Jasper"Anong balita sa pag aaral mo?" tanong ni kuya Vern habang kumakain kami.
"Hindi ko pa po alam kung makakapasok ako sa school na 'yun," alinlangan kong sagot. Sila kuya Vern kasi, gusto akong maka pasok sa University na hindi naman ata ako papasa sa standard nila.
"Matalino ka naman ah, anong problema dun?" tanong naman ni kuya Andy. Yep matalino nga ako, pero.
"Baka mas matalino pa ang kailangan nila, kasi naman eh," na alala ko nanaman ang nangyari noong unang pasok ko dun, tss.
"Bakit?"
"Yung isang ginang kasi sa School na 'yon, ang sungit! parang may dalaw pa ata. Nagtanong lang naman ako kung saan pwedeng mag pa enroll sa susunod na taon, ang sagot ba naman, "tanong mo sa nanay mo." Watdah, tegy na nanay ko, susmaryusip!" kaya ang lima ay tumawa, ano bang masama?
"Kumain ka nalang, mamaya mapa anak pa si Señorita tapos mahimatay ka nanaman, edi sa pag gising mo gutom ka. Perwisyo pa namin," kaya sumimangot.
"Sa susunod na sahod, libre mo naman, Arnold," sabi ni kuya Felipe habang nag lalakad kami pabalik sa Hospital.
"Magpapa fiesta pa ako kung gusto niyo, pero sa graduation na ni bunso," sabay akbay niya sa akin kaya nag ngitian sila.
"Matagal pa 'yun! matanda ka na," katsyaw ni kuya Dante kaya naka tanggap siya ng batok kay kuya Arnold.
Mga matatanda nga naman, iba na talaga sila. Habang naglalakad kami, oo naglalakad kami. Malapit lang naman at exercise na sa mga matatanda ito. May nakita akong nag titinda ng cotton candy.
"Tara," biglang aya ni kuya Vern na pinagtaka ko. Saan nanaman kami pupunta? nagulat nalang ako noong tumawid kami at papalapit kay kuyang Cotton candy.
"Kuya, pito na piraso nga po," bili ni kuya Vern.
"Color green sa akin kuya," sabi ni kuya Dante.
"Blue sa amin ni Felipe," sabi naman ni kuya Andy.
"Kulay Pink po sa akin," sabi ko naman kay kuyang nagtitinda.
"Pink narin po sa aming mga naiwan," sabi naman ni kuya Vern at nagbayad.
"Kanino 'yung isa?" tanong ni kuya Felipe.
"Depende sa hihingi, maliban sa inyo," sabi naman niya na pinagtaka ko.
"May hihingi pa ba?" tanong naman ni kuya Dante. "Oo, nararamdaman ko."
Ngayon ay patawid na kami at kailangang bumalik sa Hospital.
"What took you so long?" bungad na tanong ni boss Ghil, ngayon ay naka pasok na kami rito sa kwarto ni Señorita na tulog pa ata, shatay tayo.
"Sorry boss, medyo napasarap ang kwentuhan," sabi naman ni kuya Vern.
"What is that?" tanong ni Sir Luis, tukoy niya ata tong cotton candy na hawak namin.
"Cotton Candy po," sagot ko.
"Boss, sa'yo na ito," bigay ni kuya Vern, yung extra na isa. Ito ba yung meaning niya?
"Thanks," sagot naman ni Sir Luis. Narinig ko pang humingi si boss Ghil.
"Dang! its like an air, it doesn't have a taste," halatang inis na sabi ni boss Ghil.
"Tss, tumikim ka na ngalang, nagreklamo ka pa," sabi naman ni boss Mat kaya natawa kaming lahat.
"Did i give you a permission to laugh?" sungit na sabi ni boss Ghil kaya tahimik kaming natawa. Mahirap na' baka masisante kami. Kawawa naman ang future engineer niyo pag nagkataon.
BINABASA MO ANG
The Daughter Of Four Billionaires
AcakSi Valerina ay isang nanggaling sa Orphan ngunit may umampon dito na namatay na rin. Ang masaklap pa ay baon sa utang ang mga nag ampon sa kaniya kaya't napilitan siyang ibenta ang mga gamit na naiwan ng kaniyang mga magulang. Apat na bilyonaryo at...