51

299 7 1
                                    


3rd Person's POV

Habang nag uusap si Mat at Jasper ay nakarinig sila ng putok ng baril kaya dali dali silang tumakbo at inilabas ang baril. Hindi sila handa, sila sila lang ang magkakasama, hindi sila nagsama pa ng iba, si Manang naman ay dinala muli sa Hospital dahil inatake nanaman siya ng high blood.

"What the hell??" nasabi ni Mat.

Sa kabilang banda naman ay habang pinapanood ni Andy si Valerie na naglalaro ng buhangin ay nakarinig ito ng putok ng baril, doon na alerto si Andy dahil kasama niya ang bata, dali dali niya itong nilapitan at binuhat at nagtago.

"Sht!" Hindi siya sigurado kung saan banda galing ang putok ng baril. May nagsalita sa earpiece nito.

"Where did you hide, Andy!!?" medyo napalakas ang boses ni Darius na tumatakbo na rin galing sa banyo, inutusan naman ni Luis si Felipe, Arnold at Dante. Magkasama naman si Ghil at Vern na dali dali ding bumalik sa cottage na kung saan nandun sila Andy kasama ang bata.

"Ligtas kami boss," tanging nasabi ni Andy dahil bitbit niya ang bata na kasalukuyan silang nagtatago sa bandang gilid ng banyo na tahimik at madilim.

Nakarinig muli silang lahat ng dalawang putok ng baril. Hindi na nagdalawang isip si Andy na isuot kay Valerie ang earphone. Pero bago niya ito isinuot sa bata ay may sinabi ito.

"Magtiwala ka lang kay kuya Andy okay? Walang mangyayari sa baby namin, tatakas lang tayo," nagugulhan man ang bata ay tumango nalang ito.

Hindi pa sila pwedeng lumabas dahil may pumutok muli.

"Bulsht!" bulas ni Ghil sa kabilang linya.

"Where are you Felipe?" tanong ni Luis.

"Nahuli na po namin yung isang bumaril, may tama si Arnold bossing." sagot nito.

"Malayo sa bituka bossing," singit ni Arnold.

"Where is Dante?" tanong ni Luis.

"Humiwalay po siya sa amin para maka punta sa gawi nila Andy," sabat ni Felipe.

"Andy, where exactly are you?"

"Hindi pa po kami umaalis ni Valerie dito sa gilid ng banyo," sagot ni Andy sa kabilang linya.

"Papunta na ako, may papalapit sa gawi niyo Andy, harangan mo si Valerie," sabi naman ni Dante.

"Copy," at ginawa na niya ang sinabi ni Dante.

Papalakad palang ang lalaki sa gawi nila Andy ay pinutukan niya na ito, buti nalang ay naka silent gun ito kaya hindi maririnig ang putok.

Biglang na estatwa si Andy dahil may humawak sa braso nito, tututukan na niya sana ito ng baril ngunit binatukan lang siya.

"Gago! Papatayin mo ba ako?" mahinang tanong ni Dante.

"Magkita kita tayo sa Parking lot kuya Andy, malapit lang dito ang pinagtataguan niyong tatlo," biglang ani nito.

"Paano ka nakakasiguro na wala ng magpapaputok ng baril Jasper?" Tanong ni Mat.

"Asintado 'to bossing, inubos ko eh," maangas na sabi ni Jasper, lahat nalang sila ay napa iling sa sinabi ng bunso.

Dahan dahang naglakad sila Andy, bitbit naman ni Dante si Valerie. Nang makarating ang tatlo sa parking lot ay nagkaniya kaniya silang kotse, kasama na ngayon ni Valerie si kuya niya Jasper at tinaggal na ang earphone nito.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon