36

293 8 3
                                    


VALERINA

"Alam kong ayaw mong gawin 'to pero kailangan," sabi ni manang sa akin habang tinutulungan niya ako sa pag i-impake ng mga damit namin ni Valerie. Kaunti lang 'to kasi may mga damit naman daw kami na binili ni Veron.

"Kung pwede nga pong hindi eh," nakasimangot na sabi ko. Bukas na kasi ang alis namin, at ang dinner namin mamaya ang huling kain sa hapag na kasama ko sila. Wahh, parang gusto ko nalang mag paiwan.

"Mabilis lang ang araw, Valerina. Hindi natin alam na nagdadaan na pala ang araw na magkikita uli kayo."

Manang naman eh! Hindi naman ako iiyak. Tsaka bakit naman ako iiyak diba?

"Iiwan na kita, hwag ka mag alala, inaalagaan nila Vern si Valerie para hindi ka ma-istorbo," sabi ni manang bago niya lisanin ang kwarto ko.

Ngayon, magisa nanaman ako. Ito ang ayaw ko pag magisa ako. Nag ooverthink ako na hindi ko alam. Dumarating na ako sa point na umiiyak ako, pero hindi ko naman alam kung bakit ako umiiyak. Parang tanga naman HAHA.

Aaminin ko sigurong hindi ako sanay na wala ang apat sa tabi ko, 'yong tipong hindi ko sila makita kahit pa anino man lang nila.

Akalain mo 'yon, dumating na kami sa part na hihiwalay muna sila sa akin pagsamantala. Ni minsan ay hindi ko naisip 'to.

Siguro ay nasanay akong magagawa nila 'yong mga imposibleng bagay. Feeling ko kasi, pag unalis ako ng pagsamantala dito sa bahay ay may kulang na sa akin.

Hindi ko pa naman alam kung kailan ko sila makikita uli. Since hindi pa naman alam nila Mat kung anong exact date.

Nilisan ko sa utak ko ang mga pinag iisip ko at pinagpatuloy ko nalang 'tong pagtutupi ko. Ayaw ko munang mag isip.

"Ngumiti ka naman diyan," sabi ni Jasper.

"Halata ba?" tanong ko naman at ngumiti na. Sakto naman ay panghuling hakbang namin pababa dahil mag di-dinner na.

"Hindi naman kasi nakakapag sinungaling 'yang mata eh," sabay turo niya sa mata ko at iniwan niya na ako at sumunod kela kuya Vern.

Nang maka upo ako ay tahimik akong naghihintay ng i se-serve nilang pag kain. Wow, may Tom Yum!

Favorite ko kasi 'to lalo na pag nilagyan ko ng boiled egg. Kaso parang wala akong ganang kumain. Hindi ko nalang pinahalata na wala akong ganang kumain para hindi naman nila mapansin.

Habang kumakain kami ay nag ooverthink pa rin ako. May patayan kaya do'n? 'Yun kasi 'yung pino-point out ko. Hindi ko naman kasi kilala 'yung ibang makakasama nila.

"Valerina!"

"Ha? Oo, oo," aligaga kong sagot kahit pa hindi ko alam kung ano 'yung tanong.

"Anong oo? Nag tatanong kami kung anong oras ang alis mo," napapikit ako sa sinabi ni Luis. Kahihiyan nanaman 'to, Valerina.

"What are you thinking?" napatingin naman ako kay Darius noong nagtanong siay sa akin.

"Ha? Wala," sagot ko naman.

"I don't want to repeat my question, Valerina," pagbabanta niya.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon