COOKER
“Done, you look fabulous girl, ikot ka dali!” Utos ng nagmakeup sa ‘kin, si baklang pulboron ang mukha. Nakaharap ako sa salamin, kasama ang dalawang bakla. Tuwang-tuwa sila sa kinalabasan ng itsura ko.
“Ang ganda-ganda mo, how to be you po?” Saad ni bakla, ‘yung mahaba ang buhok. Ang kikay niya, swear. Arte pa.
Umikot ako. Hindi ko maipaliwanag ang itsura ko sa salamin, I mean, ngayon ko lang nakita ang itsura ko na ganito ka ayos, mukha akong mayaman.
Naka cocktail dress ako na beige ang kulay at backless ang likod. Kulot ang dulo ng mahaba kong buhok at bumagay naman ito sa ‘kin. Light lang ang makeup pero maganda. Nilagyan din nila ako ng hikaw at bracelet. Suot ko ang 4inch na heels, beige din ang kulay.
“Ang ganda mo talaga, siguradong maiinlove lalo sayo si sir.” Kilig na kumento ni bakla. Tss. Kung alam lang nila na matagal ng patay na patay sa 'kin 'yun.
“Diba, sabi ko naman sayo bagay sa kaniya ang beige dahil maputi naman siya. Tingnan mo kinalabasan bongga.” Saad ni long hair at tumalon-talon pa.
Tinitigan ko ang sarili sa harap ng salamin, above the knee ang suot kong dress kaya kita ang legs ko.
“Sige na, labas kana ‘te. Baka hinihintay kana ng boyfriend mo.”
“Hindi ba nakakahiya?” Tanong ko. Hindi kasi ako sanay ng ganito? Naninibago ako. Pero hilig kong bumili ng dress?
“Bakit ka naman mahihiya? May ganda kang taglay ‘te, dapat taas paa.”
“Gaga, taas noo ‘yon.” Pagtatama ng mahaba ang buhok sabay batok sa kasama. “Saka boyfriend mo naman ‘yon, huwag na mahiya.”
Napabuga ako ng hangin. May point sila. Maldita ako. Wala akong hiya.
Binukas na ni bakla ang pinto para sa ‘kin. Nginuso naman ako ng isa na lumabas na. Tsk. Sige. Hayaan ko nalang makita ni Canyon ang kagandahan ko.
Naglakad na ‘ko palabas. Naroon si Canyon, nakaupo sa sofa at busy sa cellphone. Kinalabit ako ng dalawang bakla, sinenyas nilang papasok na sila sa loob. Nang mawala ang bakla kaming dalawa nalang ni Canyon ang narito sa waiting area.
Nakasuot si Canyon ng black polo at black pants, nakaterno sa white na sapatos. Ang pogi niya sa suot niya. Iba talaga kapag matangkad, kahit anong isuot bagay.
“Ehem.” Tawag ko sa atensyon ng isang busy.
Umangat ang tingin niya at hinagod ako ulo hanggang paa. Ang weird ng pakiramdam, feeling ko tinitingnan niya ang buong pagkatao ko. Pati budhi ko. Tinaas niya ang tingin sa 'kin, tapos tumitig. Gandang-ganda 'to. Sige lang Canyon, mainlove ka lang.
“Naging tao kana?”
Kumunot ang noo ko. Imbes na matuwa parang uminit ang ulo ko?
“Tsk. Hindi ka manlang marunong pumuri.” Giit ko, naiinis na parang gusto kong isampal ang heels sa mukha niya.
Tumayo siya at lumapit sa ‘kin habang may ngisi sa labi. “Means lang non ang ganda mo.”
Bwisit na ‘to. Bigla tuloy uminit pisngi ko, ‘wag kang ngingiti Cooker. Please lang. Huwag mong ilalag ang vagina mo.
“Kinilig ka? Tss.” Lalong lamawak ang ngiti niya. Gusto ko tuloy manapak. Bakit ba naiinis ako kapag nakangiti siya. Bwisit.
“Tara na.” Kumindat pa siya at inaya na 'kong lumabas. Sabay kaming naglalakad, nasa mall kami, dito niya ako dinala para paayusan, para hindi daw ako haggard pagpunta sa kanila.
May ilan napapatingin sa gawi namin, hindi ko alam kung dahil ba sa ayos ko? O dahil kasama ko si Canyon?
