37

266 8 2
                                    

Valerina

"Be a good woman there, okay?" tumango naman ako.

"We already talked about this, Valerina," tumango uli ako sa sinabi ni Ghil.

"Hwag ka ng malungkot, saglit lang 'to," singit naman ni Mat. "Hindi naman ah?" sabi ko pa. Kahit na oo, tss.

"Nasaan na si Valerie?" pagiiba ko.

"She's here," singit naman ni Darius. Kinuha ko na kay Darius si Valerie at inayos mula sa bisig ko.

"Gosh, Valerina!" nabalik ako sa reyalidad noong sumigaw si Veron.

"What?" tanong ko naman.

"Geez, I am talking to you but you are out of space or something," sabay irap pa niya.

"What is the problem ba?" tanong niya kaya napa-buntong hininga ako.

"Wala," sagot ko naman. "Oki, I'll be back here okay?" sabi niya kaya nagtaka ako.

"Eh diba weekend ngayon?" takang tanong ko.

"I told you that a while ago but you are not listening to me!" may dabog pa ito kaya napangiti naman ako.

"I have a meeting this afternoon, it's urgent," tumango naman ako.

"If you need anything, just call me okay?" tumango ako uli, parang wala naman akong bodyguard dito para tawagan siya.

"Gotta go," nag beso siya at umalis na.

Nang maka alis na siya ay tsaka lumapit ang mga bodyguard ko para samahan ako dito sa sala.

Kaka-patulog ko lang kay Valerie kaya wala akong kaharutan.

"Any update?" tanong ko sa kanila.

"Wala pa rin, Señorita," nag buntong hininga naman ako. It's been a week since we left the Philippines.

At isang linggo na rin akong walang update galing sa apat. They promise pero wala.

"Hwag ka ng malungkot, Señorita. Malay mo ay busy lang talaga sila," pagpa-pagaan ni kuya Dante.

"Eh bakit si kuya Vern, kahit pa ang layo niya ay nakakatawag pa rin siya sa pamilya niya sa Pilipinas?" maktol ko.

"Eh kasi naman Señorita, Iba 'yung trabaho na ginagawa nila boss kumpara kay kuya Vern," sagot naman niya.

"Tsaka pagbabantay at pag aalaga lang ang trabaho namin sa'yo, hindi naman 'yun matrabaho o mabigat," singit ni kuya Andy.

"Mag mall nalang kaya tayo mamaya?" aya ni Jasper.

"Ang random mo naman," gatong ni kuya Arnold.

"Eh kasi diba, puro sa shop nila madame Veron tayo naka tambay. Para maiba naman at makita natin ang pagkaiba ng mall dito at mall sa Pilipinas," sagot naman ni Jasper.

"Oo nga no, kuya Vern, pwede po ba tayong mag mall mamaya pag gising na si Valerie?" nabaling naman ang tingin ko kay kuya Vern.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon