1

804 12 1
                                    


Valerina


Warning: It may contain suicide.

Nandito ako ngayon sa hapag. Alas quatro na ng madaling araw. Lima kami ngayon ang naka upo dito. Ako naman ay naka yuko ang apat ay ang sama ng tingin sa akin.

Malay ko bang gising sila sa madaling araw? nahuli nila akong patakas ng mansion kanina. "Nahihiya na nga ako hindi ba? okay na ako, maghahanap na lang ako ng matitirhan at trabaho diyan sa tabi." Explain ko. Pero ang mga mukha nila ay hindi pa rin nagbabago.

Nakakatakot sila. Nag hikab ako dahil inaantok nanaman. "Wala namang kaso 'yon ah?" seryosong sagot ni Mat, hindi ako sanay dahil hindi naman siya gan'to noong una naming pagkikita. Mag sasalita na sana ako nang tumunog ang tiyan ko. Putek baby, hwag naman ngayon.

"What do you want?" tanong ni Ghil. "Wala, siguro kabag lang," putek na dahilan 'yan, Val. Maya maya pa ay nararamdaman kong duduwal ako, napatakip ako sa bibig ko at ang apat naman ay paramg na alarma dahil nakita ko silang nagkaniya kaniyang alis, putek saan nanaman mag susuot ang mga gago.

Bago ako dumuwal ay meron ng planggana sa sa harap ko na bitbit ni Luis, may panyo naman na hawak ni Ghil. May tubig na hawak si Mat at ponytail na hawak ni Darius.

Dumuwal na ako sa planggana dahil hindi ko na talaga kaya. Lumayo ako sa gawi ni Ghil, kaya nagtaka ito. "What the fck?" tanong niya. "Ang baho mo!" usal ko na kinasalubong ng kilay niya. Eh sa mabaho siya.

"Valerina!" ay patay. Hindi ko alam pero parang dinibdib ko ang pag sigaw ni Ghil kaya hindi ko napansing nag umpisa nang tumulo ang mga luha ko, kaya nataranta nanaman sila.

"What the hell did you do?" reklamo ni Luis kay Ghil. "Fxk," napasabunot sa buhok si Ghil. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Una sa lahat ay ayaw kong may nakakakita sa akin na umiiyak.

Lumayo ako sa kanila at tumungo sa kwarto na tinutuluyan ko. Buti nalang at na memorize ko ang daan. Bakit ba naman kasi ang laki laki ng bahay na eto eh apat lang naman ata silang nandito. Oo may mga maid at bantay na hindi ko alam kung bakit hindi natutulog. Pero gagawa talaga sila ng mansion dahil lang doon?

Dito ako umiyak nang umiyak, hindi ko alm kung bakit, ano ba 'yan. Hindi naman ako ganito eh, wala namang masamang sinabi si Ghil.

Nang matahan ako ay sakto naman ang pagkatok sa pinto. "Natutulog," sagot ko, ay putangina. Natutulog na nagsasalita.

Nang nasabi ko 'yon ay natulog na ako, bahala sila diyan ang sama talaga ng pakiramdam ko.


Luis

"Tss, big deal?" inis na usal ni Ghil noong nandito kami sa labas ng kwarto niya. "She is pregnant, remember?"
"And? where is the connect?" inosenteng tanong Ghil kay Mat.

"We can't understand the emotion of a woman especially when she's pregnant and thats normal to her." Sagot naman ni Darius. Kung hindi niyo kasi naitatanong, masungit 'yan sa ibang tao, pero pag naging kaibigan mo siya, siyempre mahirap siyang maging kaibigan. Dinaig pa kasi ang buntis sa pag iiba ng mood. Mabait naman siya eh.

"So, It's my fault?" inosente namang tanong uli ni Ghil. "Yes," sagot naming tatlo. Napapikit siya sa sagot namin.

"You can research about pregnant, so you can understand," huling sabi ni Darius bago bumalik sa kaniyang kwarto.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon