45

183 4 0
                                    


Valerina

"You need a rest," sabi ni Luis sa akin dahil kakarating lang namin sa lamay ni Khean. Last day niya kasi kaya pumunta kami.

"Sa backyard muna ako. Kuya Vern, tulog naman po si Valerie hindi ba?" Tumango naman si kuya Vern.

"Pakidala nalang po muna siya sa kwarto niya," tumango naman ito.

Nang makarating ako rito sa backyard ay umupo na ako, nang maka upo ako ay saktong nakaramdam ako ng sariwang hangin. At naalala ko nanaman si Khean. Napa yuko ako dahil doon.

"Sorry Khean, sorry," sabi ko sa kawalan at alam kong paluha na ako.

"Sorry kung walang nagawa si ate Valerina sa'yo, wala akong nagawa para mailigtas ka sa kanila," pag papa umanhin ko.

"Pero pangako, hahanap at hahanap ako ng hustisiya," naramdaman ko namang may katabi na ako.

"Huli na ba ako ate para sabihin ang nararamdaman ko sa kaniya?" napatingin naman ako kay Jasper na malayo ang tingin.

"Sabi ko sa sarili ko, babalikan ko si Khean pag ganap na akong Engineer. Para maipagmalaki niya na ako pag dating ng araw," ani niya.

"Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit natitiis ko ang mga pagod ko sa pag aaral, kasi alam kong may naghihintay na Khean sa akin," doon ko na nakita na may tumulo na luha mula sa mata niya kaya pati ako ay tuluyan nang maiyak.

"Sorry for your lost, Jasper," sincere na sabi ko. Alam kong seryoso siya kay Khean.

"Wala ate eh, ang sakit lang, at hindi ko alam kung bakit kailangan kong masaktan eh wala namang kami," ang hirap din pala kung hindi mo alam kung may karapatan kang masaktan.

"May karapatan kang masaktan, kasi hindi naman nila hawak ang emotion mo eh, tsaka alam mong may kung anong meron kayo ni Khean," sagot ko sa kaniya.

"Kung gano'n, bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit parang hindi niya ako pinag kakatiwalaan?"

"She is thinking of your safety," napalingon naman kami ni Jasper kay kuya Vern, na nasa malayo na rin pala ang tingin.

"Siguro masasabi natin na siya na yung nakikita mong makakasama mo sa future, pero meron tayong tinatawag na TOTGA. Tama ba?" natawa kami ni Jasper nang kaunti pero tumango rin.

"Siguro hindi naman tayo bibigyan ng panginoon ng ganitong pagsubok kung alam niyang hindi natin kaya."

"I know mahirap kalimutan si Khean, alam ko kung gaanong kasakit ang pagkawala ng gusto mo nang iharap sa altar pero hindi na maari." Biglang sulpot ni kuya Vern.

"Bakit parang relate ka sa nararamdaman niya?" tanong ko kay kuya Vern na mukhang kinagulat niya.

"M-May sinabi ako?" sumama ang tingin namin.

"Kasi gaya mo, bago siya nagkaroon ng pamilya ngayon ay may ginusto rin siyang tao pero ayon, iniwan siya," nalingon naman kami sa nag salita nang dire diretso as in walang hintuan na nasa likod lang din niya.

"Damwt!" sabi ni kuya Vern kay kuya Dante at pinektusan niya.

"Aray! Totoo naman ah!"

"Anong chismis?" tanong na singit ni kuya Arnold.

"Kahit itanong mo pa kay kuya mo Andy, tot-"

"Oh bakit nadamay nanaman ang gwapo kong pangalan diyan?"

"Kuya Andy, sino 'yung babaeng nang iwan kay kuya Vern?" tanong ni Jasper na kahit ako ay hinihintay ang isasagot niya. Kita ko naman ang pag tingin ni Kuya Andy kay Kuya Vern na hindi maipinta ang mukha.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon