COOKER
One month later.
"Hindi ba talaga kita sasamahan?"
"Ang kulit mo, Canyon. Ako nga lang mag-isa, ihatid molang ako sa station tapos gumora kana." Sagot ko. Ngayon ang araw na balak kong puntahan si Inspector Pions, sa isang buwan na lumipas marami akong napagtanto.
"Okay sige tara na." Aya niya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan, napangiti ako sa isiping sa loob ng buwan na 'yon hindi ako iniwan ni Canyon, sa kaniya ko rin narealised ang lahat. Hindi rin nagsawa ang mag-asawang Pions at Florie na kamustahin ako at padalhan ng mga luto nila.
Nasa biyahe na kami. Tahimik akong nakaupo sa passenger seat at iniisip kung anong magiging reaction ni inspector kapag nakita ako. Ang alam niya hindi kopa sila kayang harapin matapos ang nangyari.
"Kinakabahan ka?" Tanong niya, tumingin siya sa 'kin saglit tapos binalik din sa daan. "Kung alam mo lang kung gaano matutuwa ang mag-asawang 'yon kapag nakita ka."
"May trabaho ba siya sa office ngayon?" Tanong ko.
"Wala naman 'yung kaso lang sa paghahanap kay Mark Suarez."
Si Suarez, ang hayop na 'yon.
"Hindi talaga magpapahuli ang gagong 'yon, noh?" Asar kong saad.
"'Wag kang mag-alala kilala na siya ng buong bansa saka balitado siya sa news at dyaryo pati social media, mahuhuli din siya wala siyang takas sa batas."
Tama, hindi rin magtatagal mahahanap na siya. Ang hayop na 'yon hindi ko mapapatawad.
Makalipas ang ilang minutong biyahe nakarating na kami, hininto ni Canyon ang sasakyan sa gilid ng kalsada malapit sa police station.
"Ano iiwan na kita dito? Sigurado kang hindi na kita sasamahan?" Tanong niya, paulit-ulit.
"Ako na lang mag-isa." Binuksan kona ang pinto, nilingon ko siya at nagthumbs up. "Una na 'ko." Paalam ko.
Pagkababa ko sinabihan niya ako ng goodluck at kaya mo 'yan tapos umalis na.
Napabuntong hininga ako. Ito na Cooker, narito kana wala ng atrasan. Inikot ko ang tingin, maraming sasakyan ang dumaraan sa highway alas-nuwebe palang ng umaga.
Naglakad na 'ko patungo sa police station. Medyo nakaramdam ako ng kaba, feeling ko isang taon akong hindi nakapunta dito. May police mobile sa gilid.
Bumuntong hininga ako at pumasok sa main entrance, nasaktong nakita ako ni Ra-iol. Lintik naman. Lumawak ang ngiti niya at kumaway. Napairap ako, ayoko sanang makasalubong ng pangit.
"Cooker I miss you!" Sigaw niya at tumakbo palapit sa 'kin, yayakap sana siya ng iharang ko ang kamay at dinakma ang pangit niyang mukha para ilayo sa 'kin.
"Ang pangit mo." Maarte kong saad, inalis ko ang kamay sa mukha niya at pinagpag.
"Ouch grabe naman hindi ka talaga nagbago." Nakanguso niyang saad, paawa effect hindi naman bagay. Pwe.
Inikot ko ang tingin, walang tao sa lobby kami lang. Nasaan ang ibang police?
"Nag ronda sila kaya walang tao maliban samin ni inspector."
"Tinatanong koba?" Tinaasan ko siya ng kilay. Naglakad na 'ko patungo sa office ni inspector pero huminto ako at nilingon si Ra-iol.
"Pangit." Tawag ko.
Tumingin siya sa 'kin at tumagilid ang ulo. "Bakit?"
"Na miss din kita." Saad ko at tumalikod kaagad. Ayokong makita ang reaction niya dahil alam kong abot langit ang ngiti niyan.
BINABASA MO ANG
The Maldita
Mystery / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...