28

274 5 0
                                    

Valerina

Alam niyo ba 'yung pakiramdam na nanginginig ka tapos hindi pala matutuloy?

Ay mga teh, nakaka loka. Akalako ay pupunta na ang lolo ni Ghil. Bigla kasing nagka problema kaya ang ending ay hindi sila natuloy. At dalawang linggo na ho ang nakararaan buhat noong nangyari 'yan. Baka sa susunos naman ay ipa admit na ako sa Hospital, ayaw ko pa kasing mag advance na mag stay doon kais mas boring.

Syempre chismis ko 'to at nakiki basa lang kayo. De jok, d naman kayo mabiro.

"Naku malala na talaga si Señorita," nabalik ako sa reyalidad noong narinig ko nanaman ang SEÑORITA.

"Ano nanaman?!" inis na tanong ko, aba't bigla bigla nalang nila ako isasama sa usapan, dapat alam ko ang topic noh!

"Señorita kasi, uso naman i share ang iyong naiisip," pagpapakalma ni kuya Dante.

"Mga chismoso 'tong mga 'to, hwag na kay-"

"Señorita?" nahinto ako sa pagsasalita noong may naramdaman akong kirot. Tangina anong nangyayari?

"A-Aray!" sabi ko dahil ang sakit ng tiyan ko. Shet manganganak na ba ako?
Lumapit silang anim sa akin at inalalayan.

"Señorita, ano pong masakit?" pag aalalang tanong ni Jasper na nakita ko sa mga mata niya, pero.

"Yung ulo ko siguro, dun kasi ako nakahawak eh," pamimilosopo ko, aba't common sense naman!

"Aray! ma-manganganak na ata ako!" ang sakit. 

"Dante, ihanda ang sasakyan," ma awtoridad na sabi ni kuya Vern.

"Copy boss."

"Sabihin mo kay Manang na tawagan sila Señorito, mukhang manganganak na si Señorita," tumango ito at umalis.

"A-Aray!" inda ko pa.

"Felipe, umakyat ka sa Nursery Room, kunin mo ang mga gamit na dadalhin natin," ngayon at pina upo nila ako saglit.

"Señorita, kaya pa ba?" nag aalalang tanong sa akin ni kuya Vern.

"Kuya Vern! ang sak- aray!" sigaw ko sht ang sakit na ng tiyan ko.

"Señorita, kumalma ka, enhale, exhale," sinunod ko naman si Kuya Vern habang hinihintay sila Manang.

"Jasper!" sigaw ni kuya Arnold, takte paano ba naman, nahimatay!

"Akala mo naman siya 'yung tatay," sabi ni kuya Arnold na akap na si Jasper.

"Isama natin 'yan sa Hospital, tara na. Delikado pag nanganak si Señorita ng wala sa oras," doon ko naramdaman na bitbit na nila ako.


Mat

Nandito kami ngayo nsa tambayan namin, nah. Safe place namin kung baga. Hindi naman 'to nalalayo sa Mansion so we can easily go-


"What the fu+k!" i heard Ghil's curse.

"What?" Darius asked.

"Si Valerina!"

"What happened?" sabay sabay naming tanong.

"Sinusugod na raw sa Hospital, she will give a birth!" lahat kami ay nag kaniya kaniyang alis sa upuan.

Oh my god, bakit nakalimutan kong kabuwanan niya pala!

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon