2

552 6 1
                                    


3rd Person

Kasalukuyang tahimik ang dalaga sa garden, araw ng sabado. Nag ooverthink nanaman ang babaeng pinagpala. Charot.

"Hey," bati ni Darius kay Valerina. Sabi sa inyo eh, pinagpala.

"Oh, kailangan mo?" sungit na tanong ni Val. "What the, ang ganda ng pagbati ko, minsan lang sa buong buhay ko 'yon," reklamo naman ni Darius.

"Bakit, may sinabi ba ako na batiin mo ako?" tanong naman niya. Napa hilot sa sintido si Darius, na alala niyang buntis nga pala ang kausap niya. Pero bakit nasobrahan naman ang pagka sungit.

"What do you want?" tanong ni Darius. Nasa mansion ang apat ngayon, sa normal na buhay na wala si Val sa puwader nila, halos hindi na umuwi ang apat. Ngunit kahit papaano ay nag aalala sila baka may mangyari nanaman sa kaniya.

Lumiwanag naman ang mata ng dalaga, sakto ay naisip niyang pumunta sila sa mall, matagal na noong pumunta sila sa mall.

Ang huli ay 'yung nag celebrate sila ng ex niya ng anniversary. Na alala niya nanaman ang lalaking dahilan kung bakit masaya na ang buhay niya.

"Hey, bingi ka ba?" nabalik sa reyalidad ang dalaga. "Punta tayo sa mall!" masaya niyang sagot na kinatuwa ng binata. Parang bata kasi ang inasal ni Val.

"Alright then."

"Pero gusto kong kasama rin 'yung tatlo, kaso baka busy sila," banggit ng dalaga, tinutukoy niya ang tatlo pang binatilyo na tumulong sa kaniya.

"Don't mind them, lets go," kahit ayaw niya pa ay sumunod na siya.

"Go to your room and change your outfit," utos ni Darius pero hindi ito sumunod kaya na curious siya.

"What's the problem?" takang tanong niya.

"Wala namang masama sa suot ko ah?" tinignan niya pa ang terno niyang pantulog. Naligo na ito pero gan'to talaga siya mag suot sa buong mag hapon dahil para sakaniya ay maganda naman.

Tumango nalang si Darius bilang pag sangayon. "Wait me here, I will change my clothes," wala namang masama sa suot niya. Hinayaan niya nalang ito dahil baka magalit pa.

Maya maya pa ay pumasok sa sala ang tatlo mula sa taas sa kani-kanilang kwarto. Ang pinagtataka niya ay naka ayos ang mga ito.

"May lakad pala kayo?" nasanay na kasi ang dalaga sa apat dahil hindi naman pumapasok sa weekend ang mga ito.

"We're in," nagulat pa si Val sa sinabi ni Ghil.

"Galing niyo rin noh, si Darius lang ang inaya mo, kung hindi narinig ni Luis edi naiwan kami rito." Usal naman ni Mat na kinatawa ni Val.

"What's funny?" takang tanong ni Luis na naiinis pa rin. "Para kasi kayong tanga, bakit hindi nalang kayo nag sabi na hindi kayo busy, gusto ko ngang sumama kayo para naman hindi kayo nagmumukhang workaholic" sabay simangot nito.

"Tsaka, narinig mo na nga, hindi mo pa pinakinggan lahat," dugtong niya. Nang maayos na lahat, nag kaniya kaniya na sila ng sasakyan. Kahit si Val ay may sariling sasakyan.

Hindi niya pa rin maisip na nasa mansion na siya ng mga taong mukhang takot ang mga nakapaligid sa kanila. Hanggang ngayon ay hindi nita pa tin maintindihan kung bakit parang boss sila masiyado. Ilang buwan na rin niyang  kasama sila pero marami pa ring hindi nalalaman.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon