43

180 5 1
                                    

MATT

"Isang baby lang nababanas na agad kayo? Akala ko ba handa na kayo?" pang aasar ko sa tatlo.

Nandito kami sa Mansion lahat i mean apat lang kami. Day off ng mga body guard at yaya dito.

Si Valerina naman ay kinuha ni Veron. Ang ending ay kaming apat lang ang nag aalaga kay Valerie.

I thought kaya na naming alagaan siya pero mukhang mali ako ng akala.

"Look who's talking," sabi ni Luis kaya napa ngisi ako kasabay ng pag iyak ng Valerie.

"Damn, can you just shut your mouth?" pagtitimpi ni Darius sa amin kaya mahina kaming natawa. He just glared to us kaya mas lalo kaming natawa.

Dahil hindi siya matahan at hindi namin ma contact ang nanay niya ay gumawa nalang kami ng milk niya.

"Hindi na ako mag aanak," suko ni Ghil kaya natawa nanaman kami.

"Ano bang gagawin sa kaniya para matahimik na siya?" tanong ko.

"Mukha bang alam namin?" tanong naman ni Luis kaya napa face palm nalang ako.

Bakit pa ba kasi kami nag insist na iwan si Valerie rito eh. Bahala na kung anong mangyayari sa kaniya.

"Give her a milk," sabi ni Darius na seryoso pa ang mukha.

"Paano tayo gagawa?" tanong ko baka naman mag kamali kami.

"Valerina teach us, remember?" tanong
naman ni Ghil kaya natango ako. Oo nga noh? Kinuha ko 'yung powdered milk ni Valerie at 'yung bottle na rin na naka sterilize.

Nag lagay ako ng apat na scoop. May kalakihan naman ang bottle ng milk niya dahil gutom at matakaw ito sa gatas gaya ng nanay niya noong pinag bubuntis pa siya.

Tinikman ko muna kung matabang o kulang sa lasa bago ko binigay may Ghil.

"She loves it," ani ni Darius.

"Bilib nanaman kayo sa akin," pag mamalaki ko, ang mga gago ay naka poker face lang. Mga bastos na nilalang.

Pinag mamasdan muna namin siyang inuubos ang gatas na inumin niya pero sa kalagitnaan no'n ay may tumawag kay Darius. Lumayas muna ito sa amin kaya tatlo nalang kami.

"Nag tataka talaga ako, paano masusulat ni Valerie 'yung name niya sa papel?" napatingin naman sila.

Pinag aawayan kasi namin dati ang name ni Valerie in the end lahat ng gusto naming name ay binigay namin sa kaniya.

Lahat din ng bib niya ay may kaniya kaniyang name like Valerie, Danise, May, Louise.

"Can you smell that?" after a while ay tinanong ni Ghil 'yan. Kami naman ni Luis ay nag aamoy. Napatakip ako ng ilong dahil ang sakit sa ilong ang nanamoy ko. Ganoon na rin silang dalawa.

Sabay sabay kaming tumingin kay Valerie. Mukhang sumabog na ang pumuputok na bulkan.

"We're dead," tanging sabi ni Luis kaya nag hanap na si Ghil ng diaper. Ako naman ay kumuha ng damit at pajama niya.

"Rock, paper, scissor," 'yan ang laro namin sa tuwing kaming apat lang ang mag aalaga kay Val at 'yon ang magiging pasiya kung sino ang mag lilinis sa pag babawas ni Valerie.

In the end, si Luis ang nag linis. Tinuruan naman na kami ni Valerina kung paano siya malinisan eh. Nang matapos siyang mabanlawan ng maligamgam ay nagtataka ako dahil hindi pa bumabalik si Darius.

Nag wipes na ako sa bandang hita ni Danise. Binihisan naman ni Ghil at narinig namin ang pag tawa ni Valerie nang kaunti.

"Do you like it huh?" tumawa uli ang bata kaya nag tawanan kami. Sinutil namin ang bata. Alam kasi naming mamaya maya ay aantukin na ang bata dahil nag gatas at nag bawas na ito.

Mas malala nga noong nakaraan dahil inihian ni Valerie si Ghil habang nag dina-diaper niya ang bata. Natawa ako noong maalala ko 'yon.

"They're here again, fuck!" napatingin kami kay Darius na halatang stress ang pagdating.

"The who?" tanong ni Luis.

"Those dogs, they're barking again," sabi nito at napasabunot sa ulo.

Mukhang nakaka stress nga, nag paparamdam nanaman ang mga aso.

"Jasper, pwede bang pag hindi ka na tinanong ni Valerina uli sa kung anong nangyayari, mag kunwaring wala ka nalang alam?" narinig kong sabi ni Dante kay Jasper.

Nandito kami ngayon sa labas ng airport dahil nahimatay nga si Valerina.
In the end, sinabi at kwinento ni Vern ang mga nangyayari dahil alam naming hindi niya rin naiintindihan.

Ilang araw nang hindi nagigising si Valerina. At doon nag pasiya si Darius na i meeting ang lahat ng tao sa Mansion.

Dito na rin namin sasabihin sa spy na kilala na namin siya. At hindi pa rin ako maka get over doon sa ginawa niya.

"You can now take your vacation for how many years, Khean," yes, you read it right. Si Khean, ang pinaka bata sa Mansion ang spy.

Noong una ay hindi talaga ako maniwala dahil halos ka edad niya lang si Jasper. Pero may mga ebidensya na lumabas na siya ang spy. 

Alam naming nagugulhan ang mga tao pero alam din naming naintindihan kami ni Khean. Nang matapos ang meeting at kami kami nalang ang nanditong apat at anim na body guard ni Valerina ay umamin siya.

Sinabi niyang nakilala niya lang ang totoong boss niya sa isang park at inutusan siyang maging maid dito para i update niya ang nangyayari rito.

But she clarified na kami ang pakay niya, hindi si Valerina.

"Alam ko pong darating ang araw na 'to, kaya handa na po ako. Pero po sana ay hindi nalang ito makakarating kay ate Valerina. Naging mabait at ate na po ang turing ko sa kaniya. Triple rin po kasi ang binabayad sa akin sa sahod sa akin."

"Sana po ay mag sinungaling nalang kayo kay ate Valerina na ako na mismo ang umalis sa Mansion. Ayaw kong mag taka siya kung anong mangyari at ayaw kong malaman niya ang ginawa ko."

"Masiyadong mabait si ate Valerina para malaman 'yon. Handa akong makulong sa ginawa ko," kasabay no'n ay binaba ang isang envelope sa table na nasa harap.

"Pag nalaman niyo na raw ho ang salarin ay ibigay ko ito," isang message na may pagka haba haba. Kinuha 'yon ni Darius at binigyan niya si Khean ng pera na nasa envelope.

"I don't want you to go in the jail. Stop bothering us, stay away from us and build a new life, far away from us. I am giving you a second chance to fix yourself, Khean. You're still young, I don't want to see your face again," at lumayas siya pa akyat.

Lahat kami ay tulala sa nangyari lalo na si Jasper. Alam kong nasasaktan siya dahil kahit papaano ay naging close sila.

"Jasper," wika ni Khean.

"Ako na ang mag hahatid sa'yo sa labas,"  tumango nalang ako at binitbit niya ang gamit ni Khean na ngayon ay lumuluha na. I am also disappointed to what she did. But I am rooting for her new life.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon