40

200 8 0
                                    


Valerina

"Señorita, may bisita ho kayo," natigil ako sa pag didilig ng halaman dito sa garden noong nagsalita ang isang maid. Wala naman akong inaasahang bisita.

"Sino raw po siya?" tanong ko.

"Me," nagsalita ang isang babaeng sumulpot. Anak ng! Ang ninang ni Valerie.

"Hell?" multo ba 'to.

"Excuse me?! I visit you then tatawagin mo lang me na hell?" medyo may malungkot na ani nito.

"I mean, ikaw ba 'yan, Veron?" tumango naman ito. Tinignan ko ito mula ulo hanggang baba. Confirm, siya nga. Mukhang mamahalin nanaman ang suot niya. Anong aasahan ko diba?

"Miss me, Val?" sabay kindat pa ni gaga.

"Ofcourse," sagot ko at nakipag beso ako.

"Nasa kaniya-kaniyang trabaho ang apat eh kaya medyo tahimik," ani ko naman at sabay kaming pumasok sa sala.

"Pa ready po ng meryenda," utos ko sa isang maid at tumango ito.

"Where is Valerie?" tanong niya noong maka upo kami.

"Tulog pa siya sa gan'tong oras. Alas tres naman na ng hapon kaya baka maya maya ay magigising na siya," sagot ko. At hinain na ang meryenda naming dalawa.

"Hi Maam Veron!" bati ni Jasper na kagagaling lang sa school.

"Oh hi, Jasper, where have you been?" takang tanong ni Veron.

"Uhm, galing po kasi ako ng University," sagot niya at kinakamot ang ulo nito.

"Wow, you already continue your study huh?" masaya namang tumango si Jasper.

"Come here, i know you are tired," aya ni Veron.

"Ay hindi na ho ma'am, mamaya nalang po ako pag-"

"No, come here, para ka namang others eh!" biro ni Veron kaya natawa kaming dalawa ni Jasper. Wala siyang nagawa kundi sumunod at umupo sa isang single sofa.

"How's your school?" Veron asked.

"Ok lang naman po, kaso nahihirapan po ako sa mga professor namin, ang te- terror eh," nag-tawanan naman kaming tatlo.

"Normal lang 'yon," ani ko. Maya maya pa ay nakita kong bumaba na ang apat kong body guard. Kulang ata sila?

"Good afternoon po Ma'am Veron," bati nila at tumango ito.

"Come here, guys. Let's eat," aya ni Veron pero umatras sila.

"What?"

"Susunod nalang ho kami," sagot ni kuya Andy.

"No way, bakit ba you are shy to me ha? You are not others naman eh, besides the more the merrier."

Tumango nalang sila at umupo sa sofa. Ang sofa kasi ay naka paligid na parang  square. sa isang side ay apat na single chair. Kung baga hiwa-hiwalay sila pero nasa iisang side pa rin. Sa isang side naman ay malaking sofa. Sa harap naman ng mga apat na single chair ay may dalawang sofa na kasiya ang dalawang tao sa isang sofa. Sa harap naman ng malaking sofa ay mahaba rin na kasing haba ng nasa harap nito.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon