41

234 4 0
                                    


Valerina

Alam niyo bang halos mamatay ako sa kakatawa dahil lang kay Valerie at sa kaniyang mga tatay?

Walong buwan na ang nakararaan simula noong na-iluwal ko si Valerie sa mundo. Hindi man makikilala ni Valerie ang kaniyang totoong tatay, sana hindi siya maghanap ng tatay someday.

Wala naman akong problema sa pagpapalaki kay Valerie. Hindi ako nahirapan dahil may mga kasama akong nag palaki sa kaniya.

Kaso, hindi ko alam kung matatawa ako o hindi kaya'y mag aalala sa kanilang apat.

Gan'to kasi, alam niyo bang pinag usapan nilang alternate sila sa pag aalaga kay Valerie. Usapan nila 'yan bago mag eight months si Valerie.

"Saan ang fitting room niyo?" nabalik ako sa reyalidad noong nagtanong ang customer sa akin. I already have my own shop here sa mall ni Luis.

Ayaw pa nila nung una dahil daw kaya naman daw nila akong buhayin na hindi ako napapagod. Pero pagod na akong maging palamunin, oo nakakapagod din kaya.

"This way po ma'am," 'yung sales lady ko nalang ang nag turo sa kaniya. Nag ring naman ang phone ko at si Luis 'yon, anong meron?

"Yes?" tanong ko.

"Anong gagawin pag hindi siya matahan sa pag iya- shhh ok ok baby papa is here, don't cry," hindi niya naituloy ang tanong niya dahil mukhang umiiyak nga si Valerie.

"I already gave her milk to her," naaawa na ako sa mga 'to. 'Yong mga bodyguard ko kasi ay nandito sa shop ko.

"I-hele mo siya, you know the word hele naman siguro diba?"

"Yes, i know," sagot niya. Maya maya pa ay natahimik na ang kabilang linya.

"I'll gonna hang up na, she's already sleeping."

"Okay, good bye," then i ended the call.

"Anong gusto niyong lunch, Señorita?" tanong ni kuya Andy na kakasulpot.

"Kayo na pong bahala sa lunch natin," tumango siya at nilayasan ako.

SUMAPIT ang hapon nang maka uwi ako, nakita ko naman ang apat sa sala. Sinalubong nila ako. Parang kailan lang ay ako pa ang suma-salubong sa kanila galing office.

"Ang aga niyo naman?" ani ko sa apat noong maka upo ako.

"You're just late," ani ni Ghil kaya napatulala ako. Seriously? ako ang late ng uwi?

"Ay ewan ko sa inyo, hi baby," bati ko sa anak ko gising at nilalaro ng apat.

Binuhat ko ito, "How's your work?" tanong ni Luis, "okay lang naman. Kayo ba, last week ang huling matinong usapan natin ah?" nasanay kasi akong ina-update ng apat kaya gan'to nalang ang inasta ko.

Pare pareho kaming umakyat ng nursery room, actually dapat si Darius lang pero sinundan ko siya, edi sumunod din ang tatlo.

Nag chi-chikahan kaming lima hanggang sa maka pasok kami sa room ni Val, binigay ko naman ito kay Darius.

"Uhm, hindi ba kayo napapagod?" panimula ko na inaayos ang mga laruan ni Valerie.

"To?" tanong ni Mat.

"Kasi diba, nasanay kayong walang bata sa paligid, like-"

"We are her father, how can we be so ruthless to her?" tanong ni Ghil.

"We already know our part from the start, Valerie. We told you, you don't need to worry about us," sabi ni Luis na inaayos ang crib ni Valerie.

"Fix your self now, before you have her again," oh tignan niyo ang isang 'to, sobrang mahal ang mga salita.

Tumango ako at lumabas ng kwarto ni Val. Actually, saakin siya natutulog, pero naiiwan siya sa kwarto niya pag may mga kasama lang siya.

Ayaw kasi nila Mat na maiwan si Valerie do'n. Bata pa rin daw si Valerie, hindi ko raw alam kung kailan ma-aaksidente ang bata, kaya gano'n ang naging usapan.

Nang katapos ang dinner ay nagpunta ako sa garden. Busy naman sila kay Valerie kaya hindi nila ako mapapansin.

"Anong iniisip ng Señorita na 'yan," napatingin ako sa likod ko. Si kuya Vern lang pala.

"Uh, iniisip ko lang po kung ano ang buhay ko ngayon kung sakaling hindi ko kayo na kilala. Silang apat."

Umupo naman ito sa tabi ko.

"Bakit, nagsi-sisi ka na ba?" tanong niya kaya umiling ako.

"Never kuya, kaso napapaisip ako, gano'n din kaya sila? Hindi rin ba sila nag sisisi na nakilala nila ako, kami ni Valerie?"

"We're not," kita kong sumulpot si Luis.

"Maiwan ko po muna kayo," at iniwan na nga kami ni kuya Vern. Si Luis naman ay tumabi sa akin. at hawak ang buhok ko.

"Don't think too much."

"You can't blame me," sagot ko naman at sumimangot.

"I know na maiisip mo 'yan, ang gusto ko lang sabihin sa'yo ay hindi namin pinagsisihan 'yang bagay na 'yan. You and Danise are blessings to us. Hindi mo man alam ay binago niyo ni Valerie ang buhay naming apat. Lalo na si Darius, you know him right? Wala siyang pake sa mundo."

"But when you gave birth to our daughter, you gave him a light. Valerie gave her father a light in his dark life," dugtong niya.

"Hindi man pinapakita ni Darius na may soft side siya pero makikita mo naman sa action niya. Kaya hwag ka nang mag isip ng kung ano ano okay?" tumango ako at ginulo ang buhok ko.

Sumimangot ako dahil kakayos ko lang kanina 'to. Ang gago ay tinawanan lang ako.

"Ang daya, nag sosolo na kayo diyan, anong chismis?" tanong ni Mat na kakalabas lang mula sa loob, alangan naman.

"She wants to visit her ex-"

"What?!" gulat naman ako dahil sumingit na si Ghil.

"Masiyado kang sinungaling, Luis. Itigil mo 'yan, baka masapak kita, sige ka diyan," natawa naman ang gago.

"Joke lang, pero gusto mo ba siyang makita?" nahinto naman ako. Napa isip kung kumusta na siya, nawala rin kasi sa isip ko. Siguro ay nasobrahan ako sa pag tutok kay Valerie.

"I don't know, gusto ko na ayaw ko," pag amin ko kaya natahimik sila.

"I want to repeat his question, do you want to?" this time ay lumabas na rin si Darius na kasama si Valerie.

"Gusto ko dahil gusto ko na rin makita sila mama. Ayaw ko dahil wala na dapat kaming pag usapan pa ng tatay niya. Kinda weird right?" straight na sagot ko.

"Tell us if you are already ready," sabi ni Ghil kaya tumango ako.

"We're all tired, let's sleep," aya ni Luis kaya nagsi-tango kami. Binigay na ni Darius sa akin si Valerie.

"Good night," bati nilang apat kaya tumang ako. Pumunta na rin kami sa kaniya kaniyang kwarto.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon