9

405 9 0
                                    

VALERINA

"Nice One!" kasalukuyan akong nanonood ng Basketball sa T.V. Ang boring dahil nasa kaniya kaniyang kwarto na opisina ang apat.

Buti hindi sila nagsasawang humawak ng papel sa maghapon. Siguro kung ako 'yun ay naboryo na ako lalo na't puro words achururut ang binabasa nila.

Pag wattpad or pocketbook 'yan? ay aba kahit ilang libro pa ang ilagay sa table ko ay hindi ako mag sasawa. Paano kaya nila nakakayang basahin ng buo ang mga papeles.

Meron kasing araw na napadaan ako sa kwarto ni Mat. Hoy hindi ko sinasadya 'yun ha. Hindi ako chismosa or mahilig mangielam ng gamit ng ibang tao. Sadyang nahahalagilap 'yun ng dalawa kong mata.

"3 points!" galing talaga ni Stephen, shutakels. Siya ang pinaka gusto ko sa lahat ng basketball player. Skl, angal ka?

"What's that noise?" napatigil ako sa excite noong may narinig akong boses sa likod ko. Lagot! baka na istorbo ko sila. Pero imposible naman 'yun eh nasa kaniya kaniya silang kwarto at nasa baba ako.

Dahil nga may nagsalita sa likuran ko ay lumingon ako at hindi nga ako nagkamali, boses 'yon ni Darius na nakasalamin pa. Mas lalo siyang gumagawapo sa salamin niya. Edi wow.

"Ah eh nanonood ako ng Basketball, na istorbo ko ata kayo," nahihiyang sabi ko na nagkakamot ng ulo at umupo siya sa tabi ko.

"Sorry hehe, promise hihinaan ko na ang boses ko," sabay taas ng kamay na nangangako.

Ngumiti ito, himala madalang lang 'to mangyari. "It's fine, I'm done with my works, how are you?" tanong niya habang tinabi niya ako at inakbayan sa sofa na ngayon ay hinahawakan na ang umbok kong tiyan.

"Masakit pag sumisipa siya, pero iniisip ko nalang na nagpapapansin siya kaya nababawasan kahit papaano."

Hinimashimas niya ang tiyan ko at mukhang naramdaman ito ng bata dahil sumipa siya. "Becareful pretty, you're hurting your mother, don't do that again, hmm?" at sumipa ulit ito. Pareho kaming nagulat ni Darius at tumawa. "That's my girl," at himihimas pa rin ito.

"What's up people!" sigaw ng kung sino at nang lingunin ko ito ay si Mat ito kasama sila Luis at Ghil.

"Bakit mukhang masaya ang reyna, aber?" 'yun ang tinanong sa akin ni Mat na naka upo na ngayon sa Mat na inaapakan namin.

Hindi ko alam kung bakit iba ang kinikilos nila pag kaming lima lang ang magkakasama na kahit isang body guard talaga ay walang naka bantay.

Ibang iba sila pag may mga kasama kami. Mukha silang monster dahil iba ang titig at awra nila sa ibang tao. Kahit pa sa mga body guard.

"The baby bumped," maikli nanamang sagot ni Darius at ngumiti ito ng maikli na halata naman. Kunwari pa ang isang 'to, akala mo naman kinatanggal ng angas niya pagngumisi.

Nang matapos kaming magkwentuhan ay napagdesisyon naming kumain na dahil hapunan na rin naman. Inalalayan nila ako dahil medyo nahihirapan na rin ako sa lagay ko. Kung hindi lang ako nag pa check up ay iisipin kong buntis ako sa dalawang bata.

"What do you want?" wow 'yan ang gusto ko, ang tinatanong ako. "What do you mean?" tanong ko kay Ghil, aba mahirap na mag expect noh!

"Buy some things, whatever do you want," hayan, clear! "Ano lang hehe, ano." 

"Walang ano sa kahit anong Mall sa buong mundo, Val."

Oo nga naman, hindi ka talaga shunga Valerina, shutaka. "Libro sana," pahinang sagot ko, aba kahit matagal na ako rito ay may hiya pa ako.

"Okay then," sagot ni Luis, kukunin niya na sana ang cellphone niya, pinigilan ko ito.

"What?"

"Hwag kang gagamit ng telepono sa hapag, maliban nalang kung kinakailangan," paliwanag ko.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon