5

387 8 1
                                    

VALERINA

Hindi ko alam dito kay baby, ang haba ng oras sa maghapon, gusto ba naman niya na sa madaling araw ako mag gatas?

Lupet mo ring bata ka.

Dahil nga gusto ng batang ito na mag gatas ako ay nagtimpla ako. Alangan naman na hindi, mahirap na baka lumabas siya ng de oras. Topakin amputa.

Tumambay muna ako dito sa sala, bale nasa likod ako ng sofa at naka harap sa malaking bintana, basta galss wall ang labas neto pag binuksan mo ang kurtina.

Pag labas mo naman ng pinto doon sa may bandang kusina ay makikita mo sa labas ang garden, bakyard ah basta 'yun! May daanan naman sa harap kaso ang lawak ng Mansion na 'to!

Sa hindi kalayuan naman ay makikita mo ang pool, sarap matulog dun. Hmm, ma try nga. Dahil na boring ako ay dahan dahan akong lumabas ng loob ng Mansion at tumungo sa pool area.

Masarap kayang tumingala tapos bilog pa ang buwan. Nang matungo ko ito ay umupo na ako sa sarili kong upuan. YES, sarili kong upuan. Na aadjust 'to, para kung saan ako kumportable ay makahiga ako.

Nang mailagay ko ang baso sa gilid ko na table ay humiga uli ako at pinag masdan ang moon sa kalangitan.

Iniisip ko, kahit wala ako nun hehe.

Ano kaya ang buhay ko ngayon kung hindi ako na bangga at nakasama ang apat?

Sa totoo lang ay napamahal na ako, kami ng anak ko sa apat. Nag papasalamat ako kay god dahil meron akong apat na tinuring ko ng kuya sa buhay ko. May nanay at mga kapatid na rin ako dahil may mga maids at si manang sa buhay ko siyempre.

Kahit pa maiinitin ang ulo ng apat.

Yes po alam ko po, dahil minsan ay narinig kong mura nang mura si Ghil  dahil sa business gano'n din ang iba kaso mga nakaraang buwan na 'yon.

Kahit gano'n sila ay ni minsan ay hindi ko naisip na masamang tao sila. Alam kong hindi nila kayang manakit, kahit pa sabihin mong mabilis silang magalit.

Kung kukunin man ako ng panginoon someday, magiging panatag ako sa baby ko. Nasa magandang buhay siya.

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako, piste. Dahil nga wala naman akong iba pang gagawin ay kailangan ko na munang matulog dahil bawal sa akin ang makulangan sa tulog.


LUIS

"Where the fck is she?!" iretang tanong ni Darius sa mga katulong dito sa Mansion. Paano ba naman, nawawala lang naman ang buntis, ang aga aga.

'Yan agad ang bumungad na tanong niya sa mga maids dahil noong pinuntahan namin siya sa kwarto niya bago kami bumaba ay wala siya.

"S-Sir, nakita na po namin siya."

"Where?" sabay-sabay na tanong namin. Sinundan namin ang isa sa mga body guard at nagtaka kami dahil pa papunta kami sa... pool?

What the! binilisan namin ang takbo hanggang sa nakita namin siya. Ang kaso ay masarap ang tulog niya.

"Fudge! check all the cctv, near here at the pool," utos ni Ghil at tumango ang mga bantay.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon