magsalubong ang mata namin. Diretso siyang nakatingin sa ‘kin, hindi ko maintindihan kung bakit may kakaiba akong nakikita sa mga mata niya.
Kitang-kita ko ang paggalaw ng kaniyang adam’s apple. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Nakaramdam ako ng kakaiba, anong klaseng tingin 'yan, Canyon? Napalunok ako ng laway.
Gusto ba niya akong halikan?
Omg, Cooker. Magkataon man mawawala ang first kiss mo. At bakit kasi kakaiba siya tumingin?
“Oh! God, Son! Bakit diyan pa talaga kayo gumagawa ng kababalaghan.”
Nang marinig namin ang boses ng isang lalaki, napalayo sa ‘kin si Canyon. Ako naman ay namula ang mukha.
Shit. Shit.
Nakakahiya.
***
Note:
Thank you for reading. Vote if you want.
Thanks (~ ̄³ ̄)~
BINABASA MO ANG
The Maldita
Mystery / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...