47

184 3 2
                                    


JASPER

"I'm not a baby anymore," pag mumuryot ni Valerie. Niloloko ko kasi siya rito sa sala habang wala pa ang mga daddy niya, isang linggo na noong tumawag si Valerina. Text text nalang ang nangyayari ngayon. Hindi naman naman kasi maharap ngayon dahil may dumating din na problema kaya hindi namin siya pwedeng pauwiin.

Sinisigurado naman namin na ligtas sa puwader namin si Valerie. Lintek talaga kami sa nanay nito pagnagkataon. Bakasyon naman kaya walang pasok, bakasyon nga diba, kulit naman ng lahi niyo eh!

"Sige ka, maghahanap sila ng ibang Valerie pag hindi ka uminom ng gamot," pananakot ko, wala na akong maisip na iba, nasaan ba kasi ang mga kuya ko.

"Really?" ay shet, tumatalab.

"Oo, pero sige itatago ko nalang-"

"Noooo, I will drink that na po," sus, madali lang naman pala kausap 'to. Nilalagnat kasi siya kaya dapat uminom ito ng gamot, madalang naman siya lagnatin, kakatapos lang pumunta rito kani-kanina ang personal na doctor ni Valerie. Alam niyo namang hindi basta basta ang titingin kay Valerie, hindi papayag ang mga tatay niya.

Ang sabi naman ng doctor ay uminom lang siya ng gamot at magpahinga, gagaling na rin ito agad.

"Ayaw mo pa talagang umakyat sa kwarto mo?" kanina ko pa ito pinipilit na magpahinga na sa kwarto niya pero ayaw niya. Umiling ito at uminom ng tubig sa tumbler nito.

"Hihintayin natin sila?" Tumangon ang bata, mabait naman ang batang ito, may pagkamaldita lang na nakuha niya sa nanay niya. At makulit na nakuha niya kay boss Matt.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko rito. Alam kong boring na boring na siya dahil kinuha sa kaniya ang mga gadgets niya at kami at ang aso niyang alaga lamang ang nakakalibang niya.

"Anything I want po ba kuya?" Nagliwanag ang mga mata nito at tumayo sa sofa, at inalalayan ko ito,  maraming bawal sa kaniya kaya ganiyan nalang ang saya sa mukha niya.

Bahala ng masisante, ang mahalaga lumakas ang batang ito, lord, guide me. Ngumiti ako rito at inayos ang cool fever sa noo niya.

"Basta kayang ibigay ni kuya Jasper," ani ko. Sumilay naman ang ngiti nito at parang nasa harap ko lang si ate Valerina, nakakamiss ka rin po pala ate ko.

"Cookies! Cookies!" sabi nito kaya napatawa ako. "But with milk," dagdag niya kaya ngiti akong tumango sa bata.

"Tara sa kusina? piggyback!!" Sayang saya naman siya kaya lumundag ito sa likuran ko.

Pinahanda ko kay Manang ang mga gagamitin at tumulong na rin siya sa paggawa ng cookies na gusto ni Valerie.
Nagpaalam muna ako na may kukunin saglit sa itaas at napagdesisyon ko nang magdamit, hindi ko alam kung bakit pawisin na ako.

Nang makababa ako ay rinig kong nag i love you si Valerie at nang dungawin ko ito ay masaya siyang binigay kay manang ang cellphone, mukhang kausap niya ang isa sa mga bossing.

"Thank you kuya, thank you Manang, I love yoh po both!" masayang pagpa-pasalamat ng bata sa amin habang siya ay kumakain sa kabilang banda ay nanginginig na ako sa parusa na matatanggap ko.

"You're welcome, our princess," sabi ko at pininch ang ilong nito, nakakagigil dahil ang tangos at nahiya naman ang ilong ni kuya Arnold, joke lang Hehehe.

Habang nagsusulat ako ng resignation letter, oo nagsusulat na ako, ang exaggerate ko sa part na to pero parang hindi naman ako nagtagal sa bahay na to, alam ko na ang patakaran dito. Papaalisin ka o ikaw ang kusang aalis.

Matapos kong magsulat ay napagmasdan ko ang bata, napaka gandang bata, mas maganda pa sa nanay, hindi ko nga alam kung bakit hindi nakuntento sa iisang poday ang lalaking yon.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon