31

302 7 0
                                    

Valerina

"Para ka namang nalugi diyan," nabalik ako sa reyalidad noong biglang sumulpot si kuya Vern.

Dahil nga tulog naman ang anak ko, malaya ako kahit papaano. Eh paanong hindi nalugi?

"Ngayon ko lang nasabi dahil busy ka kay Princess."

Ibinalita niya sa akin na umalis na pala ng Manila sila mama at papa noong ipinapanganak ko palang ang bata.

"Babalik daw po ba sila?" tanong ko.

"Ang sabi lang ay alagaan siya ng maayos lalo ka na, wala namang sinabing iba," duda ako rito kay Manang, edi sana hindi na siya nakipag chikabebs kela nanay na sobrang haba. Kwento kasi ni Jasper sa akin ay mahigit isang oras na wala si Manang.

"Daya nitong batang 'to, i share mo kasi," uh! nawawala nanaman ako sa sarili.

"Kuya Vern, may pang tawag po ba kayo?"

"Oo naman Señorita, sino po ba ang tatawagan niyo?" sagot naman niya.

"Si Prisa lang po, matagal ko na po kasi siyang hindi nakakausap," kalahating totoo, kalahating hindi.

Ibinigay ni kuya Vern ang telepono niya at lumayo sa akin ng kaunti, na para bang naka estatwa na lamang ito.

"Sino 'to?" hays salamat, sinagot mo rin.

"Pris, si Valerina 'to," sagot ko naman.

"Omg! how are you beh?" narindi naman ako sa boses niya. Kahit kailan talaga.

"Hwag ngayon, nasaan sila nanay ngayon?" pag iiba ko ng usapan. Siyempre straight forward na tayo, mahirap na't nandito si Luis.

Ang tatlo ay nasa kaniya kaniyang kompanya ngayon. Pinagtrabaho ko na sila at maganda naman ang pinag-usapan nila.

"Beh, bakit ngayon ka lang magtatanong?" buset ka talaga.

"Sagot na kasi," inis na sabi ko.

"Biglaan ang pag-alis nila Nanay eh, kahit si Kio at ang higad ay hindi ko na rin nakita noong kinabukasan," doon ako nawalan ng pag-asa. Ano bang nangyari at wala akong alam.

"Edi ang ibig mong sabihin ay wala ng tao diyan?" tanong ko.

"Exactly, kaya nga nabigla rin ako eh, wala man lang sinabi si tatay na kung ano, eh bakit mo lang pala nalaman? ano bang nangyari sa'yo?"

"Eh kasi, nangan-"

"Anoooo?! tapos hindi ko alam, seriously? kailan ka pa nagtago ng ganiyan ha?" O.A naman ng babaeng 'to.

"Mag iisang linggo na rin buhat noong nanganak ako."

"At isang linggo na rin buhat noong umalis sila nanay, at magiisang linggo na rin akong walang ka chismisan," napa kusilap ako sa mga pinagsasabi niya.

"Shut up okay? babalik ako diyan pag may time," hindi ko na siya hinintay na sumagot at ibinababa ko na ang tawag.

Hahaba lang ang chismisan pag nagkataon. Knowing, Prisa, samu't saring chismis ang dala nun.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon