CANYON
Napahilot ako sa sentido habang ang tingin nasa daan, ang kanang kamay nakahawak sa manibela.
Nasa bayan na kami at ang traffic. Lintik. Maraming mga salu-salubong na sasakyan. Hindi ko expect na ganito pala kapag fiesta. ‘Yung kalsada maraming banderitas. Iba't ibang kulay.
Bawat tingin ko sa sidewalk maraming taong naglalakad, nanay na may karga at may akay pang bata. May mga nag-iinuman din sa gilid. At mga batang takbo ng takbo. Parang wala lang sa kanila ang init ng panahon.
“Canyon, Canyon.” Napatingin ako kay Cooker ng kalabitin ako. Nakatingin siya sa labas at malaki ang ngiti sa mukha. Enjoy na enjoy sa nakikita. Tsk.
“Sumakay tayo mamaya sa mga rides doon oh.” Turo niya. Niyuko ko ang ulo at tiningnan ang tinitingnan niya. Maraming rides ang naroon, nasa isang parte lang ng bakanteng lote. May ganito pala kapag fiesta.
Muli kong binalik ang tingin sa daan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. May kilala ba ang babaeng 'to?
“Saan tayo?” Tanong ko. Pero ang bwisit sa labas nakatingin, habang nakangiti. Para siyang ewan. Ano bang masaya sa dito? Tss.
“Saan tayo?” Walang gana kong tanong. At sa wakas nakuha ko rin ang atensyon niya. Ang hirap ng may kasamang bata.
“Nakita mo 'yung blue na lona? Doon mo ipasok 'yung sasakyan. Parking ‘yon kaya may space don.” Utos niya na kinailing ko. Wala din akong magagawa siya din ang masusunod.
Tulad ng sinabi niya niliko ko ang sasakyan sa loob non. Doon ko nakitang maraming mga tricycle, motor, at ilang SUV ang naroon. Parking ba ito para sa mga dayo?
“Bakit parang kabisado mo ang lugar na ‘to?” Tanong ko.
Tumingin siya sa ‘kin at ngumiti. “Dahil madalas ako dito noon.”
Madalas? Nagkibit-balikat nalang ako at pinark ang sasakyan sa free space sa gilid.
Kapapatay palang ng makina pero 'yung kasama kong babae nakalabas na. Tsk. Hindi halatang excited? Para siyang tanga, nakangiti tapos umiikot na akala mo’y turumpo. Anong trip ng babaeng to? Adik.
Walang tao sa paligid kundi mga sasakyan lang kaya kahit anong gawin niya walang makakapansin.
“Saan tayo?” Tanong ko ng makalabas sa sasakyan. Ngumiti siya na parang ewan tapos humarap sa ‘kin. Mukha tuloy siyang clown.
“Makikikain, tara.”
Dumaloy ang kuryente sa katawan ko ng bigla niyang ikawit ang braso sa ‘kin, napatulala ako kaniya. Shit. Ano ‘tong nararamdaman ko? Bakit bigla akong kinabahan?
Hinila niya ako palabas sa parking, tangina, anong pakiramdam ‘to? Inalis ko ang braso niya. Bigla naman siyang napahinto at napatingin sa 'kin. Kunot noo siya na parang tinatanong kung anong problema ko?
“Tsk. Kontrolado ko ang abilidad ko, ‘wang kang mag-alala hindi ko babasahin ang nakaraan mo.” Inirapan niya ako at naglakad palayo. Putik. Balak yata akong iwan. Hindi naman ‘yon ang ibig kong sabihin, e.
Sinabayan ko siya sa paglalakad. Doon ko nakita ang dami ng tao sa kainitang tapat. Nasa gilid kami ng kalsada. Maingay dahil sa makina ng mga motor tapos sinabayan pa ng busina dahil maraming tumatawid.
“Tara na.” Hinila niya ako patawid sa kabilang side. Nakataas ang kaliwa niyang kamay bilang sign na tatawid kami, tapos, putik ‘yung isang kamay niya nakahawak sa ‘kin. Nakaramdam ako ng kakaiba. Damn. Anong problema ko?
Binalik ko ang tingin sa kalsada ng bumusina ang mga motor, ‘yung ibang driver napamura dahil sa traffic, tapos tawiran pa ng tawiran ang mga tao.
“S-saan ba tayo pupunta?” Tangina. Bakit ako nauutal? Sa dami ng babaeng nakadate ko ngayon lang nangyari ang ganito. Shit. Malaking kahihiyan ‘to.
“Basta sagot kita huwag kang mag-alala.” Pang-asar niya. Kumindat pa habang malaki ang ngisi.
Hindi na ‘ko kumibo at hinayaan siyang hilahin ako kung saan kami pupunta. Marami kaming kasabay naglalakad, bata o matanda, sari-saring amoy ang pumapasok sa ilong ko. May amoy putok, maasim, mabaho, dahil narin siguro sa init at pawis. Halo-halo na kasama ang usok ng sasakyan.
Itong babaeng kasama ko sanay na sanay sa amoy, halos langhapin ang baho. Samantalang ako pigil ang hininga dahil nakakasuka ang amoy.
Lumiko kami sa kanang eskinita, makipot na pader ang sumalubong samin tapos may kasabay pa kaming pumapasok at lumalabas. Iskuwater na iskuwater ang dating.
Nang makalabas kami sa daang makipot sumalubong ang dikit-dikit na bahayan. Two storey na mga bahay, maraming abubot ang nakasabit sa pangalawang palapag, tagpi-tagping yero, plastic, plywood at may mga sinampay pang panty at damit.
“Ate Mikay!” Sigaw ni Cooker sa babaeng kalalabas ng bahay. Nakasuot ito ng ternong damit at may katabaan ang pangangatawan.
“Cooker? Ikaw ba ‘yan, hija?” Tanong ng babae, titig na titig kay Cooker. Kinikilala siguro.
“Opo, ako to!” Sigaw ni Cooker. Bumitaw sa ‘kin at tatalon-talon palapit sa babae. Tsk. May sayad ba talaga ang babaeng ‘to?
Inikot ko ang tingin, may nag-iinuman sa gilid ‘yung iba lasing na dahil nakadukdok sa mesa at ‘yung iba walang damit pang itaas.
“Canyon halika dali!” Sigaw ni Cooker, kumakaway pa. ‘Yung babaeng tinawag niyang Mikay nakangiti sa tabi niya.
Lumapit ako sa kanila at ngumiti rin.
“Wow, ang gwapo ng boyfriend mo Cooker hah. Mukhang mayaman, ang kinis at ang puti.” Napakamot ako sa batok dahil sa papuri ng babae.
“Ate Mikay hindi ko siya boyfriend siya ang bodygu — ”
“Boyfriend po niya.” Pakilala ko sa sarili at pinutol ang sasabihin ng babaeng ‘to. Alam kong sasabihin niyang bodyguard. Ako bodyguard? Sa gwapo kong ‘to? Hindi yata bagay.
“Talaga?” Hindi makapaniwalang kumento ni Mikay, nakaawang ng kaunti ang labi. “Ang gwapo mo para magustuhan ‘tong si Cooker?”
“What? Pinamumukha mong pangit ako Ate Mikay?” Taas kilay na tanong ni Cooker.
“Wala akong sinabi.” Tanggi nito habang nakangiti. “Ayy oo nga pala tara kumain sa loob.” Pag-aya nung Mikay at pinasunod kami sa kaniya. Hinila ako ni Cooker dahil ayokong pumasok sa bahay, siguradong suffocation ang abot ko, sa init at sikip.
***
Note:
Thank you for reading. ♡(˃͈ દ ˂͈ ༶ )
Comment kayo 'yung harsh, charot. HAHA.-Love by me. :-)
BINABASA MO ANG
The Maldita
Mystery / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...