13: Horror train

359 11 2
                                    

CANYON

“Doon tayo sa horror train.” Turo niya, walang kapaguran. Halos lahat ng rides gustong sakyan. Ano ba naman.

“Umuwi na tayo after.” Sumimangot siya sa turan ko. Alas-tres na ng hapon. Iwanan ko nalang kaya siya dito? Nakakasawa, e. Bahala siyang umuwi mag-isa.

“After horror train last yung ferris wheel, minsan lang ‘to, enjoy dapat natin.” Suhestiyon niya, ang lapad ng ngiti. Tsk. Kung hindi lang nakakahawa ang ngiti niya.

“Ganito, meryenda muna tayo bago sumakay, baka gutom kana kaya ka nagrereklamo.” Napakamot ako sa ulo. May ganito palang tao, halos ayaw ng umuwi. Sinundan ko siya patungo sa bilihan.

Ganitong oras lalong dumami ang tao, hapon na at makulimlim. Masarap ng gumala at malamig na.

“Manong ten na kikiam at ten na fishball, tapos palamig. Tigdadalawa.” Saad niya sa tindero.

“Sige po.” Tinuhog ng tindero ang kikiam at nilagay sa cup. Parang nanuhog lang siya ng babae. Napangisi ako at napailing. Damn it.

Gumilid kami ng may dumating pang customer. Mga kabataan lalaki.

“Manong kwek-kwek twenty pesos.” Utos ng blond ang buhok, nakabulsa ang kamay.

“Kami din manong twenty.” Dugtong ng isa. Apat silang kabataan 'yung dalawa nagtatawanan, habang 'yung dalawa seryosong pinanonood ang ginagawa ng tindero.

“Eto na hija.” Inabot ng tindero ang cup na may laman kay Cooker. Binigay niya sa 'kin ang isa.

“Inyo na po ang sukli.” Saad ng kasama ko at inabot ang buong one hundred.

“Maraming salamat.” Nakangiting tugon ng tindero.

“Baka naman ate, libre mo kami.” Nakangising saad ng lalaking blond.

“Oo nga, maganda ka naman, e.”

“Wit-wiw.”

Kumunot ang noo ko. Mga kabataan nga naman.

“Sige na ate, baka gusto mong mag-join samin mamaya?” Dugtong ng isa habang nakangisi.

“No thanks mga mukha kayong adik.” Nandidiring saad ni Cooker.

“Whoaah! Pakipot lang 'te?”

“Baka gusto pre ng lambing.” Usal pa ng isa.

“Abat talagang, kayo ngang mga kabataan umalis kayo dito. Sarap ninyong sapakin, e.” Pilihim akong natawa, mataray talaga ang babaeng ‘to.

“Wow, tapang gusto ko yan.”

“Ikaw naman blondina tigil-tigilan mo ang kakawow. Isalpak ko kaya sa bibig mo ang stick ng fishball?”

“Ate sa tingin ko magkaedad lang tayo pero bakit ang sungit mo?”

“Ikaw naman Shihtzu sa haba ng buhok, anong konek kung magkaedad tayo? At anong koneksyon ng kasungitan ko?”

Shihtzu ang putik. Kakaiba ka talaga, Cooker. Pigil ang tawa ko.

Inabot ng tindero ang binili ng mga kabataan. “Ayan bayad namin.” Nilapag ng lalaki ang bayad sa nagtitinda. Lumakad ang mga ito palayo. Mga nawala sa mood.

“Hoy Canyon." Mabilis kong tinikom ang bibig at nilingon siya.

"Ano?"

"Tigilan mo 'yang pagngiti mo, inlove kana sa 'kin, noh?"

Putik. Lakas ng hangin ng babaeng 'to.

"Talaga? Sure ka?" Ngumisi ako dahilan ng pag-irap niya. Lakas mang-asar pikon naman.

"Fuck you."

"Tara sa Gubat." Hinila ko siya pero mabilis din siyang huminto.

"Ano?"

"Diba sabi mo, you want to fuck me?"

Humagalpak ako ng tawa sa itsura niya. Puta. Epic. 

"Diyan kana nga. Lamunin mo 'yang pagkain mong hayop ka." Pagtataray niya. Umirap at nagmartsa palayo.





-------





“Wahhh!”

“Ahh! Putangina ka!”

Natawa ako ng batukan ni Cooker ang lalaking nakacustom. Sumabit ito sa train habang mabagal na umaandar, nagulat ang katabi ko ayun binatukan.

Tsk.

Mabagal ang train tapos hihinto sa gitna, mga maglalabasan naman ang multo o engkanto para manakot. Kinakalampag nila ang yero para manggulat. Napaka epic ng ganitong mga rides, boring. Madilim sa loob at mainit.

'Yung ibang nakasakay, tilian ng tilian. Bata kasi ‘yung iba kaya madaling matakot.

“Bwisit na multo. Isa pang sabit mo sasabunutan kita.” Gigil na kumento ng kasama ko. Nagrereklamo gusto namang sumakay dito.

“Hoy babae.” Agaw ko sa atensyon niya. Tumingin siya sa ‘kin at ngumisi.

“Hoy karin lalaki.” Gaya niya at bumelat. Isip bata ang puta.

“Umuwi na tayo after nito.” Seryoso kong saad. Umawang ang labi niya at umiling.

“Hindi, sasakay pa tayo sa ferris wheel tapos titingin ng tinda doon sa gilid ng kalsada.”

“Maghapon na tayo dito? Baka hinahanap kana ni Inspector Pions.” Dahilan ko.

“Bakit pinilit ba kitang sumama?” Taas kilay niyang tanong.

“Fine, ikaw ang masusunod.” Pagsuko ko at hindi nalang umimik, walang papatunguhan kung makikipagtalo ako sa babaeng 'to.

“’Yan good matuto kang sumunod sa boss mo.”

Napailing ako sa huli niyang sinabi. Nang makalabas ang train sa madilim na kweba, huminto narin ang hiyawan ng mga sakay.

“Ganun lang babaan na.” Saad ng kasama ko, mukhang bitin pa. Huminto ang train at bumaba na kami. Pagkalabas, maraming mga nakapila sa bayaran ng ticket, mga gusto rin makaexperience kung gaano ba kaboring ang horror train.

‘Yung ibang batang kasabay namin nagmamadaling tumakbo sa kanilang parents para ikwento ang kanilang naranasan sa loob. Mga bata nga naman.

“Hintayin mo ako diyan Canyon, magbabayad lang ako sa booth para sa ferris wheel.”

Hindi pa ko nakakasagot naglakad na siya palayo at pumila sa kabila. Tss. Parang mapipigilan ko siya. Hindi ba pwedeng umuwi nalang?

Inikot ko ang tingin, makulimlim ang kalangitan may nagbabadyang ulan. Pero ang mga tao tuloy parin ang kasiyahan, mga tuwang-tuwa, lalo na mga bata.

Na focus ang tingin ko sa dalawang lalaking nakaitim mula ulo hanggang paa, nakasuot ng facemask at sumbrero. Nasa gilid sila ng color game.

Mukhang masamang pangitain ‘to.

Mapapalaban yata ako.




***


Note:

Thank you for reading. ෆ⁠╹⁠ ⁠.̮⁠ ⁠╹⁠ෆ wala nako masabi kayo na magdecide. HAHA

 

The Maldita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon