40: Dark side of bullies

223 10 0
                                    

COOKER

“Fellow students sinong gusto ninyong unahin?” Tanong ko sa madlang marites, ngiting tagumpay na parang guro.

Umingay sila at kanya-kanyang kumento.

“Si Betchay Miss Cooker!”

“Si Lapepe!”

“Si Sue gusto kong malaman baho niya!”

“Betchay muna!”

“Si Sue-ngot nalang!”

“Sabay nalang!”

“Betchay!”

Turan ng mga marites, nakapalibot parin samin. Okay nakapagdecide na ‘ko, nilingon ko ang dalawa sa damuhan.

“Unahin natin si Betchay.” Abot langit ang ngiti ko labas ngipin na parang nanonood sa circus. Tumahimik ang mga studyante sa paligid, hinihintay ang sunod kong sasabihin. “Betchay was obsessed, with someone she knows.” Dugtong ko na kinasinghap ng mga marites.

"Kanino obsessed si Betchay?" Tanong ng babaeng nakaponytail ang buhok. Well, napangisi ako.

“P-please don’t tell them, Cooker please.” Betchay pleaded. Aww. Wala sa bokabularyo ko ang maawa sa bullies. Pero, maaaring magbago ang isip ko kung ang babaeng binully nila ang nagsabi non.

“Sorry fellow students ayaw niyang ipasabi kung kanino siya obsessed, e.” Kumento ko, ngumuso at umiling.

“Bukod sa obsessed siya I tell the other one nalang. . . guys, she killed someone.” Dugtong ko, firm ang boses.

Napuno ng bulungan ang paligid. Mas dumami ang mga studyanteng nakikimarites na imbes na dumiretso sa classroom dito lumalapit.

“May pinatay siya?”

“A killer?”

“Obsessed na may pinatay pa?”

“Gosh! I didn’t expect si Betchay Lapepe may dark secrets?”

“Creepy psychopath!”

Napangiti ako. I like the voices ng mga marites. Nakakagaan sa pandinig. Sige lang magkumento lang kayo.

“P-please I transfer ‘wag mo nalang sabihin please, Cooker?” Paawa effect ni Betchay. Sorry pero hindi ako marunong maawa.

Napansin kong may gumagapang palayo. “Aalis kaba, Sue-ngot?” Saad ko, napahinto siya sa paggapang at tumingin sa ‘kin.

“Oo.”

Aba't sumasagot. I like that. “Then go, umalis ka para 'di mo marinig ang baho mo.”

“H-hindi ako natatakot.”

“Oh? Bakit nauutal?” Natatawa kong tanong.

“By the way itong si Sue-ngot may kahindik-hindik na lihim, kinikilabutan ako guys.” Ni rub ko ang braso at umarteng kinikilabutan.

Napuno ng palahaw ang paligid. Nagtatanong kung anong kahindik-hindik iyon. Napangiti ako at tinaas ang kamay para patahimikin sila, ang mga tanga nagsunuran. Sabagay walang bago I'm still Cooker Dionne, the maldita.

I coughed bago magsalita. “In a relationship with her — “

“No! Please! Don’t tell them!” Sigaw niya para lang putulin ang sasabihin ko.

“Ano kayang mararamdaman ng parents mo kapag nalaman nila, Sue-ngot?” Taas kilay kong kumento, nakahalukipkip at pinaiikot ang buhok sa daliri.

“D-don’t please.”

The Maldita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon