38

196 5 0
                                    

Valerina

"Sige na kuya Vern, tawagan mo uli," pangungulit ko kay kuya Vern.

"Pero Señorita, pang twenty na 'yang pagtawag," alanganin pang sabi ni Kuya Andy.

"Pero po Tatlong buwan na silang hindi nagpa-paramdam," sabi ko naman. Tatlong buwan na noong makarating kami rito pero kahit isang tuldok ay walang paramdam. At makukulit ko sila dahil kakatulog lang ni Valerie.

Walang nagawa si kuya Vern kaya binigay niya ito. Sana sagutin na nila.
Nawawalan na ako ng pag asa pero nabuhayan ako noong sumagot ito.

"Hello? Ghil? Mat? Rius? Luis?" sunod-sunod kong banggit.

"Hey, calm down," naiyak nalang ako noong narinig ko na ang boses ni Ghil.

"Señorita!" nagpanic ang anim kaya natahan ako. Niloud-speaker ko ito para marinig nila.

"Valerina? Are you okay, what happened?" sunod-sunod na tanong ni Ghil sa kabilang linya.

"B-Boss," tawag nila.

"What the hell did you do?!" galit na tanong ni Ghil.

"Boss, bigla nalang siyang umiyak," sagot ni kuya Dante.

"Val?" rinig ko na ang boses ni Mat. Kung panaginip lang 'to, hwag niyo na ho akong gisingin.

Lalo lang akong naiyak. Tatlong buwan akong walang alam sa nangyayari. Tatlong buwan ng walang tatay si Valerie. Tatlong buwan na akong walang mga kapatid.

"The fck, Luis?" rinig ko na kung sino ang nagsalita sa kabilang linya, si Darius.

"Calm dow-"

"Anak ng! Paano ako kakalma kung tatlong buwan kayong hindi nag paparamdam?!" putol ko sa sasabihin ni Ghil.

"S-Sorry," sagot naman niya.

"Uwi na kayo, uwi na tayo," unti unti nanaman akong napaiyak. Ayaw ko na. 90 days na mahigit kong inipon 'yung paghihintay ko.

"This is not yet the right time, Val," sagot naman ni Darius.

"Kailan? Sa panahong makikita nyong bangkay nalang kami ni-"

"The fck, Valerina? How can you say that thing?"

"Edi uwi na tayo!" maktol ko kay Darius.

"Dmwt! Talk that woman!"

"Sige, hwag mo akong kausapin ha? Sila Ghil lang ang makakarinig ng iyak ni Valerie!" Sigaw ko sa kaniya, ginigigil ako ng lalaking 'to.

Sakto naman ay may umiiyak galing sa kwarto namin ni  Valerie. Nagkatinginan kaming pito rito at pumunta si Jasper doon sa kwarto ko para kunin siya.

Nang makalabas sila ay binigay agad sa akin ni Jasper ang bata. Siguro lalaking maldita 'tong batang ito.

"Bakit nag mamaktol ang baby ko?" tanong ko habang hine-hele ko.

"Dadda is here, Valerie," rinug kong nagsalita si Ghil. Gulat naman kaming  anim dahil narinig namin si Valerie na uminda nang  kaunti.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon