COOKER
“Babalik na ‘ko sa hospital, isara mo ‘yang pinto ‘wag mo narin papuntahin dito si Warren uuwi naman si Leaves.”
Napairap ako. Daming sinasabi 'dipa lumayas. Six na, tulad ng usapan nila ni Ate Leaves, dito muna ang girlfriend niya.
“Nakikinig kaba? Mga seven or eight pa dating ni Ate Leaves mo, kaya ilock mo ‘yang pinto at bintana.”
“Oo na nga, Canyon. Paulit-ulit? Saang sim kaba nakaregister?” Irap ko.
“Dito sim my unli data ‘yon, e.”
Kasing bilis ng kidlat ang pagdako ng tingin ko sa kaniya. Nakangisi siya. “Ayan, diyan ka magaling, marunong kanang mamilosopo.”
“Ikaw nga pilosopo.”
Kumunot ang noo ko. Matalim na tingin ang ginawad ko sa kaniya. Ako pilosopo? Tsk. Slight lang hindi naman always.
“Umalis kana nga.” Tinulak ko siya palabas sa pinto. Kasawang makipagtalo.
“Ilock — “
“Oo na, oo na, ang kulit mo.” Putol ko. Sinipa ko ang paa niyang nakasangga sa pinto para maisara kona.
“Bakit mo ‘ko sinipa?” Nagtataka niyang tanong na kinairap ko. Tanga din ‘to. Panong hindi ko sisipain nakaharang ang paa niya?
“Gusto mo isa pa? Isasara kona alisin mo ‘yang paa mo.” Bulyaw ko.
“Oo na, aalis na ‘ko, ilock mo ang — damn. Cooker!” Sigaw niya.
Sinara kona ang pinto kahit hindi pa tapos ang sinasabi niya. Paulit-ulit. Unli. Dapat lang sa kaniyang sarahan. Bumalik na ‘ko sa kuwarto. Matapos ilocked ang pinto.
Ang kulit-kulit kasi ni Canyon. Sinabi na nga uulitin pa. Hindi naman sana ako tanga. Duh?
Narinig kong umandar ang motor, mabuti naman at umalis na. Humiga ako sa kama at nag cellphone, kabubukas ko lang ng messenger ng bumungad ang chat ni Warren.
Warren:
Nandiyan na si Leaves?Cooker:
Wala pa mga six or eight pa daw.Warren:
Edi wala kang kasama diyan?Cooker:
WalaWarren:
Punta ko jn? Okay lang?Cooker:
‘Wag na, maya-maya dito narin si Ate Leaves.Warren:
Sure ka? Wala kang kasama diyan? Willing naman akong samahan ka 😉Napairap ako. May pa emoji pa. Tss. Willing samahan? Iba rin. Nagtype ako ng message.
Cooker:
Dina nga kulit mo rinWarren:
Otw naCooker:
Gago ‘to. ‘Wag na nga sabi.Warren:
. . .Cooker:
?Warren:
Joke lang, bukas nalang ako pupunta. Siguro sinabihan ka ng pinsan mong ‘wag ako papuntahin diyan noh?Cooker:
Tumpak.Tumagilid ako sa higaan. Typing parin siya, haba siguro ng sasabihin nito?
BINABASA MO ANG
The Maldita
Misterio / SuspensoIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...