COOKER
“Natatae na ‘ko ano ba! Pataihin nyo naman ako sa maayos na cr! Please lang! Dito na nga ako umiihi ayaw nyo pa akong pataihin!” Nanggagalaiti kong sigaw. Taeng-tae na ‘ko pero ang mga putik parang walang naririnig.
“Ano ba kapag dito ako tumae babaho tayong lahat!” Kinuyom ko ang kamao. Nakaupo parin ako at nakatali. “Wala ba talagang balak manlang akong pataihin? Takte naman! Ang wawalangya ninyo! Natatae na ‘yung tao! Ano ba pataihin nyo na 'ko lalabas na ang tae ko buti sana kung may cr dito!” Paghimutok ko kasabay ng pag bukas ng pinto. Mabuti naman. Pumasok ‘yung lalaking Jacob, bwisit bakit siya pa? Nakasuot siya ng itim na damit at may baril sa tagiliran.
“Alam mo nakakatulig ang boses mo, masakit sa tenga, nakakairita.” Salubong ang kilay niya, halatang pinipigilan niyang magtaas ng boses.
“Natatae nga kasi ako, pataihin nyo kasi ako.” Irita kong saad. Umigting ang panga niya at hinimas ang baba.
“Tumae ka diyan ang laki ng space oh?” Tinuro niya ang bawat sulok ng kuwartong kinalalagyan ko.
Nagsalubong ang kilay ko, nabubwisit na 'ko sa kaniya. “Mapanghi na dahil dito ako naihi gusto mong dito rin ako tumae? Nagbibiro ka, diba? Gusto mobang bumaho ang lugar na ‘to?”
“Pataihin mona pare siguradong sobrang baho ng tae niyan.” Kumento ng lalaking kapapasok. Tinapik ang balikat nung Jacob at lumabas din agad.
“Tumayo kana diyan at sumunod sa ‘kin!” Pagalit niyang utos. Tatalikod na siya ng magsalita ako.
“Paano akong makakalakad kung nakatali ang paa ko? Ano tatalon-talon ako na parang palaka?” Taas ang kilay ko na parang ako ang boss. Takte Cooker umayos ka kung ayaw mong magahasa.
“Tsk.” Asik niya at lumapit sa ‘kin. “Subukan mong tumakas at babarilin kita.” Banta niya.
Napairap ako. Para namang magagawa kong makatakas sa dami nila. Duh?
Kinalag niya ang tali sa paa ko. Mainam naman dahil meron na ‘kong pasa doon sa higpit nilang magtali.
“Oh ayan, tumayo kana at sumunod.” Utos niya. Tumayo na siya at hinintay ako. Hinilot ko muna ang pinag-alisan ng tali dahil masakit pa. Ilang araw naba ako ditong nakatali? “Ano, tatae kaba o hindi!” Sigaw niya.
“Eto na nga.” Tumayo na ‘ko at sumunod sa kaniya. Nakatali pari ang kamay ko pero okay lang nasa harap ko naman at hindi sa likod.
Paglabas ko sa kuwartong ‘yon nasilayan ko ang liwanag. Malaking espasyo ang bumungad sa ‘kin, parang court ng basketball sa barangay, walang pader ang humaharang kaya kita ang maluwang na lupain. Marami ding puno ang nakapaligid. Nang iikot ko ang tingin may dalawang kuwarto pa ang katabi ng pinaglabasan ko, siguro doon natutulog ‘yung iba sa kanila.
“Ano naghahanap ka ng tatakasan mo?” Puna sa ‘kin ni Jacob. Magkasabay kaming naglalakad at talagang binabantayan niya ako. “Alam mo hindi ka makakalabas dito. Malampasan mo man ang mapunong bahagi nito mararating mo naman ang nagtataasang pader na maraming bantay, kaya wala kang takas.”
Tss. Napairap ako, daming sinasabi.
“Sa inyo palang hindi na ‘ko makakatas. Tingnan mo mga kasamahan mo, bawat sulok ng bahagi na ‘to may tao. Saan ako tatakbo para makatakas? Isa pa, ayokong mabaril at wala akong balak.” Sagot ko.
“Good. Narito na tayo dalian mong tumae tandaan mo nakabantay ako sa labas.”
Umikot ang bilog ng mata ko. Nasa tagiliran ang cr at hindi pa ako nakakapasok mabahong amoy agad ang bumungad kasama narin ang sigarilyo. Hindi ako humiga at pumasok na, nanlilimahid ang bowl at naninilaw, hindi ba sila marunong maglinis? Nandidiri man tumae parin ako. Ayokong matae sa salawal. Maliit lang ang cr, hallowblock ang pader at yero ang bubong, may timba sa loob at tabo meron ding gripo.
Matapos kong tumae sumilip ako sa maliit na butas, mapuno ang likod ng cr, nagtataasang puno. Walang bantay sa side na ito pero meron sa pinakagilid. Kapag tumakbo ako agad din akong mapapansin.
“Lumabas kana kanina kapa diyan.” Si Jacob, kinakatok narin ang pinto. Anong gagawin ko para makatakas sa lugar na ‘to? Maliligtas ba ako nila inspector? Baka hindi nila alam kung nasaan lugar ako?
“Bubuksan kona ‘to kapag hindi kapa lumabas.” Naikuyom ko ang kamao. Binuksan ko ang pinto at lumabas.
“Apurang-apura ka naman.” Singhal ko.
“Puta ang baho ng tae mo, tara na.” Napatakip siya ng ilong at kinampay ang kamay. Niliko ko ang tingin sa loob ng cr, medyo mahabo nga pero para sa ‘kin mabango naman.
Pabalik na kami sa kuwarto nang may dalawang itim na van ang dumating. Lahat ng nagbabantay sa lugar na ‘to biglang tumindig. Nagtayuan at biglang naging alerto.
“Tss, nariyan na siya.” Bulong nung Jacob. Sinong siya? Tinulak niya ako papasok sa loob kung saan ako nakastay, muli niyang tinali ang paa ko. Napangiwi ako ng madanggis niya ang pasa ko doon. Tinulak niya ako paupo sa karton.
“Diyan kana.” Nang tatalikod na siya sa ‘kin nagsalita ako.
“Teka, sino ‘yon? Sino ‘yung dumating?” Tanong ko.
“Boss namin kaya tumahimik ka diyan.” Naglakad na siya palabas at sinara ang pinto.
Boss? Sino ang boss nila? ‘Yun ba ang nagpadukot sa ‘kin? ‘Yun din ba ang sinasabi nila Betchay?
***
Note:
Salamat sa pagbabasa ♡(˃͈ દ ˂͈ ༶ ) malapit na itong matapos. :-D Vote kung gusto kung ayaw okay lang. HAHA. ^_________^ Ipapakulam ko nalang, charot. ┏(^0^)┛
BINABASA MO ANG
The Maldita
Mystery / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...