Siguro dahil sa 'kin, ang ganda ko kasi. Si Canyon naman, nagmumukha lang gwapo dahil kasama ako.
Malapit na kami sa escalator ng biglang may humila sa braso ko. Pag-angat ko ng tingin, kumunot ang noo ko.
“Cooker?” Saad nito. Sinalubong ko ang tingin niya. Malalim ang hininga niya, tapos ang weird ng tingin niya, parang nakakita ng diyosang kay ganda. Syempre ako 'yon.
“Sabi na nga ba ikaw ‘yan, ang ganda mo, halos hindi kita nakilala. Mabuti nalang nakilala ko itong kasama mo.”
Tiningnan niya sandali si Canyon at binalik din sa ‘kin. Mabuti pa si Hook marunong makakita ng ganda, hindi tulad ng isa diyan.
“Ano palang ginagawa mo dito?” Tanong ko.
“Tsk! ‘Di ba obvious? Sumusunod siya sayo." Singit ni Canyon.
“Actually nakipagmeet ako sa old friends ko.” Saad nito at masamang tingin ang pinukol kay Canyon.
“May, lakad yata ikaw?” Medyo hindi niya siguradong tanong.
“Ahm oo pupun — “
“Kasama ko siya.” Putol ni Canyon sa ‘kin. “Kung wala kanang sasabihin, excuse us, late na kami.”
Bago pa ako makasagot kinaladkad na ‘ko ni Canyon pababa sa escalator. Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya hanggang sa makalabas sa mall, nasa sasakyan na kami ng magsalita siya.
“Itakip mo sa legs mo.” Utos niya, may inabot siya sa ‘kin black jacket. Kinuha ko naman ito at tinakip sa legs ko.
“Naaasiwa ka?” Mapanukso kong saad.
“No. Baka hindi ka sanay na ganyan ang suot.”
Tss. Hindi nalang ako umimik. Nagsusuot naman ako ng dress, hindi nga lang madalas. Kapag may very important occasion lang.
“Natahimik ka?”
Napatingin ako sa kaniya. Bigla naman akong nakaisip ng kalokohan. “Ahm, hindi naman. Iniisip ko lang kung anong magiging impression sa ‘kin ng parents in law ko.”
Narinig ko ang mahina niyang pag tsk. Nakabusangot ang mukha niya habang nagdadrive.
“Ngingiti na ‘yan.” Panghihikayat ko. Binalandra ko ang mukha malapit sa kaniya at nag makeface. Ginagaya ko ang mga emojis.
"Kunwari pa, ayieeh. Ngingiti na 'yan." Natawa ako dahil nangingiti na siya, pinipigilan lang.
"Bibigay na 'yan."
“Shut up.” Inis niyang saad pero natatawa. 'Yung tenga niya namumula. 'Di ko tuloy mapigilang humalakhak. Tss. “Kilig ka?” Pang-asar ko, nakangisi.
“Fuck you ka sa 'kin, Cooker.” Nakangiti niyang saad, hindi narin niya mapigilan matawa.
“Stop the car, Canyon.”
“Why?” Taka niyang tanong, tumingin pa sa ‘kin.
“Let’s fuck.” Hindi ko maalis ang ngiti sa labi, nang-aasar lang naman ako.
Hindi siya kumurap, dinadigest yata ang sinabi ko. Binalik niya ang tingin sa daan, tapos bigla siyang naging seryoso. “Wait lang, Cooker.”
Hah? Dahan-dahan na ang andar sa sasakyan tapos hininto niya sa gilid.
“Okay na dito.” Tumingin siya sa ‘kin at ngumisi. “Let’s fuck, Cooker.”
Nanlaki ang mata ko.
What the fuck.
Seryoso ba siya?
“Nagbibiro lang ako Canyon. ‘Wag ka ngang ano diyan.” Inirapan ko siya at humalukipkip. Tumingin ako sa labas ng bintana.
“Nasan na ang tapang mo, Cooker?” Nang-aasar niyang sagot. Gusto ko tuloy siyang sapakin.
“Shut up!”
Tumawa siya ng mahinhin. ‘Yung parang nang-aasar na ewan?
“Don’t ever say that again, Cooker.” Pinaandar na niya ang makina. Tumingin siya sa ‘kin, at ang seryoso niya. Para siyang kakain ng buhay na tao? “I swear baka magawan kita ng anak.”
***
To be continued.
BINABASA MO ANG
The Maldita
Mystery / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...