COOKER
Nasa labas na kami, sa mismong field ng university. Maraming police ang nagkalat dahil sa bomb threat na nangyari.
Ang dean ng university nag declared na maagang idismissed ang klase, kaya ang natira kami at mga teachers. Nalaman ding hindi totoo ang bomba kundi pakana lang. Ngayon nasa presinto narin ang tatlong lalaki, nakakulong. Siguradong makakatulong ang tatlo sa kaso ni papa.
“Masakit pa 'yang sikmura mo?” Napatingin ako kay Canyon, nakasandal siya sa pinto ng ambulansiya. Habang ako kaupo sa loob, binigyan ako ng cold compress para sa sikmura ko. Ganun din si Hook na katapat ko ngayon.
“Medyo.” Sagot ko. May kirot pa 'kong nararamdaman.
Tumingin ako sa ibang direksyon, nag-iimbestiga parin ang ilang police sa university. May nagtutulak sa 'kin na puntahan ang tatlong lalaki. Gusto kong malaman kung sino sila? Kung sino ang kanilang boss? Kaya lang ayaw ni Inspector Pions, magpahinga muna daw ako.
“Sa tingin ko hindi ka okay.” Bulong ni Canyon, nakasandal at nakahalukipkip.
“Paano mo nasabi?”
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. “Sinasabi ng mga mata mo.”
Huh? Kumunot ang noo ko. Hindi ko yata na gets ‘yon? Sinasabi ng mata ko? Nagsasalita ba ang mata ko? Tss. Napailing nalang ako. Minsan 'yung utak ni Canyon nasa ibaba.
Napatingin ako kay Hook na nakatingin din pala sa ‘kin. Magkatapat kami sa loob ng ambulansiya. Ano bang problema ng Hook na 'to? Iniwas ko ang tingin sa kaniya.
Tumingin ako sa labas at pinanood ang mga taong daanan ng daanan.
“Cooker.”
Leche. Bakit ba kapag tinatawag ako ng seryoso nagtatayuan ang balahibo ko? Binalik ko ang tingin sa kaniya.
“Are you okay?” Tanong niya.
“Oo, ikaw? Okay ka lang ba?”
“Much better now.” Ngumiti siya. Ngiti ng isang kaibigan. “Sino pala ang mga lalaking ‘yon? Bakit ka nila gustong kuhanin?”
Sa totoo lang, hindi ko din alam, Hook. Gusto kong sabihin pero minabuti kong itikom nalang ang bibig. Nagkibit balikat nalang ako sa kaniya.
“Kung may panganib palang banta sayo, dapat siguro lagi kitang bantayan.”
Parang nagloading ang sinabi niya. Hindi ko agad na gets. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakaawang ang labi. Sa itsura niya, seryoso siya, walang pagbibiro.
“Hindi na kailangan, Hook. Kaya nga narito ako para sa kaniya.” Nabaling ang tingin ko kay Canyon, salubong ang kilay habang diretso ang tingin kay Hook. At kailan pa siya nakikinig sa usapan namin?
“Late ka ngang dumating kanina, diba?”
“Dahil hindi ako makasingit sa mga studyanteng palabas ng building." May diing pagkasabi ni Canyon.
“Kahit na, dapat lagi kang aware.”
“Ano bang alam mo?” Tanong ni Canyon, seryoso at humarap na talaga samin. “Ikaw ang magtatanggol sa kaniya? E, hindi mo nga maprotektahan ang sarili mo?”
Ang talim ng tingin niya kay Hook.
“Okay, tama na 'yan.” Saad ko at tiningnan ng masama si Canyon, makuha ka sa tingin.
“Pasensya na — “
“Nagseselos kaba?” Naputol ang sasabihin ko dahil sa bwelta ni Hook. Nakangisi.
BINABASA MO ANG
The Maldita
Misteri / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...