COOKER
“Hoy Canyon kakain na!” Sigaw ko. Umupo na ‘ko sa silya at nag-umpisang kumain, pero ‘yung isa busy sa cellphone. Malalim yata ang iniisip, makailan beses kona siyang nakitang bumuntong hininga.
“Hoy may probelama ka ba?” Kumagat ako sa hotdog at tiningnan siya. Pabalik-balik siyang naglalakad sa sala. Nakakahilo.
“Para kang turumpo!” Bulyaw ko. Daig pa niya ang may asawa't anak sa asta niya.
“Ang ingay mo.”
Nagpintig ang tenga ko. Aba’t gago ‘to, a. Nilinok ko muna ang nginunguya. “Sinong maingay? Aning ka ba, ikaw nalang ang inaaya ikaw pa'y ganyan.”
“Pwede ba Cooker may family problem ako.” Huminto siya sandali at pinakatitigan ako. Tsk! Parang masisindak ako. Duh?
“Kasalanan ko?” Taas kilay kong tanong. Nakakainis kang Canyon ka. “Maupo ka dito at baka matulungan kita.”
Uminom ako ng tubig. Umupo siya sa harap kong silya. Nang iangat ko ang tingin, kunot ang noo niya at parang may iniisip.
“Alam kong hindi ako relate sa family problem na ganyan, dahil una sa lahat wala akong pamilya. Pero makakaasa kang makikinig ako.” Nginitian ko siya. Umawang naman ang labi niya na parang nagtataka.
“Naaawa talaga ako sayo, Cooker.”
Kumunot ang noo ko. “Anong sabi mo? Bakit ka maaawa sa 'kin? Mukha ba akong kaawa-awa, hah?”
“Wala akong sinabi.” Painosente niyang sagot.
“May narinig ako, Canyon.” Naiinis kong saad. “Naaawa ka sa ‘kin? Kaawa-awa na ba ako? Purkit wala kong magulang?”
“Hindi ganun. Hindi ganun ang ibig kong sabihin.” Tanggi niya, nakaawang ang labi. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.
“Kung ayaw mong sabihin ‘yang dinadala mo, edi ‘wag.” Inirapan ko siya at kumain nalang muli. Nakakasawa ng makipagtalo.
“Hindi kasi, ganito — hayst. Putangina.”
“Minumura mo ba ako?” Gigil kong saad. Tumaas na talaga ang kilay ko sa inis.
Ginulo niya ang buhok na parang frustrated. “Hindi, okay? Hindi ikaw? May death threat sa parents ko. Nag-aalala ako sa kanila.”
“Death threat?” Tumaas ang kilay ko. “Sinong gagawa sa magulang mo non?”
“Fuck them, mahuli ko lang kung sino ang hayop na ‘yon.”
Napatingin ako kay Canyon, mukhang mahal na mahal niya ang parents niya dahil sobrang frustrated siya.
“May idea kaba kung sino ang gumawa non?” Tanong ko. Tumitig naman siya sa ‘kin na parang may iniisip.
“My relatives.”
“Sure ka? Bakit naman gagawin ng kapag anak nyo ‘yon?” Saad ko at muling kumain. Uubusin ko nalang ‘to, dahil ayaw naman niyang kumain, e.
“Dahil gusto nila makuha ang posisyon ng parents ko.”
“Ah mayaman?” Medyo bulol kong saad dahil may laman ang bibig. Nilunok ko ang kinakain at hinarap siya. “So, mayaman ka?” Taas kilay kong tanong.
“Hindi naman siguro aangkinin ng kamag-anak nyo ang posisyon ng parents mo kung wala lang diba? Kung gusto mo talagang malaman kung sino ang may sayad sa kamag-anak nyo, tutulungan kita.”
Sinubo kona ang huling hotdog. Ngayon naubos kona lahat ng ulam busog na ‘ko.
“Gagawin mo talaga ‘yon?”
BINABASA MO ANG
The Maldita
Mystery / ThrillerIsang dalaga na graduating in BS-Criminal Justice sa isang unibersidad. She love mystery-thriller and solving a crime, and act like one of detectives. She's a gifted, may abilidad siyang malaman ang nakaraan ng isang bagay o tao, through touch. She...