27

276 4 1
                                    

3rd person

"What's the problem?" tanong ni Luis kay Ghil na mukhang problemado. Ngayon ay nasa bar section ang apat sa Mansion.

"Grandpa is going to visit me," sagot niya at nilagok ang alak.

"And then?" tanong ni Mat, si Darius naman ay nakikinig lang sa kanila. "Dude? you know him," sagot naman niya at naglagay uli ng alak.

"Yah, we know him, so why we need to panic?" tanong uli ni Mat.

"Damn, what if he will going to annoy-"

"Edi goods," putol ni Mat na sumasalin ng vodka.

"What? are you-"

"Dude, naboboring siya rito, edi pag nandito si grandpa ay hindi na, use your mind," putol uli Mat na nilagok ang vodka.

"And I'm trusting him, he's good than you by the way," sabay tawa ni Luis kaya sumama ang tingin niya.

"Tss, I'm just kidding," dagdag niya dahil nakita niya ang masamang tingin ni Ghil.

"Not funny!" sabay simangot kaya natawa ang tatlo.

Valerina

Nandito ako sa hagdan dahil pa baba na rin naman ako. Siyempre, tinakasan ko ang mga body guard ko. Alas onse na ng gabi pero bukas pa rin ang ang mata. 

Nagugutom kasi ako kaya naghahanap ako ng yogurt ngayon. Nang makakita ako ay nag desisyon na akong umakyat pero may na amoy akong alak noong nasa bandang kaliwa.

May tao sa Bar station? dahil curious ako ay nilakad ko alangan namang languyin ko? ah tanga, walang tubig dito.

Papasok na sana ako noong narinig kong may nag tatawanan. Sino pa ba ang tatao rito kundi silang apat lang.

"Can you stop laughing!?" sumilip ako rito at natawa ako dahil hindi na maipinta ako mukha niya.

Iba talaga ang mga ugali nila pag sila sila lang. Akala mo naman kasi ikakamatay nila.

"Sige kayo, gigisingin ko si Valerina!" lah dinamay ako? teka nga, nagtagalog ang isang Ghil.

"Damn this man," asik ni Luis na lalo pa silang tumawa. "Stop it Tom!" anong Tom? sumilip ako sa loob pero wala namang ibang tao.

"You too, Mickey!" turo niya kay... Luis?! kelan pa naging Mickey ang pangalan niya. "Oh hindi kita inaano-"

"Stop it, Larva," nakangising putol ni Ghil. "Maganda naman 'yung Larva ah?!" naging bata ang mga ugali nila, 'yan ang nakikita ko ngayon. Mukhang may tama na sila.

"Don't you dare," bossy na sabi ni Darius dahil gumawi si Ghil sa kaniya. "Oh really, Pooh?" nagulat nalang ako noong iinumin sana ni Darius ang alak ay binuhos niya kay Ghil kaya natawa ang dalawa.

Paano pag nag ka pikunan itong mga 'to. Bago ako pumasok ay kumain muna ako ng yogurt. "Queen," sambit nila dahil nakapasok na ako. Shutek, ang hirap mag lakad!

"It's already late," ang kaninang Ghil na pikon ay naging pormal na kumausap.

"Yah, late na pero kayo, nandito pa rin at nag lalaklak ng alak," sabi ko at umupo ako, kanina pa ako nangangalay!

"Did we disturb you?" tanong ni Luis.

"Nope, pero pa akyat na sana ako kaso narinig kong may nag sasalita," sagot ko.

"Akyat na tayo?" yaya sa akin ni Mat pero sumimangot ako.

"Kakarating ko lang tapos papalabasin mo na ako?" tanong ko.

"It's already late, Valerina. You need to sleep," singit ni Luis at sumalin uli ng vodka.

"Kayo nga d'yan, anong oras na, umiinom pa kayo. Baka nakakalimutan niyong may mga trabaho pa kayo bukas?" ngayon ay naka pamewang na ako, nakita ko ang pag tawa nila na palihim.

"Where are your bodyguards?" tanong ni Darius na kakainom lang ng wine, red wine ba 'yon?

"Tulog na at wala akong balak na gising dahil masiyado silang pagod kaka bantay sa akin."

"Fine fine, we're going to sleep," pag surrender ni Ghil. Inubos na ni Ghil ang iniinom niya tsaka niya ako inaalalyan ma baba sa upuan.

Nang makalabas kami ay nakita ko nalang na kasunod narin namin 'yung tatlo.

"Sleep now, see you tomorrow," sabi ni Darius sabay gulo sa buhok ko. "Good night," bati ko sa kanila pero tumango lang sila.

Nang maisara ko ang pinto ay nag pahinga narin ako.

DAYS past since that night happened and now I'm eating here in the kitchen eating some seafoods.

Ay may pa gano'n, nag e-english na. Sinubukan ko lang naman!

"Balita ko paparating si Don Geslhor," chismis ng mga maid dito sa kusina.

"Siyempre hindi mawawala ang kaniyang alalay pag nagkataon!" masayang sabi ng isa. Sino naman 'tong alalay niya?

"Si Shiro, siya ang kanang kamay ni Don Geslhor na lolo ni Ghil," nagulat ako noong nagsalita si Manang sa akin susmaryusep!

"Mag kasing edad lamang si Shiro at Mat kaya kahit papaano ay close silang apat kay Shiro. Si Shiro ay kinse pa lamang noong nasa pwader na siya ng mga Waldrich."

"Eh bakit po may alam kayo sa kanila eh diba po sila Ghil lang ang kilala niyo?" takang tanong ko kay Manang at napatawa ito ng kaunti.

"Isang beses noong nag kasalubong kami ni Shiro sa Palengke at sumunod naman ay noong dinalaw naming lima ang lola ni Ghil. Dito naninirahan ang lola ni Ghil pero hindi ang lolo nito."

"Kaarawan kasi ng lolo ni Ghil, sinama niya ako rito at pinakilala sa mag asawa. At doon ko muling nakita si Shiro, sa paraang iyon ay na ikwento niya ang buhay niya sa pamilya ng mga Waldrich."

"Nakaktakot daw po ba sila?" tanong ko at uminom ng gatas.

"Hindi, at sang ayon ako dun. Mabait ang mag asawa, lalo na ang lola ni Ghil. Sa katunayan ay isang bodyguard lang ang tatay ni Shiro noon. Nabanggit ni Shiro na kwinento ng kaniyang ama ang hindi pag aaral niya kaya sinabi ni Don Geslhor na gusto niyang makita si Shiro."

"Ano pong sumunod?"

"Nang makita niya si Shiro, tinanong siya ni Don Geslhor kung gusto niya raw bang mag aral. Sinabi niyang gusto ngunit hindi siya mapa aral ng kaniyang ama dahil sa kahirapan."

"Sinabi ni Don Geslhor na siya na ang sasagot basta may matapos siya. Hanggang sa nakatapos nga siya ng pag aabogado. Pero ngayon, hindi muna siya nag abogado dahil gusto niyang bumawi kay Don Geslhor. Kaya siya ngayon ang kanang kamay ni Don Geslhor, ang kaniyang ama naman ay nag retiro na, iyon ang huli kong balita kay Shiro," mahabang kwento ni Manang.

"Kaya ba Manang, gusto nila Ghil na mag aral si Jasper?"

"Alam mo rin pala 'yan, para sa akin ay hindi. Gusto lang nilang itulak si Jasper dahil 'yun talaga ang gusto niya, ang makapag tapos sa pag aaral. Gaya ni Shiro, hindi niya kayang mag aral dahil sa hirap."

"Eh manang, malaki naman 'yung sweldo nila ah?" takang tanong ko.

"Hindi naman natin alam kung saan napupunta ang sweldo ng bawat isa," sagot niya.

"Siya sige, kumain ka muna diyan, kaka alis lang nila Luis tapos nag chi-chismisan na 'tong mga maids na 'to," natawa ako sa sabi ni Manang.

"Bumalik na kayo sa mga kaniya kaniya niyong gawain! ang aga aga," sabi ni Manang na parang galit sabay kindat ni Manang sa akin na nagets ko kaagad.

Sorry for late update!! sorry na, wala talaga akong load HAHA.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon