33

286 9 1
                                    

Valerina

Ano ba ang mga totoong pagkatao ng mga tao dito sa Mansion?

Ano ba ang mga nangyayari?

Ano ang mga nangyayari na dapat kong malaman?

Paano ko malalaman ang mga tanong sa isip ko?

Paano ako gagalaw kung lahat ng mga tao rito ay iisa lang ang plano? Iisa lang ang gagawin?

Wahhhh ayaw ko naaaa, ang hirap naman ng gan'tong ugali eh!

Si Mat? bakit hindi ko makilala? Si Rius, mas lalo akong na mysterious sa pagkatao niya.

"Señorita."

"Ay kalabaw!" gulat kong banggit.

"Mas lamang naman ako ng ilang ligo dun," biro pang sabi ni kuya Vern. Inirapan ko siya.

"Kuya Vern! bitbit ko si Valerie oh."

"Sorry Señorita, ang lalim nalang lagi ng inisip mo. May problema ba?"

Sasabihin ko ba? siyempre hindi! baka isipin niyang pinaghihinalaan ko siya.

Argh! edi magiging inosente nalang ako forever dito? Edi wala akong gagawin?

"Kuya Vern, may itatanong sana ako," banggit ko kaya napa dungaw ito.

"Ano 'yon, Señorita?"

"May-"

"Anak, naka handa na ang meryenda," naputol ang sasabihin ko noong tinawag ako ni Manang.

Talaga bang gagawin niyo akong inosente dito? author, baka naman matutulungan mo ako.

"Sige po Manang," at tinulungan ako ni kuya Vern na tumayo dahil nga bitbit ko si Valerie.

"Hindi talaga kayo pumasok?" gulat akong natanong sa apat dahil hindi talaga sila pumasok sa kaniya kaniya nilang office.

Nahahalata ko na talaga eh! may hindi ako alam.

"What do you think?" aba! nagtatanong lang naman ah, bawal ba 'yun?

"Sa tingin ko? dyan na nga kayo, kayo nalang kumain," sabay walk out namin ni Valerie.

Dapat malaman ko na ang totoo bago pa kami maka punta ng Chicago.

"Señorita," tangina!

"Omg, bakit ba kayo nanggugulat?" buti hindi ko nabitawan ang anak ko.

"Ano ang kailangan niyo?" tanong ko kela Regina at Ashley. Ang taga linis ng nursery room.

"Hindi muna po kayo munang maka pasok sa nursery room," sambit ni Regina na kinataka ko.

"Anong meron sa nursery room at hindi ako pwede?"

"Kaka lagay lang po ng muriatic acid ang c.r," seriously? ang random naman ng mga 'to.

"Sabi niyo 'yan eh, sige hindi na muna,"  tumango sila at nilagpasan na ako. Mas maganda 'to, hagdan na muna ang gamitin ko. Exercise kahit pa hapon na. Aba pwede naman 'yun.

Nang maka pasok ako sa kwarto ay ibinaba ko muna si Valerie sa crib.

Kailangan ko munang mag pahinga, sobrang daming tanong sa utak ko ngayon.

At lahat ng iyon ay gusto kong masagot. Pero hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sagot.

Nandito ako ngayon sa veranda para mag muni-muni. Sana maging maayos ang problema nila kung sakaling wala silang balak na sabihin sa akin. As long as hindi nila ikakamatay ay okay ako dun.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon