43: His girlfriend

245 5 0
                                    

COOKER

“Ano? Ayoko nga, nag-aaral pa ako at isa pa graduating na ‘ko, noh!”

“Huwag ka ngang sumigaw hindi kami bingi?” Napahilot sa sentido si Tandang Pions, nakasandal siya sa kaniyang silya.

Dito kami dumiretso ni Canyon galing sa grocery store. Matapos niyang ikuwento ang mga lalaking nakaitim ngayon pinapalayo na kami ni tanda.

“Kung aalis kami saan naman kami pupunta?” Naiinis kong saad. Nakahalukipkip ako at nakatayo sa harapan ng desk niya, kulang nalang ‘yung kilay ko umabot ‘gang kisame.

“Sa girlfriend ko sa Samar, doon tayo pupunta.”

Napahinto ako at napatingin kay Canyon. Tama ba ang rinig ko? Girlfriend? May girlfriend siya?

“Good. Doon muna kayo hanggang lumamig dito.” Sang-ayon ni inspector. Hindi ako nakaimik. Parang may bumara sa lalamunan ko. “Okay lang ba sa girlfriend mong doon muna kayo?” Dagdag ni tanda.

Nakagat ko ang ibabang labi. Bakit parang binagsakan ako ng langit at lupa? Ano bang nangyayari sa ‘kin? Nalaman ko lang naman na meron siyang girlfriend.

“Madaling kausap 'yon, inspector.”

“Ipaalam mona bago kayo lumuwas bukas.”

Para akong nabibingi sa pinag-uusapan nila. Iniwas ko ang tingin, bigla nalang akong nalungkot. 

“Sige inspector, mabait naman si Leaves maiintindihan niya kapag sinabi ko.” Sagot ni Canyon. Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib.

“Good, mabuti naman kung ganun. Saka ngayon mo lang nabanggit na meron ka palang girlfriend?”

Natawa si Canyon. Parang may tumusok na karayom sa dibdib ko, na gusto kong umalis ngayon sa harap nila. “Hindi ba Cooker? Tatahimik-tahimik may girlfriend pala?”

Napatingin ako kay Inspector Pions. Hindi ko yata alam ang sasabihin ko. “O-oo nga.” Utal kong turan. Bwisit.

“Hindi naman kasi kayo nagtatanong.” Dahilan pa ni Canyon habang nakangiti. Naiinis ako sa ngiti niya.

“Dapat matagal mo nang sinabi, para hindi kana inaasar ni Cooker na may gusto sa kaniya.” Turan ni tanda. Napatingin sa ‘kin si Canyon habang nakangiti. Bigla tuloy akong nahiya, nahiya sa mga inasal ko sa kaniya. Feeling ko ang laki kong tanga. Inaasar ko siyang may gusto sa ‘kin, meron pala siyang girlfriend.

“Okay lang, inspector. Naiintindihan ko naman, bata pa si Cooker, ganyan talaga ang mga kabataan ngayon.” Nakangiti niyang turan at sumandal sa silya.

Bata? Hindi na ‘ko bata twenty-one na ‘ko. Isa pa twenty-eight lang siya, hindi naman nagkakalayo ang edad namin.

“Tama ka. Maraming kabataan ang mapupusok.” Pagsang-ayon ni tanda. Hindi naman lahat ng kabataan mapusok. Mga judgmental.

“Maaga kayong umalis bukas para maaga rin kayong makarating — “

“Papasok pa ‘ko ng umaga. " Putol ko kay tanda. "May kailangan akong ipasa sa isang subject ko, deadline bukas.”

Naiinis ako na hindi ko maintindihan.

“Sige sa hapon nalang.” Sagot ni tanda. Gusto kasi ura-urada tapos gagayak pa.

“Babalik na ‘ko sa apartment kung ayaw pa ng isa diyan sasakay nalang ako sa tricycle, marami pa ‘kong assignment.” Saad ko, tumalikod na ‘ko at lumabas sa office. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Naiinis ako na parang pinipiga ang puso.

Lumabas na ‘ko sa office niya, walang lingon-lingon dahil feeling ko nagtutubig ang mata ko. Nakakainis. Ano bang problema ko?

“Hoy, Cooker!” Bati ni Ra-iol na hindi ko pinansin. “Teka nga? Umiiyak kaba?”

Napahinto ako at napahawak sa pisngi. Wala namang luha, paiyak palang tanga talaga ‘tong si Ra-iol. “Hindi ako umiiyak, baliw na 'to.”

“Ang init naman ng ulo mo.” Reklamo niya. Talaga. Mainit talaga ng ulo ko, hindi ko rin maintindihan. Naiinis ako na nasasaktan.

Pagkalabas ko humanap kaagad ako ng tricycle. Nilayasan kona si Ra-iol, paepal, e.

“Para manong!” Sigaw ko. Huminto ito sa harap ko. Sasakay palang ako ng may humablot sa braso ko.

“Sorry manong hindi siya sasakay.”

“Sasakay ako.” Inalis ko ang kamay ni Canyon. Lalo akong naiinis sa kaniya, e.

“Hindi ka sabi sasakay.”

“Sasakay nga ako! Bakit ba ang kulit mo?” Naiirita kong sigaw, gusto ko siyang batukan dahil pinipigilan niya ako.

“Sorry manong, humanap nalang kayo ng bagong pasahero dahil hindi siya sasakay.” Turan ng katabi ko.

"Sasakay nga ako!"

"Hindi."

"Sasakay!"

"Hindi. That's final."

“Hay na ‘ko! Ano ba talaga? Pwede bang ayusin nyo love quarrelled ninyo?” Saad ng tricycle driver at umalis sa harap namin. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang makalayo.

“Ano bang problema?” Kunot noong tanong ni Canyon.

Problema ko? Ikaw. Dahil nakakainis ka. Gusto kitang sipain. Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin.

“Marami pa ‘kong assignment uuwi na ‘ko.” Sagot ko nalang. Pinipigilan kong tumaas ang boses.

“Nagseselos kaba?”

Umawang ang labi ko.

"Nagseselos? Ako? Saan? Kanino?" Tanong ko. Kumunot ang noo ko dahil nakangisi siya sa ‘kin, tipong nang-aasar.

"Ganyan kaba magselos?"

“Hindi nga sabi ako nagseselos, bakit ako magseselos?” Inirapan ko siya. Gusto ko siyang tadyakan dito mismo sa harapan ng police station. Nakakaasar.

"Okay sabi mo, e." Natatawa niyang turan. 







***

Note:

Thank you sa pagbabasa, walang anuman. Muahh. ಡ⁠ ͜⁠ ⁠ʖ⁠ ⁠ಡ

The Maldita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon