Valerina
"Manang, matagal na ako rito pero parang hindi naman nag bi-birthday ang apat?" nahinto si manang sa niluluto niyang ulam. Nandito ako ngayon sa kusina.
Nanggugulo, chareng.
"Simula kasi noong namatay ang kaibigan nilang si Gideon ay nawalan na sila ng ganang mag celebrate, maliban nalang sa akin na minsan ay pag day off ko ay lumalabas ako, siyempre nag papaalam naman ako. Kasama kong nag cecelebrate ang mga body guard mo, apat na beses sa isang taon."
"Pag kaarawan naman ng kaibigan nila ay nag titirik ako ng kandila sa bahay, siyempre wala naman ang puntod dito ni Gideon," binigay ni Manang sa akin ang gatas na galing sa isang yaya, nakakawa naman kung gano'n.
Parang hindi sila masaya na nagdagdagan uli ang taon nila sa mundo, hindi gaya ko na taon taon ay nag hahanda kami kahit na ayaw ko. Si nanay kasi mapilit, isang beses lang naman daw sa isang taon. Pero bago kami maghanda ay nag sisimba muna kami.
"Eh kailan po ba ang birthday nila?"
"Si Darius ay November 18, si Ghil ay February 27, si Luis ay June 17 at si Mat ay sa sabado," nahinto ako sa pag inom noong sinabi ni Manang ang birthday ni Mat.
Kung Thursday ngayon, sa kinabukasan ay friday, edi sa makalawa na birthday niya!?
Bzbo lang? balik ka kinder, aralin mo uli ang lunes hanggang linggo.
Pake mo ba author! kino-confirm ko lang naman eh!
"Edi manang lalabas ka-"
"Hindi, simula noong dumating ka dito sa Mansion ay hindi na nangyari, siyempre wala na akong kasama dahil nakabantay na sa'yo ang mga kasama ko," sagot naman niya.
"Edi mag celebrate tayo! pero dito na sa bahay," sagot ko.
"Kasama na natin sila, 'wag silang kj, aarte pa," natawa si manang kaya natawa rin ako.
Nag paalam ako kay Manang dahil ayaw ko na siyang istorbohin. Kaya nandito nanaman ako sa pool, ang gagaling wala sa loob ang mga bantay ko kasi nandito sila. Okay na rin, para naman maka relax.
"Bakit hindi niyo sinabi na birthday pala ni Mat sa sabado?" tanong ko at nang makita nila ako ay pinaupo nila ako.
"Alam mo?" tanong ni Jasper.
"Ay hindi, hindi, hula hula lang," obvious naman.
"Hindi ka nagtanong eh," anak ng!
"Ay hehe sorry po ah? kasalanan ko talaga," sarcastic na sabi ko.
"Forgiven," what the hell?! seriously.
"Nag gatas ka na ba Señorita?" mahahalata mo talaga kay kuya Vern na siya ang pinaka matanda ay gan'to siya kung magsalita.
"Opo, buti ka pa, ang ganda kausap, hindi gaya ng iba d'y-"
"Grabe ka naman Señorita, nandito kami oh," pinutol ni Jasper ang sasabihin ko kaya inirapan ko 'to.
"Natamaan ka?"
"Obvios ba teh?" aba't! nanggagago.
"Kuya Vern!" sumbong ko kaya sinapak niya ito ng pabiro.
"Sumbungera 'tong babaeng 'to," bulong niya pero narinig ko 'yon.
Ewan ko sa mga 'to, patagal nang patagal, nagiging makapal na ang mga mukha. Pero okay lang 'yon, atleast nararamdaman kong komportable at okay kami sa isa't isa.
"Hoy Señorita!" nagulat ako noong sumigaw si Kuya Andy pero hindi nakatakas sa akin ang pagtawa ni Jasper.
"P-Po?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Daughter Of Four Billionaires
RandomSi Valerina ay isang nanggaling sa Orphan ngunit may umampon dito na namatay na rin. Ang masaklap pa ay baon sa utang ang mga nag ampon sa kaniya kaya't napilitan siyang ibenta ang mga gamit na naiwan ng kaniyang mga magulang. Apat na bilyonaryo at